Chapter Ten

9 0 0
                                        

Mag aalas otso medya na pero ayaw pa rin tumigil sa kakainom si Mike.Gusto ko ng umuwi dahil parang nahihilo na ako sa amoy ng alak at sigarilyo at parang nawawalan na akong pag-asa na makausap si Axel dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatayo at andyan din si Chelsea sa gilid niya.Tinawag ko si Mike dahil baka malasing siya.

"Mike,tama na yan.Hatid mo na ako."

"Last na to."Tinungga niya ng diretso ang isang baso at tumayo."Pero kailangan mo munang uminom kahit isang shot lang at pagkatapos nun ihahatid na kita."

"Ayoko talaga Mike.Alam mo naman na hindi ako umiinom diba?"Kanina pa talaga ako kinukulit ni Mike na uminom kaso ayaw ko talaga.

"Okay.Hindi kita ihahatid kung hindi mo subukan.Sab isang shot lang naman eh,sige na inumin mo na yan."Tiningnan ko yung isang baso na nasa ibabaw ng mesa ko.Napalunok ako,para matigil na ang kakulitan ni Mike ay gagawin ko ang sinabi niya.

"Okay.Basta pagkatapos neto ay iuuwi mo na ako."Ngumisi naman siya at tumango tango.

"That's my girl."Kinuha ko yung baso at ginaya ko ang ginawa ni Mike kanina na dire diretso niyang tinungga.Naghiyawan ang mga barkada ni Mike ng maubos ko ang alak sa baso.Halos sumuka ako sa amoy at lasa,at parang nahihilo ako.Tumayo ako pero ganun nalang ang gulat ko ng hindi ko maigalaw ang ibabang bahagi ng paa ko.Nagtaka ako bakit parang di ko magalaw ang paa ko.At unti unti ko na lang nararamdaman na bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Bago ako nawalan ng malay ay narinig kong nagkagulo ang mga tao at nakita ko si Axel at Mike na nagsuntukan.Bumibigat na ang pakiramdam ko at tuluyan na akong nawalan ng malay........

-----------------------------------
After four years.

Nagising ako sa masamang bangungot ng nakaraan ko.Hingal na hingal ako at nararamdaman ko na naman ang galit at poot sa mga taong bahagi ng nakaraan ko na nagbibigay ng pasakit sa buhay ko.Tumayo ako at kumuha ng tubig para kumalma.Apat na taon na din ang lumipas pero andito pa rin ang sakit na dinulot ng mga taong nagpapahirap sa buhay ko.Isa sa mga natutunan ko ay ang hindi magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo.Nanginginig ang kamay ko at nanlilisik ang mata ko sa galit ng maaalala ko ang gabi na yun.'Balang-araw pagbabayaran nyo lahat ng ginawang kababuyan sa akin!'

-----------------------------
Amanda's Pov

Yakap-yakap ko ang litrato ni Sabrina nung bata pa siya,nangungulila na ako sa kanya.Nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwan kay Diego.Nabalitaan ko ang nangyari kay Diego nung nasa Canada na kami kaya labis akong nag-alala sa aming anak kung nasaan na siya ngayon.Umuwi ako  sa mga sandaling iyon pero huli na ang lahat dahil di ko na nadatnan si Sabrina ang sabi pinalayas na sila dahil di nakapagbayad ng renta si Diego.Araw-araw akong di mapakali dahil sa mga balitang nagpapakonsensya sa akin na ako ang dahilan kung bakit sinisira ni Diego ang buhay niya.

Pagkatapos ng isang buwan ng paghahanap ay bumalik ako sa Canda dahil kailangan na ako ng kompnya.Tanging picture na ito ang lagi kong pinanghahawakan na sana balang araw makikita ko rin siya.Kumusta na kaya siya?Nasa mabuting kalagayan kaya siya?Dalaga na siguro siya.Umiiyak ako sa isiping baka ano na ang nangyari sa kanya.Anak,hindi ako titigil sa paghahanap sa iyo,hintayin mo lang ako.

"Mommy,your crying again."Pinahid ko ang mga luha sa pisnge ko at ngumiti sa anak ko."Mommy,wag ka ng malungkot mahahanap din natin si Sabrina.At excited na din akong makita ang kapatid ko."Ngumiti ako kay Althea at niyakap siya.Si Althea ay mas matanda kay Sabrina ng dalawang taon.Bago ako kinasal kay Diego ay may anak na kami ni Gabriel at si Althea yun.

"Salamat anak.Sa wakas makakauwi na tayo ng Pilipinas.Excited na akong makita si Sabrina,sana naman this time hindi na nagkamali ang hinire nating private investigator."

"Hello ladies."Naputol ang pag-uusap namin ng lumapit sa amin si Gabriel.Humalik siya sa pisnge ko at ganun din kay Althea."Ano,ready na ba ang mga gamit nyo?"Excited na sabi ni Gabriel.Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Salamat Gabriel.Mahal na mahal kita."

"Ssshh.Para sayo Amanda,gagawin ko ang lahat para sa kaligayahan mo.Kaya wag ka ng magdrama jan at dumayo na tayo."

Masayang masaya ako at sa wakas makakabalik na din ako sa Pilipinas pagkatapos ng apat na taon.

See you soon Philiphinnes....

THE COLD HEARTED GIRLWhere stories live. Discover now