Warning 40: The Finale

Magsimula sa umpisa
                                    


Alam naman na nina Wings ang katotohanan tungkol sa sikreto namin ni Chase. At handa silang tumulong para maligtas ang kapatid niyang si Wid.


Mula sa kinatatayuan ko ay nagulat ako ng makarinig ako ng kalabog na nagmumula sa kwarto ni Devie. Kaya agad akong nagmadaling pumanhik sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay nanlalaki ang mata ko ng makita ko si Devie na nakalupasay sa sahig, parang pinipilit niyang tumayo.


"Devie..Anong ginagawa mo? Bakit ka nandiyan?" pag-aalala ko. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya para makatayo, akala ko ba tulog na siya?


"Dalhin mo ako kung nasaan ngayon si Chase.."


Nagulat ako dun sa biglaang pagsasalita niya. Paralisado pa siya at di makapagsalita di ba??


"Nagsasalita ka na?" di makapaniwala kong tanong. Binuhat ko siya pabalik sa kama niya.


"Matagal na akong nakakapagsalita. Kaya kailangan nating sundan si Chase! Mapapahamak siya pag hinayaan natin siyang mag-isang pupunta kay Senri."


"P-paano mo nalaman ang tungkol dito?"


"Gosh Hanee! I don't have the time to explain everything! Dalhin mo na ako doon sa kung saan sila magkikita! Kailangan ko silang mapigilan bago pa man may mangyaring masama sa kanila lalong-lalo na si Chase!"


"Pero kabilin-bilinan niya sa akin na dito--"


"Please?! Ako na ang bahala. Pipigilan ko silang dalawa. Ako lang ang makakapigil sa hidwaan nilang dalawa."


Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Tama siya, maaaring siya lang ang makakapigil sa hidwaan nina Chase at Senri.



(Chase' POV)


Kanina pa may mga naka-motorbike ang sumusunod sa akin, lahat sila ay naka-helmet at nakasuot na itim. Hindi ko matiyak kung ilan ang saktong bilang nila pero parang nasa bente pataas silang lahat. Simula kasi nung dumaan ako sa school namin ay bigla-bigla na lang silang sumulpot at sinundan ako.


Hindi ko alam kung tauhan ba sila ni Senri o hindi dahil wala naman silang ginagawang kababalaghan maliban lang sa pagsunod sa kung saan ako pumupunta, parang ini-escort nga nila ako na ewan.


Sinubukan kong i-slow speed ang pagpapatakbo ko ng kotse pero pagkasilip ko sa side mirror ay naka slow speed na din silang lahat!


Tinapakan ko tung turbo para mag full speed, at ang mga loko! Nung sumilip ulit ako sa side mirror ay naka full speed na rin silang lahat.


ANO BA TALAGA???


At dahil nga sa naka full speed ako pati na rin sila ay may naisip ako.


Biglaan kong tinapakan ang preno.


WARNING! My Girlfriend is a Gangster ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon