*Day 2

29 0 0
                                    

April 11, Thurs

Natapos ang 8 hours ko kahapon nang ganun-ganun lang. Buti di na masyadong nagtagpo ang landas namin nitong si Dane. At buti na lang, madali lang yung task ko kahapon.

Pero ngayon, mukhang hindi ako madadalian. May 8 raw samples ako na kailangan i-grind nang dalawang beses. So 16 times ko gagawin nang pauli-ulit ang weigh-grind-weigh-clean process. Jusko. Ang masaklap pa,

“A-a-achoooo!” jusmiyo, eto na nga ba ang sinasabi ko. Magkaka-allergy ako sa task na ‘to.

3rd raw sample ko na nang biglang may epal na umepal sa ginagawa ko.

“Akin na nga yan.” Inagaw niya yung sample na gina-grind ko.

“Tss. Lumayo ka nga.”

“Tricia, admit it, hindi mo kaya yan. Tignan mo nga, ina-allergy ka na.”

“Oh please. Don’t act like you really cared.” Sabi ko habang tinutuloy ang trabaho ko.

“Ang tigas ng ulo mo.” Sabi niya. Akala ko titigilan na niya ako pero nagulat ako nang inagaw niya yung lalagyan ng sample at medyo tinulak ako pagilid para siya na ang gumawa ng trabaho ko.

“Dane!” hindi niya ako pinakinggan.

“Dane naman kasi e!” Gusto ko na sana mag-tantrums kaso naalala ko na nasa trabaho ako.

“Oh, Tricia anong problema?” biglang litaw ng mentor ko.

“Sir Andrei, ako na lang po ang mag-ga-grind dito. Allergic po kasi dito si Tricia e.” sagot nung epal. Psh. Di naman siya ang kinakausap. -___-

“Okay.” Buti di nagalit yung mentor ko.

Kaya eto ako, nasa Products section. Ako na muna ang gumawa ng trabaho ni Dane. Nahiya naman ako sa mentors namin at ayokong mag-mukhang tamad sa paningin nila.

“Hay, kainis. Ako dapat yung gumagawa nun e.” sabi ko habang nagka-calculate ng data. Bored na ako. Buti na lang malapit na ang lunch break.

Sobrang nabato na tuloy ako. Tapos ko na yung naiwang trabaho ni Dane. Kaya tulala ever na lang ako.

“Hi.” Sabi sakin nung isa naming kasama, naka-smile siya. Ano nga bang name nito?

“Hi.” Ngumiti rin ako sa kanya.

“I’m Lester. Tricia, right?”

“Yes.”

“So, kamusta naman?”

“Eto, bored na. Tapos na ang task e.”

“Bakit nga pala nandito ka? Di ba sa raw materials ka?”

“Ah, oo. Kaso nagpalit muna kami nung kasama ko kasi yung task ko sana for today medyo nakaka-allergy.”

“Oh, I see. Anyway, 12 na. Sabay na tayo mag-lunch?”

“Ah, o sige ^___^” at lumabas na nga kami para mag-lunch. Nakasabay na rin namin yung iba pa naming mentors na lumabas.

Habang nasa canteen kami, enjoy na enjoy ako dito sa kasama ko. Same university pala kami galing nito ni Lester. Yun nga lang, BS Biology siya kaya di ko siya kilala. At kaya rin pala medyo familiar yung face niya.

At in fairness, ang cute ni Lester. Ay mali, GWAPO siya. AS IN GWAPO TALAGA. Yung kagwapuhan niya, hindi nakakasawa. Di katulad ni Dane. KASI DI NAMAN GWAPO SI DANE! Tsaka mahahalata kay Lester na mabait talaga siya. Gentleman pa! Laging nakaalalay sakin. Basta mabait! Yung typical na pretty boy or boy next door na cute na mabait. Hayyy. :>

Palakwento rin si Lester. Wala ngang dull moment e. At habang aliw na aliw ako sa mga kwento ni Lester, 12:30 na. May bigla naman akong naalala.

One text message from +639*********

HOY ASAN NA KAYO? AT TALAGANG INIWAN MO KO HA. GANYAN KA.

Sakto, pumasok ng canteen si Dane. Nakalimutan ko palang yayain siya na mag-lunch.

Yan tuloy, ang sama ng tingin sakin. Kala mo ang sama sama ko. Nakonsensya naman ako. Di ko naman kasi sinasadyang makalimutan siyang sabihan. >_>

Aray naman, maka-all caps lang. Ang sakit sa mata.

Patay, galit na nga yan.

Hay nako, hayaan ko nga! Sino ba siya? Tsaka para naman patas kaming dalawa, para naman at least mabwisit ko rin siya. Makaganti man lang.

Makaganti man lang ako sa lahat ng sakit na idinulot niya sakin…

Anyway, stop na ang drama bago pa magsimula. Matapos ang lunch break, nakasabay pa namin si Dane na bumalik sa lab. Oha! Mabilis naman siya kumain e! Tapos magrereklamo pa siya.

Pagbalik namin,

“Tricia, tapos ko na lahat i-grind. Nalinis ko na rin yung work place. Ikaw na lang bahala mag-weigh ulit.” Sabi niya. At sobrang cold ng pagkakasabi niya sakin nun.

“O-okay, thanks. Yu-yung data at calcs nasa notebook ko. Eto,” sabay abot ko sa kanya nung lab notebook ko. At kinuha niya naman ‘to at bumalik na sa Products section. Di man lang siya nag-thank you.

Sa bagay, iniwan ko nga siya ditong nag-iisa e.

ABA TEKA NGA. BAKIT SIYA MAG-IINARTE HA? KAMI BA? TSAKA ISA PA, SIYA NAMAN ANG NANG-IWAN NOON! BWISIT SIYA!

Hay nako, naaalala ko na naman yung mga nangyari noon. Ang sakit lang. Itutuloy ko na nga lang ‘tong trabaho ko tapos pag maaga ako natapos, manghihingi na ulit ako ng ibang task sa mentor ko. Hmp.

Hanggang 5pm lang ang work naming tatlo na nag-o-OJT. Yung mga mentors namin, hanggang 6pm pa sila. Kaya eto, sabay-sabay kami nila Lester at Dane na lumabas ng lab pati na rin ng building.

“Anyway, sige, una na ako. Bye!” paalam samin ni Lester. Sa kabilang way pa siya. Kami naman ni Dane, sa kabila. Bale kung pa-south si Lester, pa-north naman kami. Yun nga lang, magkaiba kami ng sasakyan na jeep. AT LEAST MAKAKALIGTAS RIN AKO SA KANYA. Kaso,

Sobrang tahimik ni Dane. Ini-expect ko kasi na bubwisitin niya ako or pagagalitan niya ako sa ginawa ko kanina.

“Dane,” at tinignan niya lang ako.

“S-sorry. Sorry sa kanina. Di ko naman sinasadya e. Nakalimutan ko lang talaga.” Tinignan niya lang ulit ako.

Hay, ang hirap naman nito.

“Hey, I know may something tayo before pero… Let’s try to be civilized people here. Please.”

OH REALLY TRICIA? IF I KNOW DI MO KAYA YAN. Well, I’ll try.

“Civil? Kaya mo?” BOOM. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. TAKTE, MAY PAGKABASTOS TALAGA ‘TO KAHIT KELAN.

“K-kaya ko!”

“Well then,” at bigla siyang sumakay sa jeep na huminto samin.

TALAGA NAMAN NAKAKAINIS! INIWAN LANG AKO NANG GANUN GANUN LANG? Ni hindi man lang nagpaalam. Bigla-bigla na lang nawala.

Sa bagay, ganyan naman talaga siya. Bigla-biglang nawawala. Hindi naman pala kami okay, di man lang siya nagsasabi. Ayaw na pala niya, di man lang nagpaalam. Kung di ko pa tinanong, di ko pa malalaman na break na pala kami.

WALANG HIYA KA TALAGA DANE SORIANO. USO ANG MAGBA-BYE.

;_;

25 Working Days [ONHOLD]Where stories live. Discover now