HTILY 5

27 2 0
                                    

Nasilaw ako sa daming flash ng cameras sa harap ko. Malayo man o malapit damang dama ko ang ilaw. Tsk, si DJ talaga kahit kailan pahamak sa buhay.

"Alam mo 'di kita maintindihan. Aalis na ako ang dami ng media oh." inis kong bulong. Hihilahin ko sana ang kamay ko ng mabilis n'ya akong hinapit papalapit dahilan para manlaki ang mata ko. Shit! Ayun na naman 'yung pamilyar na tibok oh.

"DJ ano ba." mahinang suway ko ngunit sapat na para marinig n'ya. Seryoso lang n'ya akong tinitigan uli. Nakakailang na 'yang titig na 'yan huh! Kanina pa 'yan!

"Kath gusto kong ipaliwanag sa'yo lahat pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Gusto kong umpisahan sa sorry. Kath sorry, sorry sa ginawa ko sa'yo kanina. I didn't mean to hurt you okay. Kaya ko lang naman 'yun nagawa kasi... kasi I wanna make sure of my feelings for you." anong feelings?

"Kath hindi naman kasi ako hambog, mayabang, masungit, makulit, maangas, masakit sa ulo at nakakainis eh. Kath hindi ako ganon. Ewan ko lang kung bakit ako naging ganun towards you. Kasi Kath I know na your once my no.1 fan pero kinasuklaman mo na ako. Gusto kong makuha uli 'yung atensyon mo kaya gumawa ako ng mga kung ano-anong nakakasurang trip sa'yo. Sunod-sunod na utos ang pinagawa ko para sa akin mo ituon ang atensyon mo at hindi kay...Iñigo." sabay tingin sa gawi ni Iñigo. Hanggang ngayon hindi parin mainaw ang lahat sa akin. Siguro hindi pa n'ya nakaclarify ang lahat.

"Oo alam kong fan ka na ni Iñigo at di ko alam sa sarili ko kung bakit ako nabwisit sa'yo nung nalaman ko 'yun. 'Di ko rin alam kung bakit nagpapansin ako sa'yo gamit ang mga sunod-sunod na utos ko. Kasi Kath sa ganung paraan napapansin mo ako, napapasin mong may Daniel Padilla na nanjan sa tabi mo. Hanggang sa naconfirm kong inlove na ako sa'yo. Kabaduyan man pakinggan pero inaamin kong lakas na ng tama ko sa'yo. Sagad! Kaya ayun ginawa ko lahat para mapansin mo ako. Pero tingin ko kahit anong gawin ko wala parin kaya mas ginalingan ko pa ang pag papansin sa'yo. Binuwisit kita ayun siguro 'yung right term. Para sa gayon tuwing naasar ka sa akin ako lang 'yung laman ng isip mo. Nang bibig mo kasi diba pagnaasar ka sa isang tao syempre kahit hanggang pagtulog naiinis ka parin sa kan'ya. Edi sa gayon hanggang pagtulog o sa mga nagdaang araw walang Daniel Padilla ang hindi mo mababanggit."

"Words are not enough to express our true fellings. Di kasi ako magaling sa salita Kath eh. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa'yo ang nararamdaman ko kaya sa galaw at papansin ko dinadaan pero sadyang manhid ka ata kaya 'di mo mahalata."

Bigla namang nanlambot ang tuhod ko na parang jelly ace. Walang tigil sa pagkabog ang puso ko na parang sirang plaka na. Pati paru-paro sa tyan ko ang lalandi na uli ng mga lipad.

Gusto n'ya ako? Gusto ako ng isang Daniel Padilla? Tell me I'm dreaming. Parang ang hirap paniwalaan eh. Kung panaginip man 'to please gisingin nyo na ako. Parang di ko kasi matake na ang taong kinaiinisan mo may hidden crush sa'yo. Geez

"Nagjojoke ka diba DJ? Haha grabe benta 'yan. Isa lang 'to sa mga trip trip mo diba. Congrats DJ naloko mo na naman ako, geh alis na ako huh. Text mo nalang ako kung may ganitong set-up na naman para maaware naman ako." tatawa-tawang sabi ko. Pipihit na sana ako paalis ng mas hapitan pa n'ya ako at niyakap ng pagkahigpit. Nabigla naman ako sa ginawa n'yang 'yun.

Shit! Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso n'ya. At ganun rin ang puso ko ang lakas rin ng tibok. Sana hindi n'ya mapansin please nakakahiya.

"Damn, hindi 'to joke Kath I'm dead serious. Sa dami-dami ng taong may gusto sa akin sa isang taong ayaw na sa akin ang nagustuhan ko. Life is really unfair. Pero kahit ganun pa man kahit ligawan kita araw-araw gagawin ko just to win you back. Makuha ko lang muli 'yung number one fan ko." saad n'ya.

Pakiramdam ko sa bawat likod ng salitang binibitawan n'ya sobrang bigat na emosyon ang pumapaloob roon. Ang bigat ng pakiramdam n'ya at dama ko 'yon pero pinipigilan n'ya lang dahil alam n'yang nasa harap kami ng maraming tao.

Hate That I Love YouKde žijí příběhy. Začni objevovat