Last customer na po, sir
Pagod kong isinara ang cash drawer ng Café shop, ang maliit na café na nasa tapat lang ng Eastwood de San Marco University.
Isa lang akong second-year Business Administration student.
Simple ang buhay ko simple ang pangarap ko simple ang lahat at wala akong ideya na sa gabing iyon... tuluyan nang mawawala ang pagiging simple ng buhay ko
Huminga ako nang malalim bago isinukbit ang bag sa balikat.
Finally... bulong ko. Uwian na.
Pagkapatay ko ng huling ilaw, hinila ko ang salaming pinto ng café pero bago pa man ako makalabas
Thud.
Napahinto ako parang may kung anong bumagsak sa labas kasunod no'n ang mahinang ungol ng isang lalaki.
A-ano 'yon...?
Kinabahan ako dahan-dahan akong sumilip sa labas at halos mabitawan ko ang bag ko
OH MY GOD!
May isang lalaking nakahandusay sa gitna ng ulan duguan basang-basa ang itim niyang suit halos hindi na gumagalaw mabilis akong lumapit.
Sir? Sir! Naririnig n'yo ba ako?
Pagkalapat ng kamay ko sa balikat niya, agad akong napaatras nang maramdaman ko ang mainit niyang dugo
S-sh*t...
Nanginginig ang mga kamay ko hindi ko alam ang gagawin unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at sa isang iglap... Parang tumigil ang mundo mapupungay ang mga mata niya malamig matalim parang kaya akong patigilin sa paghinga kahit hindi siya magsalita matangos ang ilong perpektong jawline at ang aura niya... Hindi siya mukhang ordinaryong tao.
Don't... call anyone.
Mahina pero mariing utos niya.
Pero sir, duguan kayo. Kailangan n'yo ng hospital....
I said... no.
Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko napalunok ako hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng ulan...
O dahil sa presensya niya pero imbes na tumakbo..... Tinulungan ko siyang makatayo hindi ko rin alam kung bakit siguro... Hindi ko kayang iwan ang taong mamamatay sa harap ko halos mabali ang likod ko sa bigat niya habang inalalayan ko siyang makapasok sa café.
Pagkasara ko ng pinto, agad ko itong ni-lock.
Dito muna kayo...
Maingat ko siyang pinaupo sa kahoy na bench.
Teka lang. Kukuha ako ng first aid kit.
Pero bago pa ako makalayo... Nararamdaman ko na ang tingin niya diretso tahimik nakakatakot parang sinusubukan niyang basahin ang bawat lihim na tinatago ko.
Who... are you?
Hindi ko napigilang itanong bahagya siyang ngumisi kahit duguan... Delikado pa rin siyang tingnan.
Raze
Isang pangalan lero parang may kakaibang bigat
Raze... what?
Huwag mo nang alamin.
Napangiwi siya nang linisin ko ang sugat niya.
Sorry...
Mahina kong sabi hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa akin nang hindi sinasadya, nahawakan ko ang kamay niya reflex lang plero parang may kung anong dumaan sa pagitan namin isang katahimikang hindi ko maipaliwanag ilang segundo lang ang lumipas... Bigla siyang bumagsak sa balikat ko
R-Raze?
Hindi na siya sumagot nakatulog na siya.
Oy... gising...
Marahan kong inalalayan ang ulo niya pero sa sobrang pagod ko rin sa buong araw... Unti-unti ring bumigat ang mga mata ko hindi ko namalayang nakasandal na rin ako sa dibdib niya mainit tahimik at... Madilim na ang lahat kinabukasan... Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko hindi ito ang kisame ng apartment ko hindi rin ito ang kama ko napabangon ako agad at doon ko siya nakita si Raze katabi ko shirtless mahimbing ang tulog at... Yakap niya ako nanlaki ang mga mata ko.
Put.....
Napakagat ako sa labi.
Put*ngina...
Hindi ako makagalaw hindi ako makahinga hindi ko alam ang nangyari kagabi pero isang bagay lang ang sigurado... Mukhang nagising ako sa tabi ng isang estranghero at mas lalo akong kinabahan nang maalala ko ang isang bagay hindi siya ordinaryong lalaki may kung anong kakaiba sa kanya sa paraan ng pagsasalita niya sa presensya niya sa lamig ng tingin niya at pakiramdam ko... Ang gabing iniligtas ko siya... Ang gabing iyon din ang sisira sa buong buhay ko.
TO BE CONTINUED...
Hi, Readers! 🤍
Welcome to I ACCIDENTALLY SLEPT WITH THE MAFIA KING.
This is a work of fiction. Any names, places, events, or characters are purely products of the author's imagination.
If you enjoyed this chapter, don't forget to Vote ⭐, Comment 💬, and Add to your Library 📚. Your support means a lot!
Happy reading! 🖤
YOU ARE READING
I ACCIDENTALLY SLEEP WITH A MAFIA KING
RomanceAlyssa never planned to be part of anything dangerous. All she wanted was a quiet life as a normal college student classes, work, and surviving each day without trouble. But everything changes one rainy night when she finds a bleeding stranger outs...
