Chapter 6: Living Free for a Moment

9.3K 258 2
                                    

Papunta na kami kela Mika. Sa linggo na ako ng gabi uuwi. Hindi ako umiimik habag nasa byahe. Si Mika lang ang nagsasalita. Alam ko naiinis na yan kasi hindi ako nagsasalita. Wala ako sa mood.

‘’Ayen naman, kanina pa ako salita ng salita rito oh.... alam ko na!!... punta tayo ng bar!, para magsaya ka naman paminsan-minsan’’ sabi ni Mika.

‘’Parang hindi naman yun ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay ‘peace’ and ‘silence’. Yun lang’’ sabi ko.

‘’so boring. Dapat di mo na lang ako tinawagan kung ganyan ka. Kaya nga tayo aalis para makahanap ka ng lalaki na papalit sa fianće mo or just add it as a new experience.’’

“Mika, I’ve been in the clubs before, okay. And being there doesn’t change a thing that I am getting married that guy.’’

‘’wag ka nga mag-drama. Hindi bagay. Pumupunta ka nga sa mga bar pero hindi ka naman nag-eenjoy. Loosen up, even just for a bit. New experience to before the wedding.’’ Nakangiting sabi ni Mika.

Hindi ako titigilan nito hangga’t hindi ako pumapayag. Alam kasi ni Mika na magmumukmok lang ako sa bahay nila. Siguro nga, kailangan ko mag-loosen up. Tama. New experience. Pero ang dami kong nanabasa na nangyayari  pag nag-eenjoy ka sa mga ganitong lugar. yung linya na ‘I might end up in someone’s bed’. I wish hindi mangyari sakin yun.

‘’Ok, ngayon lang naman ito diba.’’

‘’YAY!’’ excited na sabi ni Mika.

Wow! Ito ang masasabi ko sa bar na to. Ang daming tao. Napatingin ako sa dance floor at grabe punong-puno. Kung sumayaw sila parang naka-glue yung mga katawan nila sa isa’t-isa. Hindi naman sa first time ko makakita nito. Yun nga lang hindi ko talaga maiwasan mapa-iling kasi hindi ako sanay makakita nito. Hindi kasi ako party person. Nandito na kami sa counter at si Mika ang  um-order ng inumin. Tequila. Wow. Talagang lalasingin ako ng babaeng ito.

Nkaka-ilang shots na ako. Lima? Anim? Ewan. Siguro tipsy na ako. Akala ko pag uminom ka mawawala ang problema mo pero hindi mas pinapa-alala nya pa. Si Mika. Ayun, may kausap nang iba. May kumakausap naman sakin kanina pero wala eh, mas interesting ang tequila. Ngayon, everything is blurry. May umupo sa tabi ko. Hindi ko ma-aninag yung mukha nya pero alam ko na lalaki yung katabi ko.

‘’Are you alone?’’ tanong nya.

‘’Why do you care?’’ sagot ko.

‘’Because your drunk and.... someone might took advantage of it and take you somewhere.’’

“Like you?.’’ At tinuloy ko ang pag-inom. Hindi naman sya nagsalita.

‘’You don’t need to worry Mr. I don’t know,.. i have a friend in here’’ sabi ko.

Hinahanap ko sya si Mika. Tinuturo ko bawat tao na nakikita ko pero wala. Tumayo ako sa upuan ko para hanapin si Mika. Ngunit pagtayo ko, nawalan ako ng panimbang. Alam ko na babagsak ako sa sahig pero may humapit sa bewang ko. Pagtingala ko.... ang lapit... ang lapit ng mukha namin. Mga dalawang daliri na lang siguro ang pagitan namin.

‘’Are you okay?’’ concern na tanong nya.

Mamabakas mo na nagwo-worry talaga sya sakin dahil sa tono ng boses nya. Imbis na sumagot, hinawakan ko yung mukha nya at hinaplos ito. Bagong shave sya. Ang bango pa ng hininga.

‘’I can’t see you.. you look so blurry’’ sabi ko.

Narinig ko syang tumawa. Binitawan nya na rin ako. Tinitingnan ko sya pero bigo pa rin ako sa pag-aninag ng mukha nya.

‘’I guess this is goodbye Mr. Stranger’’ sabi ko.

‘’Hey, stay here and wait for your friend. You might get in trouble if you go there’’ sabi nya.

Hindi na ako sumagot at umalis na duon. Pumunta na ako sa dance floor para hanapin si Mika kahit hindi tuwid ang paglalakad ko. Baka sumasayaw kasi. Nandito na ako sa gitna pero walang Mika akong makita.

‘’Miss, sayaw tayo’’ sabi ng hindi ko kilala na lalaki.

Hinablot nya yung kamay ko. Hindi ito yung lalaki na kausap ko kanina sa pwesto ko. Kasi iba ng boses at iba ang amoy. Amoy alak ang isang ito.

‘’I don’t want to. Let me go’’ mariing sabi ko.

‘’Ito naman pakipot ka pa. Sayang maganda ka pa naman’’ sabi nung lalaki.

Pinipilit nya pa rin ako kaya inapakan ko yung paa nya kaya naluwagan yung hawak nya sakin. Duon ako nagkaroon ng tyempo at umalis na sa lugar na yun. Narinig ko pa sya na nagmura. Pumunta ako sa c.r. kasi hilong-hilo na ako. Pumasok ako sa isang cubicle at dun sumuka. Ngayon, hindi lang ako nahihilo, nanghihina pa ako. Naghugas ako ng kamay at naghilamos bago lumabas ng c.r., uuwi na ako. Hahayaan ko na lang si Mika. Pag hindi ako makita nun siguro iisipin nun na umuwi na ako. Lumabas na ako ng c.r.

‘’hi miss’’. Nakangiting yung lalaki pero yung ngiting nakakatakot. ‘’ Yung sayaw ko hindi mo pa napapabigyan’’ sabi nung lalaki.

Ito yung lalaki na inapakan ko sa paa dun sa dance floor. Sinundan nya ako. Hinablot nya ulit yung kamay ko at mas mahigpit ang hawak nya ngayon. Sa totoo lang, nasasaktan na ako.

‘’Let me go. Why would I go with you? Do I know you?’’ galit na sabi ko.

‘’Pare, pakipot ito ha... yan ang gusto ko’’ sabi nung isa pang lalaki.

May sinama pa pala itong bwisit na to. Naiinis na talaga ako. Kahit anong pwersa ko sa kamay ko hindi pa rin nya binibitawan. Naiiyak na ako. May posibilidad kasi na ma-rape ako ng mga bwisit na to. Sana may tumulong sakin. Sana makita ako ni Mika.

Hahawakan na ako nung isa pang lalaki nang bumagsak sya sa sahig. Nagulat ako. Binitawan na rin ako nung lalaki na humahawak sakin. Pinuntahan nya yung kasama nya pero katulad ng kasama nya bumagsak rin sya sa sahig. Natatakot na ako baka ako naman ang saktan ng taong ito. Papalapit na sya sakin. Umatras ako ng umatras hanggang naramdaman ko ang pader sa likod ko. Heto na sya.

‘’I told you that you shouldn’t be there. Tingnan mo kung ano nangyari sayo’’ sabi nya.

Hindi ako makasagot. Siya. Siya yung lalaki dun sa pwesto ko kanina. Sinundan nya ako at tinulungan nya ako. Nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko at hinila papalapit sa kanya sabay yakap saking ng mahigpit.

‘’Look at you, you look very scared’’ nag-aalalang sabi nya.

Ang sarap ng feeling nung yakap nya. Parang... parang safe ka. Ayoko ko muna humiwalay sa yakap na ito parang ito ang kailangan ko parang ito yung papawi ng mga problema ko.

He is Really Possessive.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon