Chapter 1

23 5 12
                                        

CHAPTER 1

"Ma, sina kuya kinuha na naman ang jacket ko!" sumbong ko kay mama ng hindi ko makita ang black jacket ko.

Alam kong sila lang ang kukuha no 'n dahil hindi naman nagsusuot ng jacket sina mama at papa.Ang hilig talaga nilang manguha ng gamit ko! Hindi pa nagpapaalam halos lahat ata ng jacket ko ay nahiram na nila.

Nasa loob ako ng kwarto ko, susuotin ko sana ang jacket na iyon dahil inutusan ako ni mama na bumili sa labas.

Hindi ko na hinintay pa na makasagot si mama dahil nasa kusina siya nagluluto.Inirapan ko ang cabinet na para bang siya ang may kasalanan kung bakit hindi ko mahanap ang jacket.Nakanguso akong lumabas ng kwarto at pumunta sa sala kung saan ang mga kuya ko at si papa.

Agad na lumipad ang tingin nila sa akin.Magkakatabi silang naka-upo sa sofa na parang mga batang nanonood ng TV.

"Oh, bakit naman ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong ni papa.

Lumapit ako sa kanya at nakisiksik sa tabi niya.Umusod si kuya recca para makaupo ako ng maayos.Si kuya recca ang panganay sa aming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae.

"Pa, kinuha nila kuya ang jacket ko" nakangusong sumbong ko.

"Recca, keith, wency, zaide...sino ang kumuha sa inyo ng jacket ni bunso?" agaw atensyon ni papa sa mga kuya ko.

Seryuso silang nanonood ng basketball sa tv nang marinig si papa ay napalingon agad sila.

"Hindi ako"si kuya recca.

"Hindi din ako"si kuya wency.

"Mas lalong hindi ako"si kuya zaide.

Taas kilay kong tiningnan si kuya keith.Napatingin din ang ibang kuya ko at papa sa kanya.

"Hehe..."awkward niya akong nginitian.

"Kuya...?"sabi ko naghihintay sa sasabihin niya.

"Ano kasi...sinuot ko kahapon.Nasa..nasa labahan, nakalimutan kong sabihin sayo.Sorry bunso, ako nalang ang bibili."paliwanag niya.

Mas mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at binigay sa kanya ang perang pambili.Walang reklamo niya naman itong tinanggap.Sinabi ko sa kanya ang mga bibilhin bago nagpaalam sa kanila para bumalik sa kwarto.

Madami naman akong jacket, talagang ang black jacket lang na iyon ang gusto ko sanang suotin ngayon.Wala namang problema sa akin ang pagkuha nila ng gamit ko kahit na hindi nagpapaalam.Ampon lang naman ako sa pamilyang ito kaya hinahayaan ko nalang sila.

Inampon ako ng mga magulang nila noong six years old palang ako.Nagtaka pa nga ako noon eh, dahil noong kinuha nila ako sa ampunan ay may kasama na silang apat na batang lalaki.Akala ko noon ay inampon din nila ang mga ito.Pero mali ako dahil sinabi nila sa akin na biological nilang mga anak ang apat.Inampon nila ako dahil gusto nilang magkaroon ng babaeng anak.

Wala akong ginawa sa loob ng kwarto buong maghapon, natulog lang ako.Nagising lang ako nang tawagin ako ni kuya wency para kumain ng hapunan.

"Maganda nga babae naman ang gusto"ani kuya zaide.

Nagkwekwentuhan kami habang kumakain.Pinuri ako nina mama at papa na maganda ako.Nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin iyon ni kuya zaide.Hindi siya nakatingin sa akin kaya confident ko siyang inirapan.

Nakita iyon ni kuya recca kaya tahimik siyang natawa at napailing bago bumalik sa pagkain.

Oo, babae ako pero babae din ang gusto ko.Minsan nagkakagusto din ako sa lalaki pero madalas talaga sa babae.I don't know, basta ang sabi nila ay bisexual daw ako.Dahil nagkakagusto ako sa dalawang kasarian.

Written In Separate Skies Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang