Waiting For Forever ☺

120K 562 47
                                    

New FF! :* Support support support! I SUCK AT PROLOGUES. So consider this as your prelude/prologue instead.

-

"Magiingat ka ha?" Paalala sakin ni mommy. "Wag masyadong makulit sa pinsan mo ha?"

Katsumi. Ang pinsan kong mas matanda sakin ng 2 buwan. Sakanya ako titira. Or should I say sakanila. May banda kasi sila na "Parking 5" yung tawag at sa iisang bahay lang sila nakatira ngayon. At yun, dun muna ko magse-stay hanggang sa magstart na ko for college.

"Ma, ang pagsabihan mo etong si Kats." Sabi ko sabay irap.

Magkapatid kasi ang mommy ko at ang daddy niya.

Kathryn Chandria Kabe – Bernardo nga pala.

"I'm gonna miss you 'lot kid." Sabi naman sakin ni Papa sabay yakap. Sus, if I know tuwang-tuwa tong mga to kasi mawawalan ng maingay sa bahay. May humatak naman sakin at kiniliti ako. Ang magaling kong kuya na kakatapos lang maglagay ng maleta ko sasasakyan.

"I'll miss you." He said kissing my forehead. But he came closer only to whisper something. "It will get better."

I smiled at him. Of course, it will get better. Porke iniwan ako ng boyfriend kong baliw, mababaliw na din ako? Saka na yung usuapan tungkol sa baliw kong ex.

"Ready to go?" Tanong sakin ni Kats na mukhang mas excited pa sakin pumunta dun. They exchanged a few words and their goodbyes bago ako sumakay sa shotgun seat at si Kats naman ay sa driver's seat. We started to take off at magsasaksak na sana ko ng earphones ng bigla siyang magsalita.

"Titira ka samin therefore I have ground rules." Napataas yung kilay ko. Ground rules?! Ayos ah. Ano to, dorm? O PMA? "Number 1, wag na wag kang maiinlove sa 4 na pugo, maliwanag?" Seryoso niyang sabi.

Humagalpak ako ng tawa mula sa kinauupuan ko. What kind of frickin rule is that?! That is rubbish. Seryoso. "-_- Tinaasan niya ko ng kilay as if sinasabing seryoso siya.

"Okay, okay. I'll try." I said raising my hands in surrender. As if naman na mai-inlove ako sa mga yun. Break muna sa mga boys. Dejk, Oo naman, pogi naman ang mga kasapi sa Parking 5. I met them once sa birthday ni Kats last year pero imposible. Those boys are too crazy for my life.

"Number 2, we leave at 10am on Mondays to Fridays."

"Noted, sir."

 

 

"Number 3, on Wednesdays, si JC ang naka-toka magluto. And he loves BURNT pancakes. So, I suggest, ikaw ang gagawa ng pakain mo tuwing Wednesday"

I laughed. Shunga tong pinsan ko.

"O, andito na tayo." He said. Bumaba na kami at nagdoorbell sa isang malaking bahay. Or as Kats would address it the "Pogi Kingdom". Narinig kong may tumatakbo papunta samin. Wowowowowow. I tapped my foot on the floor at maya-maya lang ay may nagbukas ng pinto.

"KATSUMI MY BRADER YOU ARE BACK I MISSED YOU MWA MWA" Isang shunga ang nagbukas ng pinto. Ang pinaka-hyper sakanila. SI JC. JC Ford. Humarap sakin si JC at inakbayan ako. Close, close? "And you must be Kathryn."

 

 

"I am. Hi." I said awkwardly. Binitawan na niya ako at nagsisigaw sa hallway.

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon