HTILY 2

18 1 0
                                    

Walanghiya talaga ang lalaking 'yun! Aish packingtape talaga! Ungas ulol! Aba't pababalikin pa talaga ako?! Ang init-init sa labas, kanina pa ako pabalik-balik tapos pababalikin na naman ako?! Hilo ba 'yung lalaking 'yun? O bangag? Ako ata ang mahihilo sa pinaggagawa ng ungas na 'yun eh.

For sure matangalan ako ng ovaries sa lalaking 'yun. Ni hindi pa ako nakakaroon ng matiwasay na pagpapahinga eh. Langya! S'ya nalang kaya ang bumili?! Sabi na nga ba eh. Dapat talaga 'di na ako bumili ng punyetang ice-cream na 'yun di naman pala n'ya kakainin. Sayang 'yung ice-cream sayang 'yung paghihirap ko! Aish!

Aish! Kath inhale and exhale lang. Itapon lang ang kainisan sa hung-hang na 'yun. Trabaho mo 'to Kath, kailangan mong gawin 'to para matustusan ang pangangailangan ng pamilya mo. Isipin mong parte ito ng trabaho mo. Okay, wooohh.

Pinunasan ko na 'yung pawis na kanina pang tumatagaktak sa noo ko dahil sa pagod at init sa labas. Huminga ako ng sobrang lalim para mawala ang sandamak-mak na stress ko sa lalaking 'yun. Kaya mo 'yan kath, tiwala lang. Pinindot ko na ang papuntang ground. Ayan na naman po. Babalik na naman tayo.

Pagkabalik ko sa 7/11 pati 'yung guard nagtataka rin. Marahil ay napansin n'yang kanina pa ako pabalik-balik at sobrang haggard na. Naku! Kung alam lang ni kuya ang adventure na pinuntahan ko.

Agad ko ng kinuha ang mineral water na pinabibili ni DJ. Padabog kong ibinagsak sa cashier ang binili kong mineral water. Mukang nagtaka rin s'ya kasi pabalik-balik ako dito. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay para ialis ang malagkit na tingin sa akin.

Feeling ko malapit na akong magkameron dahil tumataray na ako. Ganun ba 'yun?

Pagkatapos kong bumili ng mineral lumabas na ako ng 7/11 at agad bumalik building. Nanga-ngati na akong ihambalos sa pagmumuka n'ya 'tong mineral water. At ngating-ngati na rin akong ikwento sa kan'ya ang napakaexciting na adventure na nadanasan ko! Letse!

Pabalik ako ng building ng nagvibrate uli ang phone ko. Pag ito si DJ na naman at may iuutos na bumalik uli ako talagang makakatikim ito ng di n'ya natitikman sa buong buhay n'ya.

At tama nga si DJ nga. Ngali-ngali ko ng i-cancel pero dahil nasa wisyo pa naman ako at alam kong I owe him a lot eh sinagot ko na kahit tinotorture ko na s'ya sa utak ko.

"Hello?!" sigaw kong bungad sa kan'ya. Sana maramdaman n'ya ang inis at pagod sa pananalita ko. Bwisit!

"Wooh, don't worry di na kita pababalikin sa tindahan. Gusto ko lang sabihin sa'yong bumalik ka ng condo ko kuhanin mo 'yung bagong damit ko. Nadumihan kasi kanina 'yong suot ko eh. Bilisan mo Kath huh dapat nine nandoon na tayo sa show." halos lumagapak ako sa lupa sa sinabi n'ya.

Amoy usok na ako, haggard na haggard na ang itsura ko na mukang narape ng sampung baka, pawis na pawis na ako na parang dinaig ko ang dumanas ng fun run. At higit sa lahat pagod na pagod ako sa dinanasa kong adventure na mas malupit pa sa hiking.

Lahat na at ng mura ay napagbuhol-buhol ko na sa utak ko para ibigay sa punyetang Daniel Padilla na 'yun. Napaka walang puso talaga ang lalaking 'yun. Aish! Pinagtritripan ba ako ng asungot na 'yun huh?!

At wag daw akong mag-worry dahil hindi na daw n'ya ako pababalikan pa sa tindahan. At ang worst pa pababalikin n'ya ako sa condo n'ya na napagkalayo rito sa may building! Hindi kaya gusto akong patayin ng hung-hang na 'yun sa heatstroke?!

Aish! Konting konti nalang talaga pabobombahin ko na ng kanyon 'yung bungo n'ya! Kainis! Letse! Nakakapanghina na 'yung pagod at inis na nararamdaman ko huh. Nakakasura na!

'Yung una nagpabili ng bubble gum, tapos ayaw daw ng gum at gusto ice-cream, sunod bawal daw ice-cream sa kan'ya kaya mineral water nalang daw. Tapos ngayon bumalik naman raw ng condo n'ya na dalawang sakay pa mula sa building na 'to. Ano ba talaga huh?! Papatayin ba ako ng lalaking 'yun?! Letse!

Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now