Chapter 01 ~ Classic Intro. <3

93 6 7
                                    

/ konteng singet. Para sa sisTerry ko toh. Oy. Basahin mo naman to pls? Haha. De jk lng. Kawaay ka na lang huh. ~ kuya Mushy moh /

*Cloud's POV*

Malakas ang hangin dito sa PARK. Nagiisa ako, ibig kong sabihin, wala akong kasama.  

Nakatingin ako sa isang boungavilla, at habang tinititigan ko yun. May naaalala ako na isang babae. Gaya ng bulaklak, nakakaaliw siyang titigan. Siya na ata ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Drama ko noh? :D

*booog!!* ang tunog na namuo ng tumama sa mukha ko ang bola ng isa sa mga batang naglalaro sa may park. Medyo masakit ngunit Wala akong sinabi. Di ko alam ngunit sanay na ko sa ganito. Yung tipong nasasaktan ka na, di ka pa rin nagrereact. At tapat ako sa sinabi ko, pisikal man o emosyonal. :l Bihira nga lang pag pisikal. ^^v

"Ay kuya! Torry kung natamaan ka sa ulo. Di ko po tinatadya," paumanhin ng isang bata na hindi ko man lang tinignan. At tumango na lang ako sa sinabi ng bata.

Magaayos na sana ako ng sarili ko upang umalis at pumasok na sa part-time job ko bilang waiter ng isa sa mga restaurants ng aking tiyahin. Nakakapagtaka ba? Ngunit ito ang katotohanan..

Matagal ng itinakwil ng aking lolo ang aking ina noong nakipagtanan ito sa aking ama. Pagmamahal kesa Pamilya? Nakakatuwa ngunit hinding hindi ko gagawin yun. Mas gugustuhin ko pa na maging mayaman para may masabi man lang. At para magkapag asa man lang ako sa aking minamahal. Pero sabagay, anu pa ang Love kung hindi mo nagawang ipaglaban to diba?

"Kuya, kuya!" sabi ng tila tinig ng isang bata.

Sa pagkakataong yun, nilingon ko na ang bata. At may kasama pala siya, babae, imposibleng maging ina niya to sapagkat napakabata pa nung babae. Mas bata pa ata siya sakin.

"Ahh .. Bakit bata?" tanong ko sa bata. Hindi agad sila nagsalita. Sa mga oras na 'yun, gusto ko nang umalis at baka mapakagalitan na naman ako ni Tita Luisa.

"Ahh, aalis nako , uhhh.." nablangko ako sapagkat hindi ko alam ang pangalan ng bata at nang babae.

Pero ang mas kinabigla ko nang lumapit siya sakin at sinabing,

"Kuya, kuya nga ba? Siguro di naman. By the way, ako nga pala si Star Rae at siya si Aiki. Oh eto baka makatulong sayo," at inabot niya sakin ang kamay niya at isang band aid.

Tumingin ako sa kanya ng deretso, medyo nabigla siya at diko alam kung ano ang dahilan pero nang kalaunan, ngumiti din siya at may naramdaman ako na sa isang tao ko lang nararamdaman. Nilagay ko din naman ang band aid sa may parteng nagasgasan.

"Oh yan OK na, Hehe!" sabi niya at ngumiti na naman siya na para bang biglang tumigil ang oras. 

Nakikita ko siya na nagsasalita ngunit wala akong marinig. Seryoso, Wala talaga.

"Oy,". narinig ko na lang nang mahina.

"Huh? Pakiulit, Uhh.. Rae?" tanong ko.

"Sabi ko, anung pangalan mo??" tanong niya sa.akin.

"Ako? Uhh, Cloud.Cloud ang pangalan ko," sabi ko sa kanila tapos nag ring ang cellphone ko.

"Ahh, Wait," pagpapaalam ko sa kanila at tumango na lang si Rae.

"Hello?" sabi ko sa telepono. Tinitignan ko kase kung si Tita ba yun o yung mismong manager ng restaurant.

"Kaw bata ka! Anung oras na? San ka na naman pumunta? Lakwatsa ka na naman? Talagang tong basura nato. Kundi lang talaga kay Papa! Hayyy, You piece of garbage. Pumunta ka na sa work mo at babawasan ko na naman ang sweldo mo!" pagbubunganga sakin ni Tita Luisa. At oo, sanay na rin ako sa mala-machine gun na bunganga ni Tita Luisa.

Made For Each OtherWhere stories live. Discover now