I remember those Days

53 3 2
                                    

I remember those Days by NAUGHTYMISS
DO NOT PLAGIARIZE.

-

Narananasan niyo ba'ng mainlove?

Yung sobrang saya niyo. Totoong ngiti ang mga ibinibigay mo. Masaya ka. Feeling mo lumulutang ka. You feel secured, you feel loved.

Kung ako ang tatanungin niyo, oo. Naranasan ko na ang mainlove. Nafeel ko pa na ako ang pinakaswerteng tao sa mundo dahil napunta siya saakin.

Dahil ako ang minahal niya.

Nagsimula itong nararamdaman ko nung kami ay nasa 3rd year highschool.

Naiirita pa ako sa kaniya kasi, masyado siyang mapang-asar. He always teases me kasi ang buhok ko ay kulot-kulot at buhaghag pa ang mga ito. Nakasuot din ako ng mga salamin dahil hindi malinaw ang mga mata ko.

Hindi ako kagandahan. Wala akong masyadong kaibigan kasi anti-social ako na tao. Ni hindi nga ako marunong makihalo-bilo sa iba.

Ako ang pinaka-loner sa klase na halos walang kakausap saakin kasi ang pangit ko at ang boring ko kasama.

Unlike sa mga kaklase ko na, ang saya saya nila kasama. Ang f-friendly nila.

Naiinsecure nga ako sa kanila kasi sila magaganda at sikat. Eh ako? Pangit. Pangit.

Hindi kasi ako mahilig mag-ayos noon. Dahil alam ko naman na kahit anong ayos ko, wala paring magkakagusto saakin.

You know, yung kahit anong polbo, suklay, pabango, pahid ng ganito ganyan, pangit ka parin? Yung kahit na anong pilit mo, di matatanggal yang mga pimples mo?

Madalas ko'ng isipin na baka wala na akong pag-asang magka-lovelife. Forever single siguro ako.

Imposible kasing may magkagusto pa sa itsura ko'ng ito.

Pero siya, isang araw nalang sinabi niya sa buong klase na gusto niya ako. Gulat kami lahat. Ang iba ay ayaw pa maniwala.

Bakit? Kasi ang gwapo niya, may hitsura siya. Tapos ang gusto niya, ako.

Ako na walang kagandahan kahit saang parte. Ako na walang espesyal sa katawan. Ako na hindi nilulubayan ng mga tigyawat. Ako na hindi marunong mag-ayos. Ako na hindi kagusto-gusto.

Ayaw ko maniwala noon at sinabi ko'ng magtigil siya sa mga kalokohan niya.

Pero simula nang sinabi niya 'yon, natuto akong mag-ayos. Ewan ko kung bakit. Siguro narealize ko na dalaga na ako at kailangan ko namang ayusin ang sarili ko.

Siguro ganun talaga ano? Yung parang, may laging nakatingin sayo kaya kaya kaylangan mo mag-ayos.

Ewan. Parte na siguro ng PUBERTY to. Hahaha.

Kaya simula nun, naging maayos na ako sa sarili ko. Conscious na ako sa magiging itsura ko paglabas ko ng bahay.

Madaming nakapansin ng pagbabago ko. Madami nang kumakausap saakin.

Naging kilala ako sa school aba kung ganit lang kailangan nila edi sana barbie nalang kinaibigan nila.

At simula din nun, sinabi niyang liligawan niya ako. Hindi daw dahil gumanda ako o ano, dahil kumpirmado na sa sarili niya na gusto niya ako.

Syempre, ayaw ko pa ganun magpaniwala. Kasi dati inaasar niya ako diba? Pero ang sagot niya, "Ginagawa ko yun kasi nahihiya akong kausapin ka. Kaya sa paraang pang-aasar ko nalang 'yun ginagawa."

Natuwa ako. Kasi ramdam ko talagang totoo ang nararamdaman niya.

Nagpatuloy siya sa mga panliligaw niya. At sa mga araw din na nililigawan niya ako, nahuhulog na ako. At hindi ako natatakot na mahulog.

I remember those Days (One Shot)Where stories live. Discover now