Chapter 60: Announcement
HALOS isang oras niya akong iniyakan, ilang beses siyang nag-sorry sa akin, at dahil sa pagiging selfish niya raw kaya nangyayari ito sa ’kin. Hindi na lang ako umimik pa, niyakap ko na lang siya at pinaramdam sa kaniya na okay na ako.
When fate has already decided, the only thing left to do is accept and move forward.
Isa pa’y hindi naman malala ang nangyari, at least safe ang babies namin. Gagaling din naman ako.
Ngayon ay nakapikit siya, mugtong-mugto ang mga mata niya. Umiyak ba naman siya na parang bata.
“Ma’am Cyrille.” Napatingin ako kay Clarette, mahina ang boses niya. Siguro akala niya ay tulog ang asawa ko. Ayaw niyang maisturbo ito.
“Lapit ka, Clarette. Maupo ka,” anyaya ko. Alam kong magpapasa na naman siya ng report. Salitan sila ni Cooper, kaso busy ang isang ’yon sa bisita niya.
“Here’s the updated report for our car rental operations, ma’am. Na-review po muna ’yan ni Sir Cooper, bago ko po ibinigay sa inyo. Para less stress ka na po, dahil alam naming magkaka-baby na kayo,” aniya. Ngumiti lang ako.
“Salamat, Clarette.”
Binuksan niya ang laptop na dala niya, upang buksan ang presentation niya.
Lumabas sa screen ang graphs at listahan ng bookings. “As of this week, tumaas ng mahigit 40% ang reservations. Halos fully booked na ang mga sedans at SUVs, especially for weekend trips and corporate clients,” paliwanag niya.
Hindi na lang kami nagbebenta ngayon ng mga sasakyan, nagbubukas na rin kami ng renta.
“That’s a big jump. Kaya pa ba ng current fleet natin?” I asked her.
Umiling si Clarette. “Not for long po, ma’am. Based sa projection, within two weeks, magkakaroon na tayo ng shortage kung hindi tayo magdadagdag ng units.” Pinindot niya ang susunod na slide, listahan ng potential vehicles. “I already shortlisted new models we can acquire, fuel-efficient sedans, additional SUVs, and a few premium units for high-end clients.”
“Budget?”
“Covered pa rin within our expansion plan,” sagot niya. “And if we act now, mababawi agad through continuous bookings.”
“Impressive. Mukhang kailangan na talaga nating mag-expand.”
Tumango si Clarette, at may kumpiyansa. “Yes. The demand is already here. Kailangan lang natin sabayan, ma’am.”
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siyang umalis. Napangiti na lang ako nang makitang lumalago ang business na pangarap ko noon pa man. Hindi talaga ako nagkamali sa landas na pinili ko.
Nang lumingon ako sa asawa ko ay nakatingin na siya sa gawi ko.
“Congrats, the car rental business is doing better now. I’m proud of you, baby,” nakangiting sabi niya. Ramdam ko pa ang pagbilis nang tibok ng puso ko.
“Yeah. Dapat lang talaga, dahil may mga utang pa kami na kailangang bayaran sa grandpa mo,” wika ko, na ikinatango niya.
“How much is it? Don’t worry, I’ll take care of it.”
“Huwag na. Ako na ang bahala,” umiiling na sabi ko. Alam kong iyon talaga ang sasabihin niya. Pero kaya ko na iyon, may itinatabi na akong budgetil para mabayaran namin ang utang.
Napahikab ako, at nakaramdam agad ng antok. Marahan naman niyang tinapik ang sofa sa tabi niya.
“Come here. Magpahinga ka muna, Cyrille,” aniya.
ANDA SEDANG MEMBACA
The Heartbreaker's Love Interest (Brilliantes Series #6) (SLOW UPDATE)
CintaSi Cyrille Mae Misa ay isang babaeng mekaniko at nagmamay-ari ng isang car rental. Isa rin siyang champion sa car racing. Pero dahil sa kaniyang ama ay pinagkasundo siya sa lalaking hindi niya kilala at iyon ay si Engineer Darcy Brilliantes. Hindi n...
