HTILY 1

61 2 0
                                    

Hate That I Love You

©Infinity_red17

All Rights Reserved, 2015



#*#*#*#*#*#




'Words are not enough to express our true feelings.'






"Kath 'yung damit ko nasan na?"

"Ah eto oh."

"Kath 'yung leather jacket kong black?"

"Oh eto."

"Kath bilis paayos nitong butones ng damit ko. Bawal na kasing palitan wala akong dala ngayong ibang damit."

"Oo gagawin ko na."

"Kath 'yung sapatos ko? Nasan na bilis."

"Ahhh wait lang eto nandito."

"Kath 'yung lace paayos na bilis."

"Teka lang may ginagawa pa ako eh wait lang."

"Kath bilis."

"Oo eto na eto na." inayos ko naman 'yung lace n'ya sa sapatos. Lintik na 'tong lalaking 'to. Laking-laki na ni hindi man lang marunong mag-ayos ng lace n'ya.

"Wooh!" sambit ko sa pagitan ng paghinga ko ng malalim para mahupa ang pagod ko. Pinunasan ko ang butil ng pawis na pumapatak sa noo ko. Umupo muna ako sa may upuan malapit sa may gawi ko.

Sinandal ko ang likod ko sa upuang inuupuan ko at saglit na ipinikit ang mata ko. Itinagilid ko rin ang batok ko sa magkabila at may lumagutok roon marahil ay sa natamo kong pagod.

Nag-unat unat muna ako ng katawan dahil mukang napagod ako sa sunod-sunod na utos ng lalaking 'yun. Parang wala s'yang konsiderasyon sandamak-mak agad ang ibinigay n'yang utos sa akin samantalang kakarating palang namin dito sa may Dressing Room.

Muka atang naliyo ako sa mga pinagawa n'ya. Hindi pa natatapos 'yung ginagawa ko kanina may follow up na agad? Tsk, napaka walang puso talaga ng lalaking 'to. Ni hindi ba n'ya nakikita na napapagod rin ako. Tss, ano nga palang aasahan mo sa lalaking 'to? Heartless.

Tingnan nyo sa sobrang pagod ko nakalimutan ko ng magpakilala. Uhm, uhm. Hi ako pala si Kathryn Bernardo 19 years old. Isang dakilang P.A ng isang dakilang Daniel Padilla.

Ang tinaguriang Teen King na sobrang daming supporters. Daniel Padilla na sobrang gwapo 'daw'. Daniel Padilla na sikat na sikat ngayon sa lahat. Daniel Padilla na maraming kinikilig sa kan'ya pag nasa stage na s'ya. At ang Daniel Padilla na hate na hate ko.

Kasinungalingan naman kung sasabihin kong hindi ako naging isa sa supporter n'ya diba? So yeah, dati akong DJ Fan. Pero dati 'yun DATI. Ako pa nga ang isa sa admin nung group na ginawa ko para sa mga supporters ni Daniel eh. NUNG panahon na IDOL ko pa s'ya. Pero ngayon nag-iba na.

Nung nalaman ko nga na ang magiging alaga ko pala ay ang nag-iisang Daniel Padilla ginrab ko na agad 'yung opportunity na maging P.A n'ya. Dahil sa sobrang no.1 fan n'ya ako talagang kinikilig pa ako nung nalaman ko 'yun pero lahat ng iyon nawala nung nalaman ko kung anong tunay n'yang ugali.

Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now