Larry Samonte, I Love You

9.9K 183 10
                                    

Hello since rest day ko naman I'm trying to update chapters hanggang sa makakaya ko hehehe adik lang??? hehe

Hope you support this story as well, maganda din ang story ni Larry Samonte =)

Unang pagkikita nilang dalawa, and I think Julian already made an impression ^_^

Sorry feeling ko walang masyadong magandang nangyari dito promise next chapter gagandahan ko =)

Follow, voted, comment pls pls pls

Picture of Julian Lardizabal on the right=========>>>>>>

Song is For the first time by The Script

==================================================================================

CHAPTER THREE

Larry's POV

Kinabukasan ay nagdecide na akong pumasok, kitang kita ko naman ang tuwa nang mga kaibigan ko nang sa wakas ay pumasok na ako.

"Tara na nga, kayo talaga." ang natatawa ko na lang na sinabi sa mga ito, paalis na sana kami nang may mapansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin, papalapit ito sa puwesto namin, kaya naman minabuti kong hintayin ito.

"May kailangan ka ba?" tanong ko dito, napahinto naman ang mga kaibigan ko nang marinig akong magsalita.

"Larry Samonte. I love you." laking gulat ko nang bigla itong magtapat nang pag-ibig.

Sandaling nablangko ang isip ko bago nagregister sa akin ang sinabi nito, agad naman parang nanglaki ang ulo ko, akma ko itong susuntukin nang mapigilan ako ng mga kaibigan ko.

"Bitawan niyo nga ako, bibigyan ko lang nang leksyon ang taong ito!" galit na galit kong sinabi, pilit akong kumakawala sa mga ito, pero hindi nagtagumpay.

Mas lalo atang nag-init ang ulo nang hindi ko man lang makitaan nang takot ito bagkuhas ay nakangiti pa ito nang lumayo sa amin.

"Ang kapal naman nang mukha ng baklang iyon. I will never ever fall in love with a man." sigurado kong sinabi sa sarili.

"Woah! Mukhang may manliligaw ka Larry." Natatawang biro naman ni Ken na sobrang lapad ang ngiti sa labi nito.

"Shut up dude!" iritable kong angil ditto, muli kong naalala ang itsura ng estudyante na iyon, hindi ko matandaan kung nakita ko na ba ito dati, pero kahit anong isip ko ay wala akong maalala na nakita ko na ito noon.

Minabuti kong kalimutan ang nangyari, ayoko naman na tuluyang masira ang araw ko nang dahil sa baklang iyon, pero hindi ko alam kung bakit, pero bigla bigla kong naalala ang maamo nitong mukha, mas lalo tuloy akong naguguluhan kung sino ba talaga ang taong iyon.

Nang makarating ako sa klase ay agad akong sinalubong ni Samantha ng halik sa labi, parang wala lang naman ditto iyon kahit na nga ba may ibang tao kaming kasama.

Samantha and I is what you call, friend with benefits. Alam naming pareho kung hanggang saan lang kami, pero hindi ko din maiwasang mapansin ditto na parang mas gusto na nitong magseryoso kasama ako at hindi pa ako handa sa ganoong bagay.

Nagsimula naman itong magkuwento nang makaupo na ako sa usual seat ko sa klase, may sinasabi ito nang mapadako naman ang tingin ko sa baba ng building, agad kong napansin ang kaparehong lalaki kaninang umaga, mukhang may inaasikaso ito.

Hindi ko alam kung bakit pero namalayan ko na lang na nakasunod na pala ang tingin ko dito. Nacucurious pa din ako kung sino ba ang taong ito na bigla bigla na lang sumulpot.

"Hey! Hindi ka naman nakikinig eh." Nagtatampo nitong sinabi sa akin.

"Sorry babe, medyo nagspace lang ako." Paliwanag ko naman dito, sandali ko itong sinuyo.

Natigil lang ang pag-uusap naming iyon nang dumating na si Professor, agad ko naman napansin na nandoon na din si Arnold at nang makitang nakatingin ako dito ay kinindatan lang ako nito.

"Sayang naman at bading ang kaibigan mo." Bigla naman nagpatig ang tenga ko nang marinig ang binulong na iyon ni Samantha.

"Hindi bakla ang best friend ko." Galit kong sagot ditto, minabuti kong ituon na lang ang atensyon ko sa klase.

Kahit na nga ba na sinabi kong tanggap ko na ang preference ni Arnold ay hindi ko pa din maiwasang hindi mabadtrip kapag nakakarinig ako sa kahit na sinong tao ng bagay na iyon.

Madali akong nagagalit kapag nakakarinig ng ganoon lalo na't hindi ko pa alam kung paano ba ihandle iyon.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang pagtawag sa akin ni Prof na ilang beses nap ala akong tinatawag.

"Mr. Samonte!" mas malakas na ginawa nitong pagtawag kaya naman saka lang nito natawag ang atensyon ko.

"Let me just remind you Mr. Samonte, that I expect your full attention in my class and I don't tolerate spacing out specially when I'm already teaching." Seryoso nitong sinabi, matapos non ay inutusan ako nitogn basahin ang page twenty-five ng libro sa subject nito.

Isa sa pinakaayaw ko ay ang ipahiya sa klase kaya naman minabuti kong lumabas na lang at baka may masabi pa akong hindi maganda.

"Mr. Samonte! Where do you think you're going?! Mr. Samonte come back this instance!" hindi ko na pinansin ang galit na galit na sigaw ni Professor Belmonte at nagpatuloy na ako sa paglabas ng klase nito.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko pa din naman gustong umuwi ng bahay, dahil siguradong malulungkot lang ako sa maabutan ko doon.

Punong puno ng masasayang ala-ala ang bahay naming iyon mula pagkabata ko pa lang hanggang sa maging binata na nga ako, pero ngayon ay isang malaking bahay na lang iyon na walang kabuhay buhay.

Nagdecide na lang akong dumiretso nang mall para makapaglaro ng arcade games, baka sakaling mawala sa isip ko ang lahat ng problemang tumatakbo sa isip ko.

Napapailing na lang ako dahil pakiramdam ko tuloy ay nagiging emo na ako masyado.

Agad kong pinaarangkada ang kotse ko palabas ng campus, I was about to take a left turn, when I saw the same guy that just confessed his love to me riding a black Bentley. Hindi ko napansin ang driver ng sasakyan dahil nakafocus ang tingin ko sa naturang bata.

Oo bata, dahil sigurado akong mas matanda ako dito, siguro mga isang taon.

Hindi ko alam kung bakit ako hindi mapakali, na para bang may mali. Madalas tama ang mga hinala ko gaya na lang ng hinala ko na magiging problema lang si Jake sa tropa at gaya ng naramdaman ko ay may mangyayari na hindi ko magugustuhan.

Minabuti kong huwag na lang pansinin iyon, pinangako ko na lang sa sarili ko na hinding hindi ako makikihalubilo sa mga taong nagkakagusto sa same sex, maliban na lang siyempre sa best friend ko na si Arnold at kay Jake, wala eh walang choice.

Ilang sandal nga lang ay nakarating na din ako sa malapit na mall sa school at gaya nang plano ay ginugol ko ang oras ko sa paglalaro ng arcade, sa sobrang tuon ng atensyon ko sa paglalaro ay hindi ko na namalayan ang oras at saka ko lang napansin na gabi nap ala.

Matapos non ay agad na akong umuwi sa bahay, back to the lonely house, that I'm living in.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Where stories live. Discover now