Chapter 25 - Party

13 1 1
                                    

(Stephanie's POV)

papunta ako ngayon sa art gallery, it's already 7 pm. Nainform kasi ako na may party daw para sa success ng art gallery.

Ayoko nga sana pumunta eh, kaso umaasa ako na makikita ko si Kristoff duon kahit sandali. Absent siya buong araw eh. Nagbabakasakali lang.

Pagkapasok ko ay nagsimula na pala ang party. Pinilit kong hanapin si Kristoff pero wala talaga ni anino niya. After ng mga speeches pati ng dinner, wala paring trace ni Kris. Hay, siguro dapat umuwi na ako...

tumunog ang phone ko, it's a call, from Kristoff.

"hello?"

"Stephanie lumabas ka. . .andito ako."

Binaba naman niya ang tawag. Tinakasan ko naman ang mga kasama ko doon kasi nagsasayaw sila,at mukhang 'di nila napansin ang pag-alis ko.

Pagkalabas ko ng art gallery, agad akong naglakad sa gilid nito, asan na kaya siya?

Bigla nalang may humawak sa kamay ko.

"Kristoff."

"Steph.."

Ambigat ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ngayong magkaharap na kami.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At halos di ako makapaniwala nang makita kong umiiyak siya..Doon ko lang napansin na may pasa siya sa gilid ng mata niya at dumudugo ang labi niya.

"Kris. .anong. anong nangyari sa'yo???"

"The rampage."

"Nakipag-away na naman ba kayo? Kristoff ba't ba kasi kailangan ninyong makipagbugbugan sa ibang-"

"Stephanie...ako ang binugbog nila."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla nalang siyang lumapit at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit..Nararamdaman kong hirap siya sa paghinga. Baka may pasa rin ang dibdib niya.

"Steph. Stephanie sorry. Sorry."

niyakap ko narin siya, ba't ba siya humihingi ng tawad??? ba't ba siya nabugbog ng ganito????? Parang iniipit ang dibdib ko sa sakit.

"Steph patawad. Dahil isa akong Chaves. Kasi kapatid ko si Kristopher."

Napaiyak ako sa mga sinasabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ba't ka nila sinaktan?" tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot.

"Kristoff. . .ba't ka nila sinaktan?"

Halos bulong nalang ito. Huminga siya ng malalim.

"Kris sumagot ka naman o. Bakit ka nila sinaktan??"

"Dahil sa. . .dahil sa mahal kita Stephanie.. ito ang pinataw na parusa sa'kin. Alam ko ang tanga, na dahil lang 'to sa kontrata. Pero nahahanap nila ako Steph. Kahit pa iwasan ko sila,nahahanap nila ako....Langya nga eh. ha! Siguradong sigurado ako na 'di ako magmamahal. Pero ikaw. . . pagdating sa'yo, wala na. Kasi sa lahat ng tao , pinili mo akong pakinggan, pinili mong di ako iwasan. Pinili mo ako kahit pa ayaw ng Tita mo. At ngayon alam ko na kung bakit nila ako binugbog. Kung bakit ganun ang parusa."

"Steph dati may nagkaganito rin. May nakabali ng rule. At binugbog rin siya. Ilang suntok palang ay sinigaw niyang lalayuan na niya ang babae. Tinigilan siya . . .At pinaalis sa grupo."

"Pinaalis? Akala ko ba yun ang point ng the rampage? na di maiinlove ang miyembro?'

"Yun din ang inakala ko Steph. Pero kung natatandaan mo, members ang tawag nila sa'min. Pero may ilan ng brothers ang bansag. Sila ang nambubugbog ng mga nagkiclaim na nagmahal, hindi kaming members lang.
Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa mga binubugbog. Kasi tinatago sa amin.

Steph sinasala kami.. Kapag sinabi mong nagmahal ka, bubugbugin ka nila. Sinusukat nila kung hanggang saan ang kaya mo para panindigan ang salitang mahal. Yung ilang lalaki na sumuko na at sinabing lalayuan nila ang babae matapos ng ilang suntok palang,ibig sabihin hindi ganun katotoo ang nararamdaman nila kasi di nila kayang ipaglaban. Ang ilan na tinitiis lahat, at di sumusuko,na tinatanggap lahat ng suntok, sila ang tinuturing na brother. Sila yung mga lalaking kahit patayin mo,ay hinding hindi isusuko ang mga sinabi nila. Sila ang may paninindigan. Sila ang tunay ng brother.
Steph,inayos ni Samuel lahat 'to. Alam niyang mali ang kuya niya dati. Kayat binago niya ang sistema. Ang totoong gustong gawin ng the rampage ay hanapin ang mga lalaking may paninindigan."

natulala lamang ako sa mga sinabi ni Kris.. Tiningnan ko siya. Marami parin akong tanong, pero nawala ang lahat ng tanong nang sabihin niyang:

"Steph. Isa na ako sa mga brothers"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Rampage- Breaking the RulesWhere stories live. Discover now