VOTE.COMMENT .FOLLOW  ME

___________________________________________________________

Katie POV

 Ano bang nagyayari sakin?

Bakit hindi  ako makatulog  parang pakiramdam ko naiilang ako  sa ginawa niya na ewan.Ehh lagi  naman niyang ginagawa yun haa?!.

Sa tingin nyo,  bakit ako nagkakaganito?.Haaayz   hindi ko na maintindihan at sobrang nakakapagod.

Biruin niyo kung  anu-anung pinagagawa niya kahapon tapos ginamit pa niya yung wallet ko  para makakuha ng kiss at higit sa lahat bigla na lang humahalik  nang hindi ko namamalayan.

Tsaka kakasabi ko lang sa inyo  bigla na lang maghahalik =__=

 Imba noh.

 Jusko  bahala na nga  lilipas rin to.

 Tumayo na ko  kahit medyo nahihilo pa ko  habang papunta sa  kusina namin para kumain medyo nagugutom kasi ako.

 Kaso nga lang wala pang nakahandang pagkain sa  lamesa dahil  walang ibang kikilos kundi ako lang.

 Di ba ang saya?! ^___^.

 Nakakatamad nga  ehh pero kung hindi ako kikilos wala  akong makakain kaya no choose ako.

 Ayoko rin naman magpadeliver sayang lang pera noh.Iipon ko na lang  para  kapag emergency  may makukuha ako.

 Tinignan ko  yung refrigerator namin kung anung pwedeng lutuin.

 Hmmmm anu   kayang  pwedeng lutuin  na medyo madali lang  kasi  nga tinatamad ako dahil wala nga kong tulog di ba?

 Mukha nga akong zombie kung lumakad , tapos papalutuin ninyo pa ko ng mahirap na recipe.

 Wag na uy!.

 Hanap*hanap*

 May  meron kaming Hotdog,egg,bacon,tucino,isda,chicken,pork at iba pa.

 Medyo madali naman lutuin yung tucino at bacon kaya yun na lang ang kinuha  ko.Naglagay na ko ng pan  at pinainit ito bago ko ilagay yung tucino pagkatapos ko dun sinunod ko naman yung bacon.

 Hindi ko na namalayan na malakas pala yung apoy kaya tumalsik yung mantika sa kamay ko .

 "Aray ! " Sigaw ko kasi tinamaan  ako nang mantika. Huhuhu T ^ T  ang sakit naman.

 Tapos biglang lumaki yung  apoy sa kawali kaya nataranta akong humawak  kaya na paso ako.

 Haaaayzz, talagang wala ako sa sarili   na hindi nga ako makakilos  ng maayos pero buti na lang hindi natapon yung bacon na niluto ko .

 Pero lintek na yan ang sakit naman nang  kamay ko!.

 Kaya pumunta ako sa lababo at hinugasan yung paso ko tapos nilagyan ng  toothpaste  kasi effective daw   yun sabi ni mommy. 

Pagkatapos ng maraming oras sa wakas  nakakain  na rin .

Punta na ako sa lababo  para  hugasan ang  mga plates na ginamit ko .

At dahil  may  sugat ako sa kamay at  paso medyo natagalan  akong maghugas.Sobrang malas ko naman  ngayon na sugatan na nga  na paso pa  huhu what a life T ^ T.

 Kaya  naglaro  na lang  ng temple run sa  samsung tablet  wala kasing magawa ehh tsaka gusto kong mataas yung score ni Kyle.

 Actually may mga assignments nga  ko na dapat gawin  kaso hindi ko rin naintindihan  kaya bahala na nga .

Kissing Addict?!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!