Author's Note

35 11 0
                                        

Copyright © 2026 ni aiseroe.

Lahat ng karapatan ay nakalaan.Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin, ipamahagi, o ilathala sa anumang paraan, kabilang ang pag-photocopy, pag-record, o iba pang elektronik o mekanikal na pamamaraan, nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda, maliban sa mga maiikling sipi na ginagamit sa mga kritikal na rebyu at iba pang di-komersyal na gamit na pinapayagan ng batas sa copyright.

_________________________________________

‎"Isang kwentong isinilang sa kalaliman ng katahimikan, kung saan ang bawat buntong-hininga ng isang panganay ay dasal, ang bawat pagtitiis ay lihim, at ang bawat ngiting pinilit ay tabing sa pusong unti-unting napapagod."

‎Para sa mga naging tulad ni Azi — na hinubog ng mundong mapaniil upang maging matatag kahit ayaw, na sinanay na lunukin ang sariling pagod, at ginawang sandalan kahit siya mismo ay wala nang masasandalan. Para sa inyo ang kwentong ito.

Isinulat ito para sa mga panganay na maagang kinailangang umintindi. Na kapag walang pasok, tumutulong sa kanilang magulang pero pakiramdam nila, balewala lang ang lahat. Na kahit anong tulong ang gawin, parang hindi sapat. Parang hindi nakikita.

‎Para sa mga ate na umiiyak nang walang hikbi tuwing hatinggabi, nakatitig sa kisame habang binubulong sa sarili:Tumutulong naman ako. Ginagawa ko naman ang lahat. Bakit parang wala lang? Kailan ako makikita? Kailan ako maririnig? Para sa mga hindi na alam kung pangarap pa ba ang tinatahak o tinutuloy lang dahil "yun ang dapat," dahil ang salitang Ate ka eh ang naging kadena nila sa sarili.

‎Sana ipaalala sa’yo ni Azi na ang pagiging panganay ay hindi sumpa, pero hindi mo rin kailangang maging perpekto para mapansin. Na valid ang mga luha mong walang saksi. Na naririnig ng langit ang mga tanong mong: Sapat na ba ‘to, ma? Nakikita mo ba ako?” At na ang maliliit mong tulong ay hindi balewala, kahit pakiramdam mo ganun.

‎Ito ay para sa mga Azi ng mundo: sa mga panganay na minahal nang sobra pero parang hindi nararamdaman. Na nagdadalamhati sa pagkawala ng ama habang pilit na pinapagaan ang pasanin ng ina. Na dala-dala ang bigat ng dapat matatag ka kahit ang totoo, gusto mo lang din may magtanong kung kamusta ka na.

‎Sana ipaalala sa’yo ni Azi na kahit panganay ka lang para sa paningin ng iba, mahalaga ka. Na kahit pakiramdam mong anino ka lang sa sakripisyo ng mama mo, may silbi ang presensya mo. At sa gitna ng lahat ng pagod mo, may biyaya pa ring naghihintay.

Ang karapatan mong mapagod, masaktan, at hilingin na sana, minsan, ikaw naman ang alagaan.

‎Dahil kahit ang tumutulong lang, napapagod din. 
‎At kahit ang laging nagsasabi ng “okay lang ako,” minsan gustong sumagot ng “hindi na.”

_________________________________________

PAALALA

Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar, at pangyayari ay bunga lamang ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa malikhaing paraan. Anumang pagkakahawig sa tunay na tao, buhay man o pumanaw na, o sa tunay na pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Silent Cries of the First BornStories to obsess over. Discover now