•JUSTIN•
Hindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang e medyo mainit, tahimik, at sobrang gaan ng pakiramdam ko. Though at some point grabe talaga antok ko.
Hanggang sa—
BANG.
Biglang bumukas ang pinto.
"JUSTIN DE DIOS."
Napamulat ako agad.
Nakatayo si Mama sa pintuan, naka-robe, naka-cross ang braso, naka-angat ang kilay. Sa peripheral vision ko, nakita ko si Sela mahimbing pa, nakatagilid, buhok magulo, yakap ang unan.
Saglit akong napatingin sa kanya.
Then reality hit.
"Ma—good morning," mabilis kong sabi, pilit na umupo.
"Good morning ka diyan," sabat ni Mama. "Ano 'to? Bakit nasa tabi ka ni Sela? May sarili kang higaan bakit nakikikama ka kay Sela?"
Napa-iling ako, sabay kamot sa batok. "Sorry po, Ma. Um... nalaglag lang siguro ako. Grabe pagod sa work kahapon e."
Hindi naman totoo. Alam kong hindi. Pero mas madali nang sabihin yun kaysa gawan ni Mama ng malisya. Ang totoo after last night we ended sleeping next to each other, we didn't do anything beyond that pero we hugged until we fell asleep.
"Justin," seryoso niyang sabi. "Pinagkakatiwalaan kita."
"Opo," mabilis kong sagot. "Promise po talaga walang anong nangyayari. Kaibigan ko lang po si Seline."
Sa likod ko, gumalaw si Sela. Umupo siya agad, medyo antok pa.
"Good morning po, Tita," sabi niya, maayos kahit bagong gising. Tumayo siya agad. "Maghihilamos lang po ako."
At doon ako tuluyang nagising.
Tumango si Mama, bahagyang ngumiti kay Sela. "Sige, iho. Nasa baba na kami. Mag-almusal na tayo. After niyan, alis na tayo—Batangas na."
Batangas.
Pagkasara ng pinto, parang may binuhos na malamig na tubig sa ulo ko.
Batangas.
Biglang bumalik sa isip ko yung oras namin sa Wakim Lake. Yung tahimik, yung buwan at mga bituin, at hight sa lahat yung espesyal na almost nanaman mangyari samin ni Seline.
Walang bahid na alak. Shet.
Napaupo ako sa gilid ng kama, ramdam ko yung init sa pisngi ko.
"Shit," bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako agad at halos tumakbo palabas ng kwarto, diretso sa hallway CR. Pagpasok ko, sinara ko ang pinto at huminga nang malalim, hawak ang gilid ng lababo.
Calm down, Justin.
Tumingin ako sa salamin. Namumula pa rin ako.
How did we even did that?
______________
•3rd PERSON•
Amoy kape at tinapay ang bumungad sa kanila pagbaba nila. Tahimik ang dining area pero may undercurrent ng asaran. Ramdam agad ni Justin na hindi 'to simpleng almusal.
"Naks," bungad ni Kuya Yani habang umiinom ng kape. "Mukhang puyat ah."
Si Justin umupo sa tabi ni Sela, nagkukunwaring normal. "Sakto lang."
YOU ARE READING
The Space Between Us • SB19 Justin AU
Fanfiction"They called it a phase. But you were never just a chapter. You were the underline in every page I dared to write." It all started at 7/11-with a condom, a dare, and a judgmental cashier who refused to look up. Seline Mendoza, a probinsyana taking u...
