Naging paulit-ulit at nakababagot ang araw na ito para sa tatlong magka-kaibigan.Naramdaman nina Eina, Elaine, at Joshtin ang pagod sa pananatili lamang sa boarding house, pag scroll sa cellphone, at paggawa ng pare-parehong gawain araw-araw. Para silang may hinahanap na hindi mahanap.
"Sobrang boring naman," reklamo ni Elaine habang nakasandal. "Parang walang nangyayaring kakaiba sa atin like paulit-ulit routine natin kain, tulog,gala like nakakabagot na."
Tumango si Joshtin. " Same as well. Kailangan natin ng isang bagay na makapagpapawi ng ganitong pagka bored natin sa life, mga tamad naman tayo umuwi sa kanya-kanyang bahay natin hahaha."
Doon na naisipan ni Eina ang isang ideya. "Bakit hindi tayo mag-hiking? May alam akong bundok na pwede nating paghikingan,sinasabing maganda ang daanan at masarap ang tanawin sa tuktok daw nito fresh air pa nga daw pero may sinasabi sila na daan na hindi pwedeng puntahan sabi lang naman sakin."
Muling nabuhayan ng sigla ang kanilang mukha. Agad silang pumayag nang walang pag-aalinlangan. Ang simpleng hangaring makaiwas sa pagkabagoy ay naging isang tiyak na plano. Naghanda sila ng mga dadalhin, naglagay ng tubig at pagkain, at nag hahanda para umalis nang maaga kinabukasan na puno ng excitement. Inaasahan lamang nila ang isang payapa at masayang araw sa kalikasan.
Maagang-maaga pa nang sumikat ang araw ay gising na ang tatlong magkakaibigan. Puno ng pananabik at kasiyahan ang kanilang mukha habang naghahanda ng kanilang mga dadalhin.
Inilagay nina Eina, Elaine, at Joshtin ang tubig, meryenda, at ilang gamit sa kanilang mga bag. Wala silang dala ng anumang kagamitan na pangkaligtasan o sandata-akala nila ay simpleng paglalakad lamang ito sa payapang kabundukan.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Joshtin habang isinusuot ang kanyang sombrero.
"Oo, tara na!" sagot naman ni Elaine na halatang sabik na sabik na.
Mabilis nilang tinahak ang daan patungo sa paanan ng bundok. Sa simula, masigla ang kanilang paglalakad, tawanan at kwentuhan ang maririnig sa kanilang paglalakad. Ang sariwang hangin at malinis na tanawin ay nagbigay sa kanila ng pakiramdam na ito ang kailangan nila upang mawala ang dating pagkabagot.
Patuloy ang kanilang paglalakad nang masigla. Sa simula, malawak at malinaw ang daanan, at kitang-kita ang sikat ng araw sa pagitan ng mga sanga ng puno. Ngunit habang lumilipas ang oras at papalalim sila ng papalalim, unti-unting nagbago ang lahat.
Ang mga puno ay nagsimulang magsiksikan at tumangkad, kaya't lalong humina ang liwanag. Ang dating malinaw na landas ay naging makipot at puno ng mga halaman. Naging mabigat ang hangin at tumahimik ang paligid - wala nang huni ng ibon o kaluskos ng maliliit na hayop.
"Medyo malayo na tayo," sabi ni Elaine habang tumitingin sa paligid, may bahid ng pag-aalala sa kanyang boses. "Hindi ba't dapat ay nakikita pa rin natin ang daan pabalik?"
"Huwag kang mag-alala," sagot ni Joshtin, bagama't siya rin ay nagsisimula nang makaramdam ng kakaibang kaba. "Malalim lang talaga ang bahaging ito ng kagubatan."
Sumunod si Eina, ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa paligid. May nararamdaman siyang kakaiba - tila may mga matang nakabantay sa kanila mula sa dilim, kahit wala naman siyang nakikitang anuman.
Hindi nila namalayan na habang sila ay naglalakad, unti-unti silang lumalayo sa daang dapat sana ay magdadala sa kanila pauwi.
Habang patuloy silang naglalakad, biglang tumigil si Eina at humawak sa braso ng kanyang mga kasama. Ang kanyang mukha ay seryoso at puno ng pangamba.
"Teka lang... may mali," sabi niya nang mahina ngunit mariin. "Parang hindi ito ang daan na dapat nating tahakin. May narinig akong kwento noon na may bahaging ito ng bundok na ipinagbabawal pumasok ng mga matatanda-sinasabing delikado at walang bumabalik na buhay mula rito."
YOU ARE READING
YOU CAN'T ESCAPE DEATH
HorrorDriven by curiosity and a desire for adventure, three friends wander deep into the woods and stumble upon an abandoned house that time forgot. Thinking it is just an empty relic, they step inside to explore - unaware that their curiosity has opened...
