Chapter 11: You?!

7.9K 258 6
                                    

Lunes ngayon at maya-maya ay pupunta na kami sa welcome party para dun sa fianće ko at isasabay rin ang engagement namin at ang pag-aanunsyo ni Mr. Natividad sa kanyang retirement at paghirang sa fianće ko bilang papalit sa pwesto ng daddy niya. Napabuntong hininga na lang ako. Kinakabahan kasi ako at natatakot sa mga pwedeng mangyari.

Matapos ko malaman ang katotohanan. Inubos ko ang mga natitirang araw kasama ang pamilya ko kasi alam ko pagkatapos ng engagement na yun maraming magbabago at baka hindi ko na sila makasama ng mas matagal kung itutuloy ng fianće ko ang kasal. Nasa kanyang kamay ang kapalaran ko ngayon.

Naiisip ko parin si Mr. Anonymous pero tinatanggal ko sya sa isip ko dahil sya ang nag-papaalala ng kahihiyang ginawa ko sa buhay ko. Magkikita kaya kami? Nakita ko yung itsura nya pero sandali lang yun kasi gusto ka na umalis agad sa condo nya. Pag narinig ko siguro yung boses nya. Tama. Makikilala ko sya sa boses nya.

Tulala lang ako at na-blangko sa pag-iisip. Nang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni papa kagabi.

Gabi na at kinabukasan na ang engagement party ko. Hay nako talagang buhay na ito. Pumunta na lang ako sa garden namin para magpahangin at nandito pala si papa at nag-kakape.Umupo ako sa tabing upuan at napansin nya ako. Tahimik lang kaming dalawa. Nang mag-umpisa akong magsalita.

‘’Pa... nakilala mo na ba si Louise o nakita mo na ba sya?’’ tanong ko.

‘’Oo naman. Nasa kompanya ilang araw pagdating nya at masasabin ko na masipag sya at alam nya ang responsibilidad nya’’ sabi ni papa.

‘’Bilib ka na ata sa kanya... pinamimigay mo ata talaga ako eh’’ nagtatampong sabi ko.

‘’Hindi kita pinamimigay pero kung yung tao na tulad ni Louise ang mapapangasawa mo... hindi na ako kakabahan kasi alam ko na aalagaan ka nya ng maigi’’

‘’Paano mo nasabi pa?’’ tanong ko. Kahit si papa nakuha na yung loob ng lalaki na yun.

‘’Malalaman mo rin pag kasal na kayo’’ sabi ni papa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni papa. bahala na nga mamaya.

Naghanda na ako papunta sa party na yun. Inayusan talaga ako ng bongga dahil may pumunta pa na make-up artist sa bahay. Hindi nga ako nagkamali. Nagmukha akong tao. Gumanda talaga ako. Simpleng cocktail dress na white ang gamit ko. Bagay sa engagement party ko.

Mas lumakas yung kaba ko ngayong binabaybay namin papunta sa hotel kung saan idadaos yung party. Ang magulang ko mukhang masaya pero napansin ko na may lungkot rin yung mga mata nila. Nalulungkot ako sa mga mangyayari. Ayoko pang iwan ang magulang ko. Ayoko pang magbago lahat pero sabi nga nila na minsan may mga bagay na magbabago at hindi mo ito maiiwasan.

Tumawag din si Mika sakin. Excited. Siya pa ang mas excited sa akin. Nagbiro pa sya na ninang daw sya ng anak ko. Ang bilis talaga mag-isip. Hindi ko pa nga nakaka-usap yun. Sabi pa nya na sobrang gwapo raw ng fianće ko. Magmadali na raw ako pumunta rito kasi ang dami daw babae ang pumapaligid sa fianće ko at baka mapikot pa raw ng ibang babae duon. Wala lang akong tinugon kasi kung ganun mamgyayari edi mas masaya at wala nang kasalang magaganap.

Heto na! Nandito na ako sa harap ng hotel. Nakababa na kami pero ako nakatayo lang dito sa harap at hindi gumagalaw. Dumoble yung kaba sa dibdib ko parang ayoko nang humakbang at mas gusto ko na lang ang tumalikod at magsimulang maglakad. Napatingin sakin si mama. Lumapit sya sakin. Ngumiti sya sakin ng tipid at inakay ako papasok.

‘’Alam ko kinakabahan ka.. basta tandaan mo palagi na kung ano man mangyari mamaya nandito lang kami ng papa mo at mga kuya mo, okay?’’ sabi ni mama.

He is Really Possessive.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon