MEMORY 1

1.3K 37 8
                                    


MEMORY 1



*4 months ago*

"Mahal kita kaya kahit itago ko sa lahat ang totoong nangyari nang gabing iyon gagawin ko 'wag ka lang mawala sa akin." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan ang kanyang mga mata.

"Pero hindi ikaw ang mahal ko at alam mo 'yan." Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang mukha.

Namuo ang luha sa aking mga mata.

"Hindi mo naman ako kailangan mahalin hayaan mo lang ako na mahalin ka." Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.

Muli kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi at pinunan ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa. Tumingkayad ako para maabot ko ang kanyang mukha.

Marahan kong nilapit ang aking labi sa kanya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya ako hilahin palapit sa kanya.





Dumampi ang aming mga labi sa isa't isa na aking ikinagulat.







"Cut!" Naitulak ko siya palayo nang marinig ko ang boses ng aming direktor.

"Austin wala sa script na hahalikan mo si Memory! Siya ang hahalik sa'yo at fake kiss lang dapat 'yun diba?!" Singhal nito sa mikroponong hawak kaya napatakip ako sa tainga.

Napatingin ako kay Austin na nasa harapan ko ngayon. Nakangiti lang siya sa akin na para bang wala siyang nagawang kasalanan.

"Sorry po direk, hindi ko lang talaga napigilan." Nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Okay, lunch break!" Bumaba agad ako sa entablado nang marinig iyon.

"Memory saglit lang." Hinawakan niya ako sa braso pero agad ko namang tinanggal ang kamay niya.

"Papalagpasin ko 'yung ginawa mo sakin kanina dahil kaibigan kita pero kapag ginawa mo ulit iyon hindi ko na alam ang magagawa ko sa'yo." Tinalikuran ko na siya pero nagulat nalang ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya.

"You'll be mine soon." Tumawa siya ng mahina at akmang hahalikan akong muli kaya napaatras ako.

Muli niya akong hinila papunta sa kanya. Mas malapit na sa pagkakataong ito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya hindi ko magawang makawala.

Napapikit na lamang ako.





"Let go of her." Napadilat ako.

"Caden," Nakangiting sambit ni Austin.

"Hindi mo ba alam na sexual harassment 'yang ginagawa mo kay Memory?" Nagtinginan sila ng masama bago ako tuluyang bitawan ni Austin.

"Nagugutom na ako kaya sige next time nalang tayo mag-away." Pabirong sabi nito at tinapik na lamang si Caden sa balikat. Nag peace sign siya sa akin.

"Pasensya ka na sa kapatid ko alam mo naman na laki 'yun sa ibang bansa kaya ganoon na lamang siya kung kumilos." Nakakunot na naman ang noo niya at nakasimangot. Napaka moody talaga ng taong 'to.

"Ayos lang 'yun. Ilang buwan na rin naman natin kasama dito si Austin sa teatro kaya nasanay na ako sa pagkapilyo niya." Nakangiti kong sambit sa kanya.

"Kakain na ako, dyan ka na." Napanguso ako. Wala talagang sweetness sa katawan ang lalaking 'to.

"Hindi mo manlang ako yayayain mag lunch?" Pumulupot ako sa braso niya at ngumiti.

Don't Sleep, MemoryWhere stories live. Discover now