Chapter 17

9 0 0
                                        

Chapter 17

Pomela's POV

Katulad ng nakaraang araw ay maaga na naman akong pumasok sa school. Kung maaga nung naabutan ako ni Jaiden, mas maaga ngayon dahil alam ko namang aagahan na niya lalo pa't natunugan na niya ang pag-iwas ko sa kanya. Ayaw din papatalo ng mokong na yun.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung unang araw ng pag-iwas ko sa kanya. Mula noon ay mas pinag-igihan ko ang pag-iwas talaga. Gabi na ako umuuwi yung talagang wala na sila at iniiwasan ko ring mapadaan sa dorm nila.

Nga pala, tumigil na ako sa part-time job ko sa Jollibee. Pero si Jaiden ay hindi pa. Sumasideline pa rin siya doon kaya mas lalong maiiwasan ko na nga siya nito.

Nakaupo ako ngayon sa park malapit sa university. Kumakain ng street food na binili ko kanina. Mag-isa lang ako rito. May mga tao naman pero may kanya-kanyang ginagawa. Sa upuang inupuan ko ay talagang mag-isa lang ako.

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng hilo. "Ah!" napasapo ako sa ulo ko. Nakaramdam din ako ng pagsusuka.

Shet! Kung may jowa lang ako, mapagkakamalan talaga akong buntis. Eh ang kaso, virgin pa ako!

Ano bang nangyayari sakin? Hindi ito ang unang beses na nangyari sakin to. These days, palaging sumasakit ang ulo ko to the point na may parang pumipitik at ang sakit ng mga mata ko. Minsan nga bigla-biglang nanlalabo ang paningin ko. Idagdag mo pa na nasusuka ako sa tuwing nangyayari sakin to.

"Are you okay, miss?" anang boses lalaki sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko habang sapo ko pa rin ang ulo ko.

"A-Ayos lang, masakit lang ulo koㅡ" nasuka ako bigla. Buti nalang diretso sa lupa ang suka ko.

"Sandali, buntis ka ba?" wika na naman ng lalaki.

Inis kong pinahiran ang bibig ko at nilingon ang lalaki. Estudyante din yata to kagaya ko. "Siraulo!" asik ko at tumayo.

"T-Teka, ayos ka na ba?" anito ulit at tumayo rin, tila natataranta. "Baka matumba ka jan bigla ha," dagdag pa niya.

"Ewan ko sayo. Sino ka ba?"

"Niño... ako si Niño," aniya kaya napangiwi ako.

Parang Santo pa yata tong siraulong to!

"Dehydrated ka lang yata, miss. Heto oh..." sabay lahad ng isang water bottle sa harapan ko.

Walang pagdadalawang-isip ko namang nilagok yun. "Hm, salamat. Ge..." paalam ko at naglakad na pabalik sa university.

Hindi na kasi gaanong masakit ulo ko. "Wait! Sabay na tayo baka matumba ka bigla eh. Jan din ako nag-aaral,"

Di ko na siya pinansin at hinayaan nalang na sumabay sakin. Natisod pa ako pagkapasok sa gate kaya todo alalay naman si Niño sakin. "Dumiretso ka nalang kaya sa hospital? Baka buntis ka at di mo lang alam," at talaga namang pinanindigan niya ang bagay na iyan!

"Hindi nga sabi!" mahinang asik ko.

"Baka lang kakoㅡ"

"Imposible nga yan dahil virgin pa ako!" napasigaw na ako na sa inis kaya nanlaki ang mga mata ni Niño sa gulat.

Napatingin ako sa paligid at kita ko ang pagkagulat ng ibang dumadaan. Leche ba namang Niño to! Naisigaw ko tuloy sa mundo na virgin pa ako!

Pero dapat naman talagang ipagmayabang ang bagay na iyan sa henerasyon ngayon. Mga kabataan ngayon, mabibilang nalang ang mga babaeng puro kagaya ko. Kaya imbes na mahiya ay taas-noo akong hinarap ang mga tao.

"Aba't anong nakakagulat sa sinasabi ko? Dahil ba mga wasak na kayo, ha?" sigaw ko sa kanila kaya dali-dali ang ilan sa paglalakad, makalayo lang sakin. May ilan ding napangiwi sa sinabi ko. Tss. Natamaan siguro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Love With Her | IN LOVE TRILOGY #1Where stories live. Discover now