Napatingala ako sa kulay kahel na kalangitan at napangit.
Mulikong sinulyapan ang papalubog na araw sa aking harapan at mga nagsisilakihan na alon papunta sa kinaroroonan ko.
Napangiti ako kasabay ng maramdaman ko ang alon sa aking mga paa.
Loving someone is so hard, it's either you take the risk or miss the chance.
Pero what if you take the risk? Makakasigurado ka ba na maibabalik sayo ang pagmamahal na binibigay mo sa tao? Kaya nga risk kasi walang kasiguraduhan, it's either you win or you loose to the game of love.
And what if hayaan mo na lang? Hayaan mo na lang mawala 'yung taong mahal mo sa piling mo, hayaan mo na lang na mahalin siya sa malayo. I know you will regret it sa huli at sasabihin mo sa sarili mo na 'why did I not pursue him? Bakit ang torpe ko?'.
That's how the love works, either you will be happy or you will cry until the end.
I love sunsets pero sa ngayon kapag nakikita ko ito ay parang paghihinagpis ang aking nararamdaman.
There's a two meaning of sunsets for me, first a new beginning and the other one is letting go of someone.
"Bia, I'm sorry." I looked at Craig with my teary eyes.
Hindi ako makapagsalita parang may bumarang bato sa aking lalamunan, nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
Lumandas ang ilang butil ng luha sa aking mga mata pero agad ko din itong pinalis. Ayaw kong makita niya akong iniiyakan siya.
"I-im so-"
Hindi ko na siya pinatapos sa kanya mga sasabihin. Agad kong dinampot ang aking mga gamit sa buhangin. Sinabit ko ang shoulder bag ko sa kaning balikat at matalim siyang tinitigan.
"Fuck you and your sorry Craig. Paulut-ulit na lang."
Abot ko ang aking paghinga habang umaakyat ang galit sa aking sistema.
Muli kong pinahid ang palad ko sa basa kong pisngi. Traydor na mga luha ito sabing hindi ako iiyak e!
"I'm done." malamig na pahayag ko at nagsimula ng magmartsa paalis sa kinaroroonan namin.
"Let's go, B?" napalingon ako sa kaibigan kong si Aly na nasa gilid ko na.
Nanunubig nanaman ang mga mata ko pero hindi ko pinakita sa kanya baka sabihin nanaman niya na iniiyakan ko ang kumag na iyon.
Tumayo ako at pinampag ang shorts ko na may sumaag buhangin at nilingon siya.
Tumango ako at ngumiti.
**
