Author's Note: Hello! My apologies for the long hiatus. I mainly tried to focus on my studies. The wait is finally over. :)
Thank you for all your patience and support these previous years. You mean a lot to me. I also want to thank you for continuing to support what my younger self worked so hard upon... I'm sure she'll be as happy as I am to know someone's still reading her work up until this day.
--
Ginalaw ni Hazel ang mga naninigas na talukap ng mga mata niya at nanlalamig na mga kamay. Halos hindi na niya maramdaman ang katawan niya sa sobrang lamig nang magising sa napakataas na bundok.
Pinilit niya ang sariling tumayo, at nang makatayo, naglakad siya. Ininda niya ang lakas ng hampas ng malaking hangin at tinding lamig. Wala man siyang masyadong makita dahil sa klima, pinilit niya pa rin ang sariling maglakad.
Nang makarating sa cliff, kumapit siya sa malaking puno. Tinanaw niya ang buong Light Kingdom na hinulma na ng makapal na niyebe sa iba't ibang hugis.
Wala sa sariling napatingin siya sa kamay niyang hindi niya na maramdaman. Nanginginig iyon. Nilabas niya ang fire magic niya at iniyakap sa sariling balat para hindi siya mamatay sa lamig.
Napatingin siya sa orasang suot niya. Mabilis ang ikot nito pabaliktad. Wala itong humpay sa pabaliktad na pagtakbo, hindi tumitigil. Sa sobrang bilis nito, pakiramdam ni Hazel umiikot na rin ang paningin niya.
Nagpakawala ng mabigat na hininga si Hazel. Dumaloy sa sistema niya ang takot at pangangamba. Agad na tinanggal niya ang relo at tinapon sa malayo. Pati ang malalaking kwintas sa leeg niya ay pinagtatanggal niya rin at nilagay sa magic bubble niya.
Lumakas ang kalabog ng dibdib niya nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Muntik siyang mawalan ng balanse at mahulog sa bangin. Mabuti na lang at mabilis siyang napakapit sa branch ng puno. Yumakap siya roon at unti-unting gumapang paakyat hanggang sa narating niya ang bato.
Pagbalik niya kung saan siya galing kanina, sa gitna ng malalaki at makukulay na puno ng gubat, napatigil siya.
Pinakinggan niyang mabuti ang mga boses sa paligid na unti-unting nagiging klaro sa pandinig niya. Narinig niya ang mga boses ng mga nanghihingi ng tulong. Narinig niya ang ilang boses ng mga nagmamakaawa. Mayroon ding mga umiiyak lang at hindi nagsasalita.
"Hello? May mga tao ba riyan?" tanong ni Hazel habang nakatingin sa madilim na parte ng gubat. Bumulaga lamang sa kaniya ang maliit na ibong mabilis na lumipad pataas pagkasigaw niya.
Napahawak siya sa dibdib niya sa gulat.
Mas lumakas ang mga boses. Mayamaya, napadaing siya sa sakit ng ulo niya at napasigaw. Pakiramdam niya parang pinipiga ang ulo niya at kasabay nito ay parang tinutusok-tusok ng maliit na karayom.
Napaluhod siya.
"Tulong!" siya naman ang sumigaw. Sinabayan niya ang mga boses sa utak niya. "Tulungan niyo ako!"
'Pakiusap, tulungan mo ako. Tulungan mo kami!'
'Huwag mo kaming iwan dito.'
'Ipaglaban mo kami!'
Napahawak siya sa dibdib kapagkuwan.
Matapos ang ilang nakakarinding minuto, unti-unting nawala ang mga boses.
Sa sandaling 'yon, sa mga ipinakita at ipinadinig sa kaniya ay tila nagkaroon siya ng ideya. Mayroong tumawag sa kaniya. Kailangan siya ng mga nilalang.
Kailangan nila ako, pero paano kung hindi ko kayanin? Iyon ang naisip niya.
Iyon pa rin ang kahinaan niya. Walang pinagbago sa nakaraan niyang mga problema. Palagi siyang pinanghihinaan ng loob. Pinangungunahan siya ng pag-aalinlangan at takot.
"Ikaw ang napili namin," sabi ng boses na unang kumausap sa kaniya. "Pero ano nga ba ang iyong pangalan?"
Ang aking pangalan? Isip-isip niya. Bakit kailangang tanungin kung ano ang aking pangalan?
Unti-unti siyang tumayo nang matuwid. "Ako si Hazel. Hawak ko ang light at dark magic."'
'Hindi ba't bawal iyon?'
'Kitilin siya!'
Nanlaki ang mga mata niya sa dami ng kaniyang nakitang masasamang kinahatnan niya at ng iba.
Nang magising siya sa bawat panaginip na tulad nito ay may panibago siyang layunin.
Ang mga layunin na ito ang magiging daan niya para makita ang panibagong bersyon niyang hindi niya pa naipapakita sa mundo.
Panibagong araw, panibagong simula.
Ito ang panibagong istorya niyang isinulat ng tadhana.
BINABASA MO ANG
The Winter Truce ♔ (Completed)
FantasyTwo decades later, while the former Special Royalty Group were busy with their lives building their own versions of a happy ending, they unexpectedly encountered another twisting journey. An immense and powerful magic surged from the ancient book in...
