SAFFYRE
At kung paano ko natakasan ang sitwasyon na iyon? Pasasalamat na lang talaga sa anak kong nasa tiyan ko dahil kung hindi ay tuluyan na akong bumigay sa Tatay niya, bonus na rin ang pagdating nina Nanay at Garnette dahil tuluyan ko na-hold back ang sarili ko sa kalandian ko na 'yon.
Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Dito pa rin ako natutulog sa kuwarto ni Nanay kasi hindi pa kami tapos mag-ayos ng mga gamit.
Katatapos ko lang maligo at si Nanay naman ay nandoon sa garden dahil siya pala ay isang dakilang planlola.
At dahil sanay akong naglalakad nang nakatapis lang ng tuwalya sa bahay namin, basta ko na lang binuksan ang pinto at nakita ko ang gulat na mukha ni Casspian.
Wow! Kung makaakit-akit siya sa akin kagabi para na siyang lion king na handang manlapa ng biktima niya, tapos ngayon gulat siya sa itsura ko na para bang we never did the deed?!
"I'm sorry," agad niyang sabi at hahatakin niya nasa 'yong doorknob pero agad ko siyang pinigilan.
"Nahihiya ka ba?" kunwaring takang tanong ko.
"Wear something first then we'll talk—"
"So nahihiya ka nga?" pang-aasar ko pa rin sa kaniya.
Tatawa-tawa lang ako nang bigla na lamang niyang itulak ang pinto at bigla siyang pumasok sa loob at saka niya iyon isinara.
"Are you teasing me?" kunot-noong tanong niya sa akin at bigla akong hinapit sa baywang at sinandal nang marahan sa pader sa gilid ng pinto kaya napindot tuloy ng katawan ko iyong switch ng ilaw kaya biglang dumil dito sa kuwarto.
Kanina lang ang lakas-lakas ng loob ko, ngayon ayoko na kasi nakaka-stress pala kapag inasar mo ang mabait na tao!
"J–joke lang! Ito naman parang hindi mabiro," kabadong sabi ko at itutulak ko sana siya nang bahagya nang mas paglapitin niya pa ang mga katawan namin.
Akala ko magsasalita siya pero nagulat ako nang unti-unti niyang ibaba ang mukha niya papunta sa mukha ko. Oo, aninag ko na siya kahit paano dahil nag-adjust na ang mga mata ko sa dilim.
"C–Casspian? B–Baka mahuli tayo ni Nanay," kabadong bulong ko dahil papalapit na talaga ang mukha niya sa mukha ko particularly iyong mga labi niya!
"You get to tease me and you don't think that I will do the same to you? No. Let Nanay see us, Saffyre Zell. Let's both suffer for what you did," sagot niya at ito na naman ang paghahalukay-ube ng kalamnan ko na hindi mo malaman kung kinakabahan ba o nae-excite. Pereng tenge ne nemen!
Sobrang lakas ng pakiramdam ko na anytime ay papasok na si Nanay rito sa kuwarto at talagang makukurot na ako sa singit n'on kapag nakitang wala man lang akong saplot at tapis lang nitong tuwalya ang ganap ko!
Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga na padampi na sa mga labi ko nang biglang pumihit ang pinto kaya mabilis pa sa alas kuwatro ko siyang naitulak na talagang tumaob siya sa kama. Mabilis ko rin binuksan ang ilaw.
"Oh, anak. Hindi ka pa nagbibihis? Akala ko pupunta kayo ng ospital ni Casspian?" tanong ni Nanay na nasa bungad ng pinto. Hindi pa siya tuluyang pumapasok kaya balik-balik ang mata ko sa kaniya at kay Casspian na ngayon at nakaupo na sa gilid ng kama at may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Magbibihis na po, Nanay. Wait lang po kayo muna riyan," sabi ko at mabilis ko nang sinara ang pinto.
Hindi ko alam pero para naman akong nakahinga nang maluwag dahil doon pero itong tao sa harap ko parang balak talaga akong gantihan nang husto.
YOU ARE READING
Desperate Gamble
RomanceWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING | S T A N D A L O N E N O V E L | Malaki ang galit niya sa mundo at walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa...
