"Xy... ano ba sinasabi mo?"
Nanginginig yung boses ko. Hindi ko na mapigil kahit anong pilit kong maging matatag. Sanay na ako sa lamig niya, pero hindi pa rin ako sanay sa sakit.
"I didn't do anything wrong to her. I swear I didn't. I wasn't even in that building that night."
Napahigpit yung hawak ko sa laylayan ng damit ko, hanggang mamutla yung mga daliri ko. 19 years old lang ako. Pero parang 50 na yung bigat na dala ko ngayong gabi.
"So why... why is it always her?
Why do you always take her side instead of mine?"
Hindi siya sumagot agad.
Tumayo lang siya mula sa sofa. Ang layo niya sakin kahit nasa iisang kwarto lang kami. Tatlong hakbang lang yung layo. Pero parang karagatan.
Tumawa siya.
Walang emosyon. Walang init. Yung tipong tawa na masakit pa sa sampal kasi hindi mo alam kung galit ba siya, naiinis ba siya, o pagod na lang talaga siya sakin.
Hindi man lang siya lumingon. Nakatitig lang siya sa dilim sa labas ng floor-to-ceiling na bintana ng condo namin sa BGC. Ang ganda ng view. Ang pangit ng pakiramdam ko.
"Come on, Zia."
Boses niyang pagod na pagod. Pagod sakin. Pagod sa drama ko. Pagod sa pagiging ako.
"You're doing this again, aren't you? Just to make her leave?"
Napalunok ako. Ang sakit sa lalamunan. Parang may tinik na ayaw lumunok.
"Again? So every time na nasasaktan ako... it's just me 'doing this again'?
Is that all I am to you? A problem? A scene you have to endure until the contract ends?"
Contract.
Yun yung salitang kinamumuhian ko.
Dahan-dahan siyang lumingon.
Pero sana hindi na lang.
Malamig yung mga mata niya. Mas matanda ng 3 years, pero parang mas matanda ng 10 years yung lamig niya. 22 pa lang siya, pero yung tingin niya... parang nakita na niya lahat ng klase ng tao. At ako? Isa lang akong obligasyon.
"What do you want me to say, Zia? Huh?
That I should choose you? That I should pretend na ikaw yung gusto ko?"
Natahimik siya. Ang tagal. Ang sakit ng katahimikan na 'yon. Mas masakit pa sa sigaw.
"You're my wife on paper, Zia. That's all the contract ever said. That's all this ever was. A business arrangement. A signature to save my family's company. Nothing more."
Parang sinampal ako.
"On paper..."
Napangiti ako. Pero basag. Peke. Yung ngiti na ginagamit mo para hindi ka magmukhang durog na durog sa harap ng taong nanakit sayo.
"Right. On paper."
Lumapit ako ng isang hakbang. Isa lang. Kasi natatakot akong lumapit pa. Natatakot akong itulak niya ako palayo. Natatakot akong sabihin niyang "don't touch me."
"Then tell me this, Prof. Xyriel.
If I'm just paper to you... if I'm nothing but ink and signatures...
Then why did you sign?
Why did you say yes? Why did you marry your 19-year-old student?"
Katahimikan.
Tumingin siya sa sahig. Sa kisame. Sa sing-sing niya. Kahit saan, basta hindi sakin.
Ang tagal bago siya sumagot. At nung sumagot siya, gusto ko sanang bawiin yung tanong. Gusto ko sanang takpan yung tenga ko.
YOU ARE READING
I Fell For My Professor
General FictionZia fell for her professor first. They got married, but she's still in love with her ex.
