Kaya pumunta kami sa kwarto niya at naglalaro ng biglang napatingin kami sa TV dahil inaiwan itong bukas tapos may nakita kaming magsyota na nagkiss at mukhang mga 3 seconds kaming nakatingin dun ng biglang nagsalita si Kyle.

"Anu ginawa nila katie?!" tanong niya sakin.

" Baka bagong laro yun Kyle ?." sabi ko.

"Ohh!, sige try din natin" then he kiss me on my cheeks .

END

So ganun nga ang nagyari dahil meron kaming napanood na palabas kaya ginagawa niya ito .Di ba mukhang ewan lang hahalik na lang bigla tsaka sa mga panahon yun hindi ko naman alam na kiss pala yun na realize ko lang ang ginawa niya nun nasa tamang edad ko.

Pero alam kong natataka kayo kung bakit hanggang ngayon pinapayagan ko pa rin siya gawin ito at hindi ako nagagalit o naiinis sa kanya?.

Ang mga katanungan na yan ay laging naglalaro sa isip ko dahil hindi ko rin alam.

Deny much pa ko !, pero sa totoo gusto ko naman nakakaasar rin noh landi ko talaga .

"Tama na kyle baka malate pa tayo" sabi ko kaya tumigil na siya habang pabalik na kami maraming bumabati sa kanya.

"Waaaaaaaaah, Good Morning Kyle"

"Hello Kyle"

"Ang swerte ng girl kasama niya si papa Kyle."

"Sana tayo na lang!" Yan ang sigawan ng mga babae habang dumadaan kami .

Oo nga pala hindi ko na sabi sa inyo na heart throb siya sa school namin.Super duper daming naghahabol sa kanya kaya minsan lagi siyang nagtatago ,mawawala na lang bigla dahil hinahanap siya ng mga Fans Girls niya hahaha.

Kung hindi siya nagtago lagot siya,tsaka wala rin akong nababalitaan na may girlfriend o whatever.Dahil mukhang hindi ko kakayanin kung may kasama na siyang iba.

Ang sakit sa puso > __<.

EWAN KO BA!, SELFISH BA KO?.Pasensya na nagmahal lang po ako tsaka hindi ko rin masabi sa kanya .

You know naman nakakahiya tsaka natatakot ako kung anu man ang sabihin niya =___=.

"YES! Di pa tayo late sa mga class natin bagal mo kasi katie ehh= 3 =" sabi ni Kyle.

"Bakit may sinabi ba kong samahan mo ko?!" sira talaga wala naman akong sinabing samahan niya ko tapos magagalit siya kaya pumasok na ko sa loob ng hindi siya tinitignan .

Syempre alam nyo naman kung anong madalas na ginagawa sa loob ng klase di ba,ngunit kakaiba ang silid na papasokan ko ngayon dahil kung anu man ang naiisip ninyo ngayon ay kabaliktaran nagyayari sa loob ng silid na 'to ,dahil ang bawat estudyante ay mayroon kanyang-kanya gawain o pinagkakaabalahan.

Meron nagcocosplay, nagsusugal ,may kumakain ngunit hindi simpleng snack lang dahil nagiihaw sila sa loob mismo ng silid tapos meron ka na lang makikitang PDA o kaya natutulog .Grabe noh, kakaiba pero kahit may sarili silang mundo patuloy lang sa pagtuturo ang professor namin kasi kahit hindi ka makinig basta mapasa mo ang exam o activity na pinapagawa niya pasado ka na sa klase niya dahil PASSED or FAILED ang mark dito sa paaralan na ito , kaya nasasayo kung makikinig ka o hindi pero hindi naman lahat ganito depende pa rin sa classroom.

Lumipas ang ilan minuto uwian na namin kaya inayos ko na ang mga gamit ko nang biglang nagkagulo ang mga babae sa labas ng pintuan ng room pero hindi na ko nagabala pang tignan dahil alam ko naman kung sino ang taong nasa labas ng pintuan sa silid na ito walang ibang kundi siya ulit .

"Kyle sinabi ko sayo na wag mo na akong hintayin sa labas ng room ehh"

" Gusto ko ehh, baka iwanan mo naman ako " tapos puppy look niya nakakagigil talaga!!.

"So anung plano mo saan tayo pupunta ?"

Napaisip ako sasinabi niya saan nga kami pupunta kung sa bahay naman nakakabored uuwi agad tsaka maaga pa naman hindi ko pa trip .

"Hmmm punta muna tayo park!" sabi ko , na miss ko na kasi pumunta dun lalo na laging kaming pumupunta dun dati.

"Ehhh anong gagawin natin dun?"

"Basta "

"Anung basta?!"

"Basta nga, dami mong tanong kyle!"

"Hindi mo kasi sinagot yung tanong ko ehh"hindi na ko nagsalita dahil alam kong hindi kami matatapos kapag kinausap ko pa siya.

**

Pagkadating namin dahan-dahan na niyang tinabi yung kotse sa gilid ng kalsada.

"So anu nang gagawin natin?"

"Magiikot tayo ^___^"

"Magiikot?! Pero gusto ko nang umuwi agad" sabi niya

Anu ba ang kulit naman = 3 =, kanina pa siya nagrereklamo haa!.

Anu bang gusto niya?, kaya ata't na siyang umuwi haa.

"Bakit gustong-gusto mo nang umuwi ?!"

"Ehh kasi * ~ *"

" Anu nga?!!"

"Hindi kita makiss dito ehh >3<"

"Haaay" yan naman siya.

"Naku ,Sumunod ka na nga lang!"

"Katie naman uwi na tayo please"

"Tara na = __ = " hinila ko na siya pa labas nang kotse kasi alam ko naman hindi siya aalis dun..

*Lakad*Lakad

"Ang cute!" habang tinuturo ko yung nagbebenta ng bubbles.

"Anong cute dyan?, ehh pang bata yan"kahit kailan talaga kapag hindi nasunod ang gusto niya maninira nang moment tsss = 3 =.

Pero hindi naman ako madaling mainis kaya konting pigil lang hehehe.

"Bili mo ko yan ^__^" sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga " kainis talaga to minsan na nga lang magrequest ehh.

"Dali na minsan lang naman " habang nakapout ako .

"No > 3 >" habang ngumingiti sakin mukhang aso.

Ahh ganun pala haa pa hard to get pa ang loko.Oh sige ,akala niya wala akong alas dyan.Meron to noh

*Smirk

"Okay madali naman akong kausap kung hindi mo ko bibilhan walang kiss na matatanggap" sabi ko sa kanya .

Bigla lumaki yung mata niya nang ganito O____O.

"Sabi ko nga bibili ako." Ohh di ba Black mail ko yan akala niya haaa.

Kaya ngumiti rin akong mukhang aso katulad nang sa kanya.

Akala niya hindi ko siya kaya sorry ka na lang hahaha.

____________________________________________________________

Sana magustohan ninyo ang First Chapter ....

Kissing Addict?!Where stories live. Discover now