Nagliligpit nako nang mga gamit ko sa kuwarto. Kaka graduate ko lang last week at hindi ko makalimutan ang pakiramdam na aakyat ka ng stage makikita mo ang mga magulang ng mga estudyante ng school niyo at hahanapin mo ang parent mo. Nang nakita ko si mama, umiiyak siya katulad nang pagiyak niya ng pupunta nako dito sa Greenlance University.
Hindi mawala ang saya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Nag sasaya ako dahil nakatapos nako, pero dapat ba akong magasay dahil iiwan ko ang mga kaibigan ko? Narinig ko ang pinto ng kuwarto ko at biglang pumasok si Everly at niyakap ako nang napaka higpit nang parang stuff toys ako ng mga bata na niyayakap kapag natutulog na sila. "Makayakap naman to. Parang di na magkikita." Sabi ko sa kanya pero nag stay padin siyang na nakaakap sa akin. Niyakap ko din siya at mas hinigpitan niya ang yakap niya at halos hindi na ko makahinga.
"Oh! Sige na, sige na." Bumitaw na siya at tumingin siya sa mata ko at tumingin din ako sa mata niya. "Huy! Magkikita pa tayo okay?" Nang tumingin ulit ako sa mata niya namamaga ito, at sa tingin ko galing siya sa iyak. Kung hindi niya kakausapin si Christ ibigsabihin nag-away sila or something kaya siya umiiyak o dahil matagal din kami hindi magkikita. Umupo ako sa kama ko na kakatanggal ko lang nang cover. Nararamdaman ko ang makati nitong balat. At habang pinipilit kong maging komportable na umupo sa kama biglang umiyak si Everly. "Ma mi-miss kita Val." Pag-iyak niya. Niyakap ko siya nang mahigpit pero hind kasing-higpit nang yakap niya kanina. Di ko alam kung pano niya na gagawa yun. Siya lang ang babae na kilala yumakap nang ganun.
"Uy... Magkikita pa tayo, diba?" Tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit ulit. "Alam mo. Mag kakaroon na nang dahilan yang pagiyak mo. Kasi mamatay nako sa yakap mo eh. Ang higpit!" Tumawa siya at pinunasan ang luha sa mata niya.
"Ano ba yan! Ang ganda na nang pasok ko dun eh. Sinara mo." Pagpapatawa niya. "Oh ano ba sasama kaba samin ni Christ? Kakain kami sa KFC dun kami mag la-launch." Tanong niya. At tumungo nalang ako.
"DUH! Syempre no. Kaylangan ko i-enjoy nung moment na to." Sagot ko. Lumabas na kami nang kuwarto at pumunta sa parking lot. Nakita ko si Christ kasama ang kanayang sasakyan. Pero hindi ko siya tinitigan nang matagal. Tumitig ako sa paligid ng campus at tinatak ang mga itsura nito dahil sa tingin ko eto na ang huli ko tong makikita.
"Alam niyo bukas pa kayo makakarating dito!" Sigaw ni Christ. Binilisan naming ang paglalakad at pag dating naming tinanong ko si Christ kung puwede bang magamit ang phone niya dahil tatawagan ko lang si mama.
"Oo naman. Ikaw pa. Basta wag ka lang pumunta sa videos." Paalala niya. Di-nial ko ang phone number ni mama at naka tatlong ring bago niya ito sagutin.
"Hello ma. Baka sa Friday pako makauwi. Indi pa kasi ako tapos mag ligpit nang gamit ko sa dorm. Uhuh. Hmm. Opo."
Pinatay kona ang tawag, hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin kung ano ba nung nasa video at bakit ayaw patingin sakin ni Christ yun. Tinignan ko at nagulat ako sa video dun mga babae at lalaking nakahubad at pinagpawisan ako sa mga nakita ko. Hi-nome ko na at binalik ang phone.
"Anong nangyari sayo Val? Parang namumutla ka." Tanong ni Everly.
"May nakita ako na hindi dapat Makita." Sagot ko na pagbibiro.
"Sinabi ko kasi sayo na wag mong tignan eh." Paalala ulit ni Christ.
Pumasko na kami sa sasakyan at nag drive na si Christ. "So guys ano nang mangyayari sa inyo?" Tanong niya.
"Well, si Val mag ii-stay siya sa mama niya, ganun din ako pero month lang." Ayang ugali lang ang kinaiinisan ko kay Everly. Sinasagot niya lahat kahit hindi naman siya nung tinatanong. Ginawa niya nadin yan dati nung third week ko na sa Greenlance University. May nag tanong sa pangalan KO, ako ang TINANONG. "Ahh... Siya si Val ako naman Everly." Sagot niya. That day hindi ko lang man nakausap nang hindi sumasabat si Everly. Pero wala eh ganyan talaga siya.
Nakarating na kami sa KFC na pinaaawayan naming noon kung ano ba meaning ng KFC na ngayon hindi padin naming alam, basta kumakakain lang kami.
Umupo kami malapit sa counter para hindi na kami mahirapan na magdala nang pagakain. Kinuha ni Christ nung order namin ni Everly at siya nalang ang pumila. "Awww... Ang sweet mo naman Christ." Pang aasar ko.
Sinabi ko ang order ko at pumila na si Christ. Kinuha ni Everly ang phone niya at nag picture kaming dalawa para may remembrance kami nang araw na to. Mga fifty selfie with Everly dumating na si Christ na may dalang isang tray at lalaki sa likod na may dalawang hawak.
Kumain na kami at kung ano-ano ang mga pinaguusapan at hindi namin namalayan na madilim na. Pero nang nakalabas kami ayaw pang umuwi ni Everly. "Sige na kasi Val. Sumama kana. Ngayon nalang to eh." Pag aanyaya niya habang hinihila ang braso na parang gusto niya na ito tanggalin.
Wala akong nagawa kung di sumama bumalik na kami sa sasakyan at nag simula nang mag drive si Christ. Mga ilang oras na siyang nag da-drive pero hindi padin siya humihinto. Parang walang talaga kaming pupuntahan. Nang biglang pinahinto ni Everly ang sasakyan at tumigil naman si Christ. Tinuro ni Everly ang burol at mga ilang minuto hindi ko napansin na nasa labas na siya tumatakbo paakyat ng burol. Nag hanap si Christ ng place na pag pa-parkan nang sasakyan at bumababa din kaming dalawa at sumunod kay Everly.
Nakita namin siyang nakahiga gumaya din kami at wala akong paki kung may dumura man o umihi dito sa kinahihigaan. Dahil worth it naman. Kitang kita namin ang mga stars na nagliliwanag na parang mata ni Christ sabi ni Everly nung first time niya nakita si Christ.
Mga ilang oras tumayo nadin kami. Pero syempre bago umalis nag picture muna. Hindi na talaga mawawala yun sa mga magkakaibigan. Hinatid ako ni Everly sa room ko at tinuloy ko naman ang pag liligpit ko nang mga gamit ko sa kuwarto para maaga din ako maka uwi.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa drawer ng lamesa ko at may nakita akong papel na may naka sulat na Mommy Chanel, Valerie Arlene Chanel and Daddy Chanel. Alam ko kung sino ang nag sulat nito pero hindi ko matandaan. Hinarap ko ito at hindi lang pala ito papel. Picture pala
Picture namin nila papa na nasa dagat kami.
YOU ARE READING
Missing
AdventureSince nang walong gulang palang si Valerie Arlene Chanel nawala nalang ang kanyang ama. Lumaki siya na hindi naranasan ang pagmamahal ng isang ama. Nang nasa tamang edad na siya pumasok siya sa isang boarding school ang Greenlance University. At mer...
