#2 - Meet Us

16 2 0
                                    

"Ma! Sige na kasi! Ma!! Please po!!" sinusundan ko ang mommy ko pababa ng hagdan kasi pupunta nanaman sia sa business trip nia. 

Hindi nia ako pinapansin kahit na siguro lumuhod ako sa harapan nia ngayon! Hinihiling ko lang naman, bilang anak nia na pagbigyan nia ako sa gusto ko.

"Ma naman eh! Pinakikiusapan na nga kayo ng maayos eh! Nagpapaalam na nga ako ng maayos! Sinusunod ko naman lahat ng gusto nio! Kulang pa ba 'yun!" 

Hindi na ako nakapag timpi. Nakaka bwisit kasi! Ilang beses na talaga akong nag mamakaawa sa nanay ko! Sh!t

"Tristan Carl Jerome Dungca! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na, HINDI NGA PWEDE. HINDI MAKAKABUTI SA'YO AT AYAW KO PARA SA'YO! Mahirap bang intindihin 'yang mga yan ha Jerome?! Hindi naman diba?!"

Napayuko nalang ako dahil sa hiya na sinigawan ako. At sa inis dahil ayaw talaga akong payagan. Hindi makakabuti? What the Fvck!

Papalabas na ng pinto si Mama ng magsalita ulit ako... "Mabuti pa si Tita, pinapayagan nia si Kuya Allain na maging isang GANGSTER." Nabalitaan ko lang sa kuya Jerick ko na Gangster daw yang pinasn kong yan. Pero hindi ko pa nakikita at hindi pa ako masyadong naniniwala.

"Don't ever compare your self to that man! And Don't compare me to your tita Cora because we're not the same, Jerome! Ako ang mama mo, kaya ako ang pakikinggan mo!" at tuluyan na siang lumabas

Hindi ko alam kung makasarili ba talaga yung nanay ko o sakim? O pareho?

Una sa lahat. Ako nga pala si TRISTAN CARL JEROME DUNGCA na nasabi na nga ni mommy yung buo kong pangalan. Galing ako sa mayaman na pamilya. Mayaman nga. Akala mo kung mga sino naman. Watak watak kami. Walang matinong pag-sasama. Walang matinong makikita sa bahay.

Ni hindi mo kami makitang mag bonding ang putek!

Robert Dungca is my father and Noime Dungca is my Mother. 

May nag iisa akong kapatid na lalaki. Nakatatandang kapatid. Parang kami nga lang ang nagkakaintindihan sa pamamahay namin eh! Siya si Jerick Dungca. Hindi sia gangster. Sinubukan nia dati pero pinag bantaan sia ni Mommy na itatakwil nia raw sia na bilang anak.

Ayos kami nila Dad! Ewan ko ba.. Mukang yung nanay ko lang yung may problema kaya hindi kami magka sundo sundo dito!

I'm a college student, Business Administration course ko. What else about me? Malalaman nio na rin yan sa susunod. 

"Jerome, okay na 'yan. Huwag mo na kasing ipilit" biglang lapit saakin ni Kuya Jerick. Tinap pa yung balikat ko. 

Tss. Langya din 'tong kuya kong ito eh. Huwag daw eh alam niang gusto ko ito! 

"Kuya naman! Tsk! Tabi nga!!" sabi ko sa inis at lumabas na ng bahay. Sinundan pa ako na parang bata naman ako.

"Saan ka nanaman pupunta Jerome! Baka biglang bumalik si ma'" sabi nia na tumigil na sa paglalakad. 

Kinukuha ko na kasi yung motor ko sa garage eh.

"Babalik ba yun eh, ka-aalis lang!" sabi ko at pina andar na nga. Bumusina at umalis. Nakaka bwisit lang doon eh. Walang magawa.

Nagpunta ako sa park kung saan noong bata ako, dito ako dinadala ni mama. NOONG BATA PA AKO. Ewan ko kung bakit dito ko gustong pumunta. Tinawagan at tinext ko na rin silang lahat.Lahat ng mga kabarkada ko at syempre yung ilan siguro hindi makakapunta. 

Pinark ko na yung motor ko at naglakad lakad sa park. Gabi kasi ngayon. Pero may mga tao parin.

"BOO!"

Napatingin ako sa kaliwa ko na nang gugulat yata. -_- Yata!

Meet KRYSZ ZSCHARYLL BIEN. Tengeneng pengelen yen eh! Malakas mang asar, pero kapag yan inasar mo yung pangalan nia, mabilis mapikon. Basta malakas ang sira/saltik nia sa ulo. Loko loko nalang. Siya rin yun. Nga pala, pinaka bata sa lahat.

Secret GangsterWhere stories live. Discover now