"1... 2... 3... please walk slowly... and elegantly," mahinahon kong saad sa bride habang sinenyasan ko ang mga staff na buksan ang grand doors ng San Sebastian Cathedral.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan.
At kasabay nun, pumasok ang liwanag—parang eksenang paulit-ulit ko nang nasaksihan, pero kailanman hindi naging pangkaraniwan.
Tumakbo ako papunta sa co-coordinator ko. "Sabihan mo yung guests—no photos muna," bulong ko, sanay na sanay na sa ganitong eksena.
Everything had to be perfect.
The bride walked down the aisle, suot ang sarili kong design—isang body-fitted mini ball gown, fully beaded lace, with a long, flowing veil that embraced her silhouette. Para siyang panaginip.
At ako?
Nakatayo lang sa gilid.
Tahimik na pinapanood ang isa na namang love story na nagtatapos sa "forever."
Napangiti ako.
At gaya ng dati... napaluha.
"Oh please, Andrea... tigilan mo nga 'yan," mahina kong bulong sa sarili ko habang pinupunasan ang luha. "Trabaho lang 'to."
Pero kahit ilang beses ko pang sabihin 'yon—
hindi ko mapigilan.
Dahil sa bawat "I do" na naririnig ko...
may isang parte ng sarili ko ang naaalala—
na minsan din naniwala.
Na minsan din umasa.
At minsan...
nasaktan.
Huminga ako nang malalim, pilit ibinabalik ang sarili sa kasalukuyan.
Isa na naman itong kwento ng pag-ibig na matatapos nang masaya.
Hindi tulad ng akin.
YOU ARE READING
I Remember for Us
RomanceMahigit anim na taon matapos iwan sa altar, pilit nang binuo ni Andrea Valencia ang sarili niya bilang isang successful wedding designer-gumagawa ng masasayang ending para sa iba kahit wasak pa rin ang kanya. Pero sa isang beach wedding, muling buma...
