"Saan sila?" tanong ko

"Aba malay ko. Tanungan ba ako ng mga nawawalang unggoy?" sagot nia .. Takte nga naman oH oh! "Tsaka brad! Umalis ka nanaman sa inyo. Yun parin ba dahilan mo?" dugtong niya habang naglalakad kaming dalawa

Napailing nanaman ako. nakakabwisit!

"Hindi, bago na" pag loko ko sa sagot na. Alam na nia 'yan! Kilala na nila ako. Mula ba naman high school eh salitang 'Gangster' ang bukang bibig ko!

"Eh ano?"

"Ang pangit pangit na daw ni, Keizer Yuan."

One.

Two.

Three.

"ANO?! WHAT?! MWO?!" Alam kong nasa ikod ka lang namin Keizer Yuan! Pasimple ka pang nakasunod eh.

Meet KEIZER YUAN SALAZAR, May pagka playboy pero higit sa lahat ay napaka conscious nia sa kanyang pagmumuka!

"Lumitaw na ang asungot na palaka" asar na ni Krysz. Naku! Huwag nia lang akong maasar ngayon at hindi nia alam kung saan sia tatalsik kapag sinuntok ko sia.

"Para kang magaling diyan. Napaka gwapo ko naman na asungot na palaka!" sagot naman. Naknang! Silang dalawa pa yung nakarating oh oh!

Sa paglalakad naming tatlo. Napunta na kami sa may mga swings. At may naaninag kaming pitong mga lalaking nandoon. nagkakaladyaan.

Tss.. Meet us! Ang barka---

"MAHAL NA LEADER!!!" sabay sabay na sigaw ng pitong mga unggoy. 

Napangiti nalang ako. Mga ito talaga. Tengeneng hindi nawala ni isa! Walang absent 'tsong! 

"Nag eemote ang ating leader bro!" panguna nanaman ni Krysz. Takteng tao talaga ito oh!

Naupo ako sa tabi ni Kian.. Ehem! 

Meet KIAN KYLE ABRENICA. Seryoso sia sa kanyang pamumuhay at tumatayong pangalawang leader saamin. Syempre kapag wala ako, At madalas may saltik sia. Malay ko kung anong pinag gagagawa niyan sa buhay at ugali nia.

"Attendance Check, man!" tapis saakin ni Kian . -_- Maka utos wagas ah. Maka uto, wagas rin. Tengene, alam ko namang kumpleto. Pero dahil sa kabulastugan nia at napaka gwapo ko...

"Jeremy!!" sigaw ko. Mag attendance daw eh.

Bigla siyang pumunta sa harapan ko at sumaludo. Ganyan kami eh. Kilala na namin ang isa't isa. Alam na namin kung paano kami mag biruan. Sa tinagal tagal ba naman na mag kakasama kaming mga ungas eh ganun talaga.


"Jeremy Monteverde, sir! Present! Never Absent!" sigaw nia rin saamin..

Meet JEREMY MONTEVERDE. He is a book worm. Nakaka gala pero manenermon saamin 'yan kapag halimbawang may mga quizzes, exams. Huwag mo siyang istorbohin kapag nag rereview. Baka magsisi ka kapag ginawa mo 'yun. Pero hindi talaga maaalis saamin ung pagka loko loko minsan. Kaya sia rin, ganun!


"Asan si Light?!" sigaw ko ulit para maangas. At katulad nga ng ginawa ni Jeremy kanina. Pumunta sa harapan o gitna dahil napapalibutan na namin sia at sumaludo.

"I am Light Miranda. Good evening! I am present Sir!" maangas niyang sabi. As always... Then...

Meet LIGHT VEN MIRANDA. Ang mayabang na mayabang naming ka-barkada. Kapag nakarinig ka ng salitang 'mayabang' eh alalahanin mo, si Light yan! Kulang nalang eh ang pangalan niya, 'WIND' para hangin. Mahangin -_-

Siniko ko si Kian para siya naman ang mag present present diyan. Baka mamaos maos na ako eh. Sayang ang golden voice tengene. 


Secret GangsterWhere stories live. Discover now