CHAPTER 11: When?

44 2 0
                                        

Amara's POV:

"Tanginamo ha!" galit na sigaw nung lalake at umamba ng suntok sa'kin, agad ako umiwas at sinipa ang kanang hita niya ng malakas.

Nang matumba siya ay nakabawi naman agad siya at lalapit na sa'kin pero inawat siya ng mga lalake na nandito sa mall, ako naman ay papalag pa kaso hinawakan ni Michelle ang braso ko.

Galit na tinignan ko si Michelle, "Bitawan mo'ko."

Umiling siya, "Teh, tama na. Nasapak mo na siya, okay na 'yun."

"Tangina, okay na 'yon? Baliw kaba?! Hinipuan ka niya!" galit na hasik ko.

Lumingon muli ako sa lalake nong mag-salita siya, "Kala mo kaganda niyang pinsan mo, eh pareho lang naman kayo nabibili ng pera."

Ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo ko, "Anong sabi mo—" nakawala ako kay Michelle at pasuntok na sana sa lalakeng 'to pero may humarang kaya inis ko na tinignan.

"Pierre..." napa-uwang ang labi ko at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya.

He seriously looks at me, "That's enough, Amara." saad niya, ang kamay niya ay nakahawak sa kanang siko ko.

"Marami ng tao ang nakatingin sa inyo, hayaan mo na ang mga guards na magpa-alis d'yan." tinanguan niya ang limang guards na kakadating lang, hinatak naman ng mga ito ang tarantadong lalake.

Napabuntong hininga ako at inalis ko ang kamay ni Pierre sa siko ko, muli kong nilingon si Michelle at kinuha ko ang shoulder bag ko sa kaniya.

Masama kong tinignan si Pierre, "Papansin." tinarayan ko siya at hinatak na si Michelle paalis.

Kung hindi niya ako inawat edi sana nabugbog ko 'yung manyakis na lalakeng 'yon! Bakit ba nabuhay pa mga manyakis na lalake?

Napaka-epal!

Nang makalabas na kami sa mall ay bumuga ako ng marahan at inayos ang buhok ko, okay na eh. Maganda na sana mood ko ngayong araw kaso nasira dahil sa punyetang lalake na 'yon!

Nilingon ko si Michelle at tulala siyang nakatingin sa isang banda kaya nagtataka na napalingon din ako roon, kumunot ang kilay ko dahil boyfriend niya iyon at may kasamang babae na nakayapos sa braso niya.

"Hindi ba't boyfriend mo 'yon?"

Muli kong nilingon si Michelle at nakita ko na may luha na sa mga mata niya, napahinga ako ng malalim at napahilamos ng mukha.

Kinginang buhay 'to.

Hinawakan ko ang pulsuan niya at hinatak palapit sa'kin sabay baon ng mukha niya sa balikat ko, habang yakap-yakap siya ay nakatingin naman ako sa gagong boyfriend niya or ex boyfriend na ngayon.

Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya, "'Wag mo iyakan, hindi niya deserve ang mga luha mo." bulong ko sa kaniya.

Narinig ko pa ang pagsinghap niya at lumayo siya sa'kin, ngumiti siya kahit pa na pilit lang. Pinunasan ko ang luha niya.

"Para kang gago. Kapag ganyan na panget na at manloloko pa, 'wag mo iyakan. Sa ugali na lang babawi eh hindi pa magawa." inis na sabi ko.

Natawa naman siya at pinunasan ang sariling luha.

Inaya ko na siya umalis doon dahil baka humagulgol pa 'yan, nakakahiya naman at madami pang tao. Baka sabihin ako 'yung dahilan kung bakit siya umiiyak. I-post pa ako niyan sa blue app with a caption of 'Grabe naman si ate girl! Pina-iyak ang kapwa niya babae.'

OA pa naman mga tao ngayon, mag co-comment ng kung ano kahit hindi alam ang full story.

Pumara ako ng jeep, ako na rin nagbayad ng pamasahe niya. Hindi naman ako madamot sa pinsan ko, pero kapag usapang pagkain....'wag na siya humingi.

Madamot ako sa pagkain.

Nang maka-uwi na kami, nag-iba na ng landas si Michelle. Same barangay lang kami pero magka-iba ng streets, siya sa unang kanto at ako naman sa pangatlo. Magha-hapon na rin nang maka-uwi kami kaya hindi ko alam kung naka-uwi naba si mama o hindi pa.

Nakita ko sa malayo palang na pinagtitinginan ako ng mga chismosang kapit-bahay namin, ano kaya meron?

Lahat sila ay tumitingin at ang iba sa kanila ay nagbubulungan pa, hanggang sa huminto ako sa tapat ng bahay namin.

Nakabukas pa ang gate kaya gising pa sila mama.

May ngiti ako sa labi nang pumasok ako, "Ma—"

Hindi ko na natuloy ang lagi kong sinasabi kapag naka-uwi na'ko nong may kamay na lumandas sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang lakas non ay napalingon ako sa kanan.

"Ano na naman bang kahihiyan ang ginawa mo?!" galit na sigaw ni Mama, kaya gulat ko siyang nilingon.

"M-Ma, anong sinasabi mo?" takang tanong ko.

Lumabas naman si Papa mula sa CR at umiling-iling bago na-upo sa upuan na kaharap ng kapatid kong babae. Dalawa kaming babae na anak nila.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, Ariela. Dapat talaga hindi na natin 'yan binuhay."

Sa sinabi ni Papa ay napa-lunok ako, si mama naman ay umisa pa ng sampal kaya napaluha na'ko.

"Ma..."

Agad na dinuro ako ni Mama, "Manahimik ka! At ano?! Hindi mo alam?! Punyeta ka, pinayagan kita na sumama sa pinsan mo dahil paalam niyo ay may bibilhin lang kayo. Hindi 'yung makikipag-away ka!" kinuha niya ang walis tambo kaya agad ako napalingon kay Papa at sa kapatid kong babae para humingi ng tulong pero parehas sila umiwas ng tingin.

At ayon, nahampas na nga ako sa kaliwang hita ko hanggang sa mapa-upo ako sa sofa namin na kahoy. Tiniis ko ang sakit habang hinahampas ako ni Mama ng walis tambo, 'yung pinaka dulo pa ng walis tambo ang tumatama sa'kin.

"Ma, tama na po please!" iyak ko.

"Letche ka! Pinag-aaral ka tapos ano?! Ganon ang mga galawan mo, punyeta kang babae ka!" sigaw niya at isang malakas na naman na hampas.

Namumula na ang hita ko, hindi siya tumigil pero nong may lumabas na dugo na ay doon palang siya tumigil.

Hinablot niya ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit.

"Sa susunod na malaman ko na may ganto ka naman, hindi lang 'yan ang aabutin mo! Nai-intindihan mo ba ha?!" Nang hindi ako sumagot at tumango lang ay mas lalo niyang hinatak ang buhok ko.

"Sagot!"

"O-Opo, Ma!"

Binitawan niya ng pabalang ang buhok ko at doon ako dahan-dahang tumayo kahit na nanginginig ang katawan ko dahil sa ginawa niya, lagi naman ganito kahit wala akong gawin.

Hindi na bago sa'kin ang hampasin ni Mama, simula bata pa kami ng kapatid ko—kahit hindi ko kasalanan...ako pa rin naman ang pinapagalitan niya. Naalala ko pa nang makatapon ang kapatid ko ng mantika, sinabi niya kay mama na ako ang may gawa tapos sinabi ko kay mama ang totoo na siya talaga may gawa pero ending ako pa rin ang nasaktan.

Ako raw ang nakakatanda kaya dapat daw na tinabi ko ang mantika para hindi raw natabig ng kapatid ko, where in fact na ang kapatid ko ang umabot non kahit na nakatabi na.

Pumasok ako sa kwarto namin, walang pinto at tanging kurtina lang ang nagsisilbing pinto. Kumuha ako ng malinis na damit sa kabinet ko at nilagyan ng alcohol 'yon bago itapal sa sugat ko.

Kagat labi habang pinupunasan ang sugat ko, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Hindi ba niya tatanungin kung bakit ganon ginawa ko?

Hanggang kelan na lang ba ako magtitiis? Kelan ba nila ako mamahalin bilang anak nila? Kelan ba nila ako ituturing bilang anak nila?

Napapagod na'ko pero hindi ako pwede sumuko dahil may mga pangarap pa'ko. Kailangan ko tiisin dahil kapag sumuko ako, sarili ko ang magiging kawawa sa huli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Denial Of Her | Gay Series #2 ( Johansson Pierre Zamora-Holmquist)Where stories live. Discover now