"Ha! Panalo ulit!"
Dalawang ginoo ang masayang nagsusugal sa isang maliit na mesa no'ng gabing 'yon sa labas ng isang malaking bahay, na may magandang bakuran, at mamahaling alak sa harap nila.
Lingid sa kaalaman nila..
"Ano nanamang ingay 'yon?" Tanong ng nanalo, nang makarinig siya ng kakaibang ingay mula sa loob.
"Isa pa ulit!" Inis na pag-aaya ng natalo.
..ang hagdan pababa sa silong.. o marahil, paakyat at palabas mula rito, ay nababalot na ng mga dugo.
At wala sinuman sa dalawang ginoo ang may ideya sa nangyayari.
"Going once! Going twice!" Sigaw ng subastador sa isang subastahan na dinadaluhan ng mararangyang pamilya. Kabilang dito, ay ang Señor, o Padre ng Familia Lanoria.
"Kukunin natin ang isang 'yan. Itaas mo pa." Bulong nito sa katiwala nya..
Si Ginoong Ian val Verde. Tumatayong kanang kamay ng Señor, isang opisyal, at pinakapinagkakatiwalaan sa lahat ng tao ng Familia Lanoria.
Gaya ng utos ng Señor, itinaas niya'ng numero nila.
Sa kabilang banda, tahimik ang kwarto ng bunsong Lanoria. Ang tanging maririnig mo lang ay..
"At nagising siya sa katauhan ng batang itinuring niya'ng pamilya"
..ang maamong boses ng ginang sa tabi nito na gabi-gabi siyang binabasahan ng libro.
Ah-tulog na siya.
Si Doktora Estefania Estania. Isang opisyal, at personal na tigapangalaga ng bunsong Medea Lanoria.
Nasa kanya ang tiwala ng lahat sa Familia Lanoria pagdating sa usaping pang-kalusugan. At siya rin ang naatasang mag-alaga nang husto sa bunso ng Señor, dahil sa hindi magandang kalagayan nito.
Hinihiling kong maging masaya ka sa kaunting oras na natitira sa'yo, Señorita.
BAM-!! Yumanig ang pader sa pagbukas ng pintuan.
"Señori-"
Tumatakbo, naghihingalo, takot, at balot sa dugo ang nagmamadaling makalabas na binata.. ang panganay na anak ng Señor.
"Señorito?!" Nag-aalalang tono ng dalawang ginoo sa labas, na agad ring naiwan at hindi pinansin ng binata.
"Ano 'yon?" Pagtataka ng isa.
"Ah~!?" Kabadong sigaw ng isa pa, nang malingon siya sa pintuang nilabasan ng Señorito.
Walang nagawa ang isang ginoo kundi manlambot ang tuhod at tuluyang bumagsak sa sahig. Pati ang hinihipak nitong sigarilyo ay nahulog nang hindi namamalayan, dahil sa nginig niya habang nakatitig sa lalaking lumabas mula sa pintuan.
"Nakipag-kasundo ako alang-alang sa negosyo ng Familia namin. Wala akong kaalam-alam tungkol sa lalaking pakakasalan ko, maging sa Familia nito."
Sa isang lihim na pagkikita sa isang maliit na karinderya, dama ang kaba sa boses ng dalaga na ipinatawag ng dalawang binata.
Sina Ginoong Noe Conde, sinanay na sundalo't naatasan sa seguridad ng Familia Lanoria..
At Ginoong Mauro Aviola, ang punong kusinero na naghahain para lamang sa Señor at mga anak nito.
Ang parehong ginoo ay kabilang rin sa mga opisyal ng Familia Lanoria.
"Para humantong sa pagbabanta sa buhay mo.. ano ba 'yong nakita mo sa silong?" Maingat tanong ni Mauro para siguraduhing hindi siya makadaragdag sa takot ng dalaga.
"Wala na 'kong ideya kung sino pa'ng mapagkakatiwalaan ko. Tauhan kayo ni Aviño, hindi ba?"
"Aha~" Tawa ni Noe, "ng Señor Gavil, oo. Pero yung panganay niya? Hindi ano..
Pero anong malay natin? Baka bukas makalawa, hindi na.. depende sa malalaman namin mula sa'yo, Señorita."
Matapos ang kasunduan, nagpaalam na sila sa may-ari ng karinderya na siyang lolo ni Mauro.
"Aalis na kami, Mara" Paghimas nito sa ulo ng batang kapatid, "Tulungan mo dito si lolo habang wala ako."
Nakangiting tumango ang bata.
"Magiging ayos lang ba kayo?" Tanong ng matanda, "Nag-aalala 'ko."
"Opo. Siguradong maiintindihan kami ng Señor", Sagot ni Mauro.
"Wag ho ninyong isipin masyado si Mokong, ako na ho'ng bahala", Biro ni Noe na may kasamang kindat na siyang nagpapakaba kay Mauro kung tunay ba 'tong ginoo.
"Salamat ho sa pagkain" Sabay nilang bigkas.
"O siya, parati kayong mag-iingat."
"Ahh!! Hindi~!!"
Ang gabing 'yon.. ay nabalot sa makapal na usok mula sa malalaking apoy na lumamon sa malaking bahay.
Walang magawa si Señor Gavilino kundi sumigaw, magalit, manghinayang, at pagbuntonan ang panganay niyang anak.
"Sabi na nga ba.." Mahigpit na hablot nito sa kuwelyo ng panganay niya. "Hindi ko dapat hinayaan sa inyo ng bagong doktor mo ang paggawa sa gamot ni Medea!"
Ngunit hindi makita sa mukha ng binata ang kahit anong pagsisi, "AVIÑO!!", bagkus ay nakangit pa ito, habang pinapanood ang gusali na matupok ng apoy.
"Tama.." Nahinto ang Señor, "Naroon ang makabre!"
Isa-isang nagsisilabasan ang mga tauhan na maswerte pang nakalabas. Kung hindi galos, ay nawawalang parte ng katawan ang tinamo nila.
Maya-maya pa, isa sa kanila ang nagpasan sa bunsong Lanoria papalabas.
"Medea!" Singaw ng Señor. "Ang makabre, nasaan?!" Tanong niya sa tauhan.
"Naiwan ho siya sa kwarto ng Señorita Med-"
"INUTIL!!"
Nagmamadaling tumakbo ang Señor pabalik sa loob ng mansyon.
"Señor! Walang pinapalampas ang apat na punong katiwala, delikado!!"
Bagamat nag-aalala, wala nang sinuman ang naglakas loob na sumunod sa kanya.
Sa isip ni Señorito Aviño..
Tignan mo kung sino'ng inutil. Sabagay, mas mabuti kung makaabot ka ro'n nang buhay at makuha ang halimaw na 'yon. Kung hindi naman.. ayos lang din.
"MAKABRE!!"
Sa kagustuhan na maisalba ang maisasalba, nakatating ang Señor sa kwartong 'yon.
Ang gabing 'yon.. ay nabalot ng amoy ng nasunog na kalamnan. At kinumpirma ng Familia Lanoria na ang mga sumusunod..
Ian val Verde
Estefania Estania
Noe Conde
Mauro Aviola
..ang apat na punong katiwala, ay namatay sa naganap na sunog.
YOU ARE READING
Macabre's Contract: Manuscript
Mystery / ThrillerSa isang lipunang pinangingibabawan ng palitan- bigayan at pagtanggap, lumaganap ang salaysay ukol sa Makabre- isang alamat na nag-ugat sa malalayong lalawigan, ay unti-unting umangat patungo sa distrito ng Vigelogna, isa sa pinakamararangyang pook...
