Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Prologue

22 10 1
                                        

DISCLAIMER: This is a fictional work, names, persons, companies, locations, and events and happenings are either made up or fictitious at work. Any likeness to real people, living or dead, or to real events is totally coincidental.

Contains scenes and language inappropriate for children.

Without the author's consent, this story may not be used or altered in any manner.

Toutes droits réservés

Typographical and Language errors ahead.

--

"Please, pumayag ka na," pakikiusap ng kaibigan kong si Leila. Napasinghap naman ako bago ininuman ang kapeng hawak ko.

"No, hindi," mariin kong tanggi. "Wala rin akong gagawin ro'n," natatawang tugon ko sa kaniya.

Hindi niya ako tinigilan, gusto talaga niyang i-cover ang duty ko sa araw ng birthday ni Chief.

Yup, you're right.

Instead na pakiusapan akong pumasok at para makaabsent siya ay kabaliktaran ang hinihingi niya. It-treat daw kasi siya ni Tito pag pumayag ako.

Kaya ito, hindi ako tinitigilan.

"C'mon, birthday naman ng Lola mo 'yon eh," hanggang sa paglakad ay nakasunod siya sa akin. "Ikaw ang favorite na apo, kaya kailangan nandoon ka."

Maniwala kayo diyan, hindi totoo ang sinasabi niya.

"Hindi, dahil papasok ako."

Bumaba ang balikat niya. "Ikakasal ako oh, need ko," pagmamakaawa niya pa na parang hindi ko naman alam na may gintong kutsara siya sa bibig.

Baka kung wala sila Tita ay mas mayaman pa 'to sa akin eh.

"Pag-iisipan ko," yan na lang ang naging tugon ko para tigilan niya na ako.

"Sige ha? May reward ako kay Doc Benedict kapag napapayag kita eh."

"Ay papasok na lang pal-"

"Ops," tinakpan niya ang bibig ko. "Pag-isipan mong maigi."

"Oo na," umirap ako at naglakad na pabalik sa Medical office ng department namin.

Nilapag ko ang kapeng hawak ko, naupo sa swivel chair at sumandal sa sandalan ng upuan.

Birthday na ni Chief...

Tapos required akong pumunta.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil ilang araw na nila akong kinukulit about diyan. Lahat kami kailangang present, iyon raw ang bilin ni Chief ayon yan kay Chairman.

Pero siguro pwede namang hindi ako pumunta 'no?

"Doc Cate?" rinig kong tawag ni Doc Jan sa akin, isa siyang intern.

"Huwag sa akin, magra-rounds na ako, kay Doc Lei na lang," nakangiting tugon ko. Magpapaassist na naman siya sa akin malamang, mas maiging kay Leila siya lumapit.

"Okay po, thank you."

Tumango lang ako bago niya sinara ang pinto. Pasandal pa lang ulit ako nang makarinig naman ako ng ring ng telepono.

Dr. Benedict Sippy Calling...

Si Doc?

"Hello, Doc?"

"Alexandria, anak?" kumunot ang noo ko.

May emergency ba?

Bakit naman siya tatawag sa personal phone ko kung hindi importante?

Mrs. Sippy Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon