Huminga siya ng malalim saka pumikit. Gusto niyang siguraduhin na handa na ba talaga siya.

Pangalawang pagkakataon na po ito Lord! Sana naman panghabangbuhay na. Kasi kapag pumalpak pa ito eh baka tuluyan na akong bumitaw sa salitang KASAL! Bigyan mo po ako ng sign. Tahimik niyang dasal.

Ang nakangiting mukha ni Nathalie ang namulatan niya. Hindi niya naramdaman ang paglapit nito sa harap niya.

"Inaantok ka Dad?"

"Ahmmm..No"

"Bakit ka po nakapikit?"

"Kasi may iniisip lang ako"

"Papakasalan mo na ang Mommy ko!?" Masigla nitong tanong.

"Ay! Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagbabasa ng isip." Ito na po ba ang sign? Ang bilis naman po yata...

"Eh kasi po nakita kong binabasa mo ito eh," Sabay turo sa magazine na hawak niya.

"Anak wala bang nababanggit sayo ang mommy mo tungkol sa kasal? I mean,tinanong mo rin ba sya kung gusto nyang magpakasal sakin?"

"Hindi po. Daddy,ikaw dapat ang nagtatanong kay Mommy nyan," Bibong sagot nito at umakbay pa sa kanya.

"Kung sakali ba na tanungin ko ang mommy mo na palasalan ako eh pwede mo ba akong tulungan?"

"Syempre naman po! Keri mo po ba?"

"Kanino ka natuto ng salitang 'yan?" Nagtataka niyang tanong.

"Sayo po, hahaha"

"Sakin? Wala naman akong matandaan na tinuruan kita ng Keri ah"

"Naririnig ko po sayo 'yon kapag kausap mo po sina Tito Buern,Tito Matt,Tito Bernard,Tito Aaron at Tito Archie sa phone mo," Sagot nito.

"Wow!" Naiusal niya. Kinandong niya ang anak. "Baby next time 'wag ka nang makinig sa usapan namin ng mga Tito mo ha?" Aniya sabay pisil sa ilong ng bata.

"Ahahaha.,sige po"

"Good. Now,balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Kelangan ko kasi ang tulong mo para mag-propose sa mommy mo," Mahina niyang sabi kay Nathalie.

"Daddy bakit po hindi pa ako nag-iiskul?" Dedma ito sa sinabi ng kanyang ama.

"Sa darating na pasukan mag-eenrol ka na,"

"Sa school po ni Kuya Nathan?" Magiliw nitong tanong.

"Malayo ang school ng kuya Nathan mo dito sa 'tin. Sa ibang school ka mag-aaral," Nginitian niya ang anak. "Anak narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Ano po 'yon?"

"Na kailangan ko ang tulong mo sa pag-propose sa mommy mo. Gusto ko kasi surpresahin natin sya. Ok ba 'yon sayo?"

"Talaga Daddy? Sige! sige!" Pagsang-ayon nito.

HABANG tuloy ang bonding ng mag-ama ay tumawag si Karylle. Si Nathalie ang unang sumagot sa phone ni Vice.

"Mommy! Pauwi ka na po ba?"

"Naku baby,baka hapon na makauwi ang mommy eh,kasi may pinuntahan pa kami ng Ninang Iza mo. Kumusta ka jan? Anong ginagawa mo?"

"Nagbubuo po kami ni Daddy ng puzzle," Sagot nito saka ibinigay kay Vice ang cellphone. "Kakausapin ka ni Mommy Dad,"

"Hello K? Dito ka ba magtatanghalian?"

"Hindi na Vice. Sa labas na kami kakain ni Iza. Hindi ka ba kinukulit ni Nathy? 'Yong hair mo maayos pa ba?" Natatawang tanong ni K.

"Maayos parin naman. Mag-iingat kayo ha? At nga pala.."

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now