I

232 7 5
                                    

I

"WAAAAAAAAAH! WALA NA NAMANG INTERNET!"

Nakakainis na ah! Wala na naman internet. 😭😭

Bumaba ako at hinanap si Mama..

Andun lang pala sa living room nag-iinternet sa laptop.

"Ang daya mo Mama! Bakit ikaw nag-iinternet? Sakin walang internet?" 😕

"Pinalitan ko password nung wifi. Nakikita ko kasi yung mga post mo sa Facebook! Mga non-sense. Psh."

"May Facebook ka, Ma? Taraaaaay! Add mo naman ako! Dali naaa!"

"Heh! Wag mo 'ko maganyan-ganyan, bata ka."

"Mama naman eh! Ano yung password? Sige na, please. Hindi muna ako magffacebook, promise! Magbabasa lang ako ng stories sa Wattpad."

"Kahit na! Nakikita ko din yung mga stories na pinopost mo sa Wattpad! Bawal yang ginagawa mo! Bakit nangongopya ka ng mga kwento, ha?! Plagiarism yan!"

"Hindi, ma! Gawa ko talaga yun! Bakit ba lagi na lang nila sinasabing kinokopya ko lang yung mga stories na pinopost ko? Hindi ba sila naniniwala na magaling lang talaga akong magsulat ng stories? Psh." binulong ko lang yung huli kong sinabi.

Hindi naman talaga ako nangongopya ng mga stories eh! Kahit ipakita ko pa sa kanila yung laptop ko habang nagta'type ako ng update eh! Tss. Mga tao nga naman, walang believe sakin! Sa galing kong to? Psh.

"Ewan ko sayong bata ka! Bahala ka sa buhay mo. Bukas ko pa ibibigay yung bagong password sayo!"

"Mama naman eh! Monday na kaya bukas! Pagkatapos na ng dismissal ako makakapag-internet? Ngayon na, para hindi sayang oras. Pleaaaase? *puppy eyes*"

"Che! Magtigil ka. Bukas na."

Nakakainis naman eh! ARGH. Tataas na nga lang ako sa kwarto para maghanap ng ibang wifi. Malay mo diba? Baka walang password yung wifi ng mga kapit bahay. Hahaha. Ang bait naman nila kung ganon!

Tumaas na ako sa kwarto ko.

Nakita ko..

Select a network to connect to:

monzzkie (password-protected)

another virus (password-protected)

del monte (password-protected)

Kakabit ka? (password-protected)

virus (password-protected)

I miss you (password-protected)

WHAT THE HELL? LAHAT PASSWORD-PROTECTED?! KAINIS!

Bakit ang creepy ng mga names? At tsaka yung 'I miss you' bakit di na lang niya itext or ichat dun sa sinasabihan niya at name pa ng wifi ang pinaggamitan niya para makipag-usap? Tanga ba siya? Mga kalandian nga naman! Pinapairal kung saan-saan!! La poreber!

Makatulog na nga lang, wala naman magagawa dito sa bahay.

Wala namang wifi, wala naman akong games na pwedeng offline. Meron lang ako dito League of Legends tsaka DOTA 2. Eh gusto ko mga ganung laro eh bat ba? 😒 Wala akong load dahil tinatamad akong magreply sa texts nakakatamad lang. Kaya nga may Facebook diba? Para di ka na magpaload pa! May
wifi naman! Jusko.

Gusto ko pa naman gumala. Pano ko kaya sila kakausapin? Ugh bwiset.

ZzzzZzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz

Who's the Owner of the Wi-fi with a Creepy Name?! (Deleted)Where stories live. Discover now