Prologue

6 2 0
                                        

"Alex, pwede bang ikaw muna magcover ng shift ko ng hanggang madaling araw?" tanong ni Eka, "May emergency lang kasi sa bahay, kailangan ko talaga puntahan eh, promise babawi ako kapag ikaw naman."

"Okay" wala na kong nagawa kasi parang nagmamadali siya at nakikita ko sa mukha niya na need niya talagang umuwi. "Pang-hapon naman klase ko bukas, so macocover kita, ingat ka"

"Sige, thank you. Mauuna nako" pagpapaalam niya. Sinundan ko nalang ang kanyang pigura paalis ng convenience store at nagsimula na sa pag-aayos ng mga kailangang tanggalin sa aisle ng mga perishable goods. Ang shift ko ay 5:30-9:30 pm, at siya naman ay 9:30 pm -1:30 am. Bale tig-dalawa naman kaming nagbabantay ng store per shift kasi need na may tao sa counter at paglilinis or pag-aayos sa store.

Medyo maraming tao at maingay sa labas ngayon, kasi pinagdiriwang ang Mid-Autumn Festival or Mooncake Festival kung tawagin. Hindi na ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang festival, pero ngayon ko lang to masasaksihan, dahil sa pagcover ko ng shift ni Eka. Kahit naman kasi nasa loob ako ng convenience store naririnig ko pa din at nakikita ang mga nangyayare, siguro mag try nalang din ako ng famous mooncake at iba pang pagkain nila dito at mag-uwi sa bahay, pasalubong sa mga kapatid ko. Maraming events ngayon kaya sana di ako antukin sa pagcover ng shift ni Eka, may Lantern Displays, Family Feasts, ang famous Dice Game, may mga Religious Offerings para sa mga Buddhist or Taoist, at ang Street Life kung saan andon lahat ng gusto mong bilhing mga pagkain or mga anik anik.

"Hello, welcome!",tunog ng censor, indicating that there are customers coming in, pero si Justine lang pala, yung kasama ni Eka sa shift niya ang dumating. "Oh, Alex! Di ka pa ba mag a-out?" nagtatakang tanong niya sakin.

Umiling ako "Cocover ko yung shift ni Eka eh, may emergency daw sa bahay nila." sagot ko.

"Ah, sige sige, bihis lang ako" tumango nalang ako at pumunta na siya sa staff room.

Pagkabihis niya tinanong niya ako kung sa counter ba ko mag-stay, "Dito muna ako, palit nalang tayo ng mga 10:30" kako.

"Hello, welcome!",as customers came in. I greeted them with a smile, and waited for them until check out.

"238 po" as I receive her payment.

"Hello, welcome!" tunog ulit ng censor, kahit naman palabas na sila, ewan baka yung pag enter pa lang ang nasesense nung censor, sabagay hirap naman kung sabay-sabay pagpasok at paglabas ng customers.

Anyways as the night goes madami na din customers ang napunta sa store at medyo inaantok na din ako, kaya tinawag ko si Justin para sabihing palit na kami at nang makapagpahangin sa labas.

"Saglit lang, tapusin ko lang tong lion dance HAHAHA, ang funny kasi" saad niya kasi parang naghahabulan yung dalawang lion. Lumabas na din ako para manood at nakakatuwa nga sila.

"Ano yon?" tanong ko, kasi parang may kinain sila. "Ah yon? Lettuce na may ampao"

"Para san?"

"Pampataboy ng malas sa negosyo yan, nagbabayad sila sa paniniwalang natataboy daw ng Lion Dance ang masamang espiritu at nagdadala daw ng suwerte at pera sa mga negosyo" sambit ni Justin sakin.

"Marami ka bang alam sa festival?" tanong ko ulit, kasi parang nacurious ako.

"Marami naman, kasi netong mga nagdaang taon laging kami ni Eka ang may shift pag Mooncake Festival, kaya after dito sa store naglilibot kami" paninimula niya. "Nung unang taon naming lumibot, triny namin yung Mooncake, tas ang sabi samin nung nagtinda samin, kasi nakita niya kaming kinain yung mooncake sa harap niya" wala pa man ay natatawa na siya sa kwento niya, "dapat daw hatiin ang mooncake sa bilang ng miyembro ng family, like kahit hindi kayo kumpleto sa bahay ipagtabi pa din daw para manatiling buo ang pamilya in spirit", dagdag niya pa "kasi the circle or round shape symbolizes reunion, kaya after nun lagi na kami nag-uuwi ni Eka ng mooncake" sabay tawa niya.

Medyo natatawa na din ako sa kwento niya. "At sabi pa pala, dati daw nung panahon ng digmaan, ang mooncake ay ginagamit bilang secret messenger, dun daw sa loob ng cake nila tinatago yung mga maliliit na sulat para sa pagplano ng pag-aaklas para di daw nahahalata ng mga bantay", naaamaze na kwento ni Justine. Sakto naman at may paparating na mga customers kaming nakikita, "Kwento ko din yung about sa Moon mismo kapag may time after neto" tingin niya sa mga customers na papalapit. Nagtawanan nalang kami sa ginawa niya saka siya pumasok sa loob.

The "Seoul" SwapHistórias para pegar e não largar. Descubra agora