"Ang init naman dito!"
Bulong ko sa sarili habang pawis na pawis na hinahanap ang classroom ng inaanak ko. Sasamain talaga itong si Adi sa akin.
Ang init na nga, inutusan pa ako para ibigay 'yung props ni Aiden na naiwan..
Kung hindi ko lang talaga mahal 'yang si Aiden hindi ako papayag sa ama niya e.
Ang init kaya!
Habang naglalakad ako, sabay ko ring tinitignan-tignan ang phone ko. Ni-send kasi sa'kin ni Adrian 'yung classroom at section ng anak niya para raw mas madali ko mahanap.
Section at floor lang ang sinabi ni Adi, hindi 'yung building, kaya naka-ilang building pa ako bago ko tuluyang mahanap 'yung building ng Junior High.
Pagkatapos ko mag-uli sa second floor, agad na akong umakyat pataas sa third floor para puntahan 'yung room ni Aiden.
"Agoncillo, Diokno, Rizal.. Eto! Rizal 'yun, 'yung section ni Aiden.."
Ewan ko ba dito sa sarili ko, nakatapos na ako't lahat-lahat sa pag-aaral, hanggang ngayon, labis pa rin akong kinakabahan mag excuse, hay..
'Pag silip ko sa loob ng classroom, agad ko namang nakita ang inaanak ko.
Shit, may teacher na.. nakakahiya!
Huminga muna ako ng malalim kagaya ng dati at bahagyang kumatok sa pintuan, "Good morning po, excuse me po ka-" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang biglang humarap ang teacher na nakaupo sa harapan.
Fuck, am I dreaming? Is this real?
Tangina, hindi ako p'wedeng magkamali.
Si Zy.. it really is Zy.
Maureen's finally a teacher..
YOU ARE READING
Our Shared Solace
Teen Fiction"Sometimes, it's better to open up to someone who dosen't know us." A phrase that Maureen Aguirre always believed. What happens if she accidentally receives a vent message from an anonymous user, Calixo Ramirez? "Comfort words from a comfort person...
