CHAPTER 15

41 4 0
                                    

CHAPTER 15:

Masaya ako ngayon. Si Lhara pala ang babaeng papakasalan ko. Pero gusto nya ba to?

Nandito ako ngayon sa tapat ng building na pinagtatrabahuan ng liligawan kong babae. Nasabi ko na kay mama at lolo at pati sa mag-asawang Lim na kapag sinagot na ako ng babaeng gusto ko saka na namin pag-usapan ang kasal. Pagkapasok ko dumeritso ako sa elavator. Papunta ako sa 12th floor ng building na to. Doon kasi ang office nya.

*ting* Nandito na pala ako. I am holding a boquet of flowers and her favorite food. Lunch time na ngayon kaya napag-isipan kong doon na sa office nya maglunch. I know she didn't expect me to come. Surprise eh.

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng office nya. Kumatok ako. "Come in." narinig kong sabi nya. Inhale, exhale. Go Jayold. Hwag ka ngang maging torpe! Ikakasal ka na! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sinilip ko sya. Nakadungo sya. Ang workaholic naman ng babaeng to.

Pumasok na ako sa office nya pero hindi parin sya tumingin sa akin. Ilang sandali pa, "Anong kailangan mo?" tanong nya habang nakadungo pa rin.

"Hay, naku..kumain ka na muna. Mamaya na yan." napatingin sya sa akin.

Parang nagulat sya dahil napatayo eh. "Jayold!"

Ngumiti lang ako. Kahit gulat sya, she's pretty. "Nagdala ako ng food. Sabay na tayong kumain dito."

"Ok." sabi nya.

"I bought your favorite pizza." sabi ko habang nilapag yung plastic sa table.

"Wow. Thanks."

"For you." Shit! Nahihiya ako. Para akong bakla nito. Ibinigay ko sa kanya ang boquet.

"Ok. Thanks?" nagtaka pa talaga sya.

Kumain na kami. I really miss this. Namiss ko talagang kasama sya kumain.

"Ah, Jayold, sorry." nagsosorry na naman sya. Ang rami na nyang sorry sa akin ha.

"For what?"

"You know, this is the main stupid reason why I went to Baguio." sabi nya. Hindi ko naiintindihan. I rose my eyebrows. "I went to Baguio para magtago at hindi mapakasal sa isang stranger." so gets ko na. Pareho kaming pumunta ng Baguio for the same reason too. "I'm sorry dahil hindi ko magawang pilitin si dad para hindi na tayo magpakasal. I'm sorry if I'm ruining your happiness." Shit! I hate seeing her crying.

Pinahid ko ang mga luha nya gamit ang thumbs ko. "It's ok Lhara. It's not your fault. Dapat nga magpasalamat ako na nangyari yun eh. Na nangyari to.I saw her face get confuse.

"What do you mean?"

"Lhara, can I court you?" She was shock. Hwag naman sana akong ibusted nito. Panliligaw pa nga busted na! Tsk.

"Ako? Liligawan mo?"

"Yep, can I?" patay na. Kinakabahan na ako.

Ngumiti sya. "Diba nga ikakasal naman tayo? You don't need to court me."

"No. Diba sabi ko, kapag sinagot mo na ako saka na natin pag-usapan ang kasal? So can I court you?" Please..say Yes.

"Yes." Ano daw? Nabingi ako?

"What?!" hindi ako makapaniwala!

"Ayaw mo naman pala eh." nagpout sya.

"So its 'yes'?"-ako

"Ayaw mo?"

"Of course I like. I mean I love!" tumayo ako at niyakap sya. "Thanks." bulong ko sa kanya.


Love a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon