We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Short story

5 0 0
                                        

Sobrang dilim na ng paligid, at hindi mapakali ang sarili ko dahil gustong-gusto ko nang kausapin si Nathan. Dahil... iiwan na naman niya ako.

Sa sobrang dilim, hindi ko na makita ang ekspresyon niya. Umiiyak ba siya? O parang wala lang?

Hanggang sa mahina kong naitanong, "Iiwan mo na naman ako?"

Kasabay noon ang pagbagsak ng ulan at pagpatak ng mga luha ko. Hindi naman dapat ako ngumiti, pero nang maramdaman kong umuulan din, parang pakiramdam ko'y niyayakap ako ng langit.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.

Akala ko'y aalisin niya iyon.

"Kala ko ba sabay tayong tatanda?" paiyak kong sabi.

Hinayaan niya lang akong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko sa gabing iyon. Walang buntong-hininga. Walang salita. Tanging ulan lang ang maririnig sa buong paligid.

"Pero... bakit parang ako lang ang tumupad sa mga pangako natin? Na sabay tayong tatanda. Minahal mo ba talaga ako? O wala ka lang ibang choice kasi ako lang naman ang laging kasama mo? Mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba? Bakit ayaw mong sumagot? Sagutin mo naman, Nathan. Mahirap ba? Ako na mismo ang magpapalaya sa'yo. Sabihin mo lang na hindi mo talaga ako minahal."

Hindi ko alam na darating kami sa ganitong sitwasyon. Akala ko okay kami. Akala ko pareho kaming masaya.

Pero heto kami ngayon-basang-basa sa ulan, magkahawak pa rin ng kamay, pero pareho nang sugatan.

Mahal na mahal ko si Nathan. At alam kong minahal niya rin ako.

Hanggang sa nagsalita siya.

"Minahal kita, Chloe... pero ang sakit-sakit na."

Parang gumuho ang mundo ko.

Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ito. Hindi ko kayang mawala siya. Siya lang ang naging safe space ko.

"Ano bang ginawa kong ikinasakit mo?" kalmado kong tanong.

Hindi siya sumagot.

Lumipas ang ilang segundo.

Tahimik.

Ramdam kong nilalamig na kami pareho. Nanginginig na rin siya.

Imbes na pilitin siyang magsalita, mahina kong sinabi, "Punta muna tayo sa condo ko. Malayo pa condo mo. Baka lalo kang magkasakit."

Tahimik siyang sumunod.

Habang nasa elevator kami, bigla siyang nagsalita.

"Sorry."

Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad.

"Why?"

Iyon lang ang naitanong ko.

Hindi ko inaasahan ang sumunod.

Hinalikan niya ako.

Parang huminto ang oras.

Pagkabukas ng elevator, tahimik kaming naglakad papunta sa condo ko.

Pagkapasok namin, sinabi kong isuot niya ang blue na tsinelas niya. Madalas kasi siyang nasa condo ko, at madalas din naman ako sa condo niya, kaya may gamit na kami sa mga lugar ng isa't isa.

Naligo muna siya at nagpalit ng damit.

Napailing na lang ako.

Nakakainis.

Ang pogi pa rin niya.

Hay naku, Chloe. Tandaan mo. Kanina lang sinabi niyang iiwan ka na niya.

Lumapit siya sa akin.

"Sorry kasi sinabi ko sa text na iiwan kita."

Tahimik lang akong nakinig.

"Nagselos kasi ako. Alam kong hindi valid na dahilan iyon. Ewan ko ba. Confident naman ako na ako pa rin ang pipiliin mo. Pero kanina, ginawan kita ng lunch at coffee. Pagdating ko sa office, nakita kitang may kausap na lalaki. Ang saya n'yong nagtatawanan. Doon ko naisip na baka hindi na ako enough para sa'yo. Naisip ko... bakit ka pa tatawa sa iba kung nandito naman ako?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.

Siguro natalo lang talaga siya ng pag-o-overthink.

"Bebi naman..." napangiti kong sabi. "Dapat nagtanong ka muna kung bakit kami nagtatawanan. At saka hindi lang naman siya ang kausap ko noon."

Napatingin siya sa akin.

"Alam mo ba kung bakit ako ngiting-ngiti?"

Umiling siya.

"Ano po bang pinagtatawanan n'yo?"

Napangiti ako.

"Kasi tinatanong nila ako tungkol sa atin. Nagkuwento ako ng kaunti tungkol sa relationship natin. Kaunti lang ha, baka ma-evil eye tayo."

Natawa siya.

"Kinuwento ko kung paano tayo nagkakilala. Naalala mo ba noong first date natin sa tagaytay? Ang dami mong pickup lines. Hindi ko nga makabisado lahat."

Ngumiti siya at tumango.

"Tapos busog na busog ka sa pagmamahal ko," natatawa niyang sabi. "Mahal na mahal kita noon... at hanggang ngayon."

Pareho kaming napangiti.

Ang dami naming naalala noong mga panahong estudyante pa lang kami.

Hanggang sa niyakap niya ako.

Saka ako hinalikan sa noo.

"Sorry, baby ko. Masyado talaga akong mabilis magselos. Ang daming lalaking nasa paligid mo, natatakot lang akong baka balang araw mas magustuhan mo sila kaysa sa akin. Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi man lang kita tinanong. Nag-assume agad ako. Akala ko mas masaya ka na sa iba."

Huminga siya nang malalim.

"Umiyak ako kanina pag-uwi ko sa condo. Nasa ref pa rin yung pagkain at coffee na ginawa ko para sa'yo. Huwag kang mag-guilty, okay? Kasalanan ko ito. Nasaktan kita. At ayokong masaktan ka kailanman, my little girl. Alam mong mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako. Please... stay with me."

Ganoon talaga si Nathan.

Palagi niya akong binibigyan ng assurance.

Pareho kaming overthinker, kaya mas pinipili naming mag-usap kaysa maghulaan.

Hindi siya defensive kapag may problema kami.

Maingat siya sa mga salita niya.

Gentle.

At araw-araw niyang pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.

Ngumiti ako.

"Sorry rin. Hindi ko alam na pumunta ka pala sa office. Busy kami ng mga officemates ko kaya hindi kita napansin. Alam mo naman na kahit hindi mo nakita 'yon, ikukuwento ko pa rin sa'yo ang nangyari sa work ko. Kung minsan lang talaga sobrang pagod ako kaya nakakatulog agad."

Hinawakan ko ang mukha niya.

"You can ask me anything, my love. Hindi ako magagalit kapag nagtatanong ka. Mas gusto kong nagtatanong ka kaysa nag-a-assume."

Tumango siya.

"Yes, Miss Ma'am."

Napatawa ako.

"Huwag ka na kasing magsasabi ng iiwan mo ako."

Napayuko siya.

"Opo. Sorry, my Chloe. I love you so much."

"I love you too."

Nakatulog kaming magkatabi nang gabing iyon.

Hindi dahil wala nang problema.

Kundi dahil pareho naming piniling ayusin ang problema bago kami matulog.

At habang nakayakap siya sa akin, tahimik akong nagdasal.

Sana... siya na talaga ang maging asawa ko.

After The RainStories to obsess over. Discover now