Chapter 15: Day 1 part 2

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ate...pwede po ba akin na lang yan?"

Yun oh! Angel ka bata! Kaya binigay ko. Ligtas ako! Nagpasalamat at umalis na yung bata

"Bakit mo binigay?"

"John Andrew Mendez alangan naman ipagdamot ko?"

"Eh di ibibili ko siya"

"Eh di habulin mo yung bata" Angal pa eh nabigay ko na nga at LIGTAS na nga ako eh!

"Ibibili na lang kita ulit"

"A-yo-ko" Ang kulit!

"Ikaw nga umamin di ka talaga kumakain nito noh?"

"Kumakain nga!" Kulit kulit talaga

"Eh bakit ayaw mo?"

"Wag ka tatawa" Wala eh suko na ako sa kulit ng taong ito

"Yung lang pala eh sige"

"Yung ano...yung maliliit na buto ng saging na saba na yan...di ko gusto. Wag ka tatawa binabalaan kita!" Subukan mo lang talaga magsisisi ka!

"Uhm...uhm...ahahahaha...ahahahaha"

Sabi ko wag ka tatawa eh. Matagal ko na din ito di nagagawa eh

One 

Two 

Three!

"Ahh! Bakit mo tinapakan paa ko?"

"Buti nga sayo. Blehh"

Naglakad ako ng mabilis. Nakakita kasi ng cotton candy eh.Nakita ko siya umupo sa mga upuan sa may plaza. Yup! Nasa plaza kami di katulad sa Manila dito di masyado mainit at di ma-polusyon. Fresh Air!!!

Pagkabili ko ng cotton candy and drinks for us lumapit ako sa kanya

"Oh. Masakit?"

"Thanks. Wow tinanong mo pa talaga?"

Point of no returnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon