"Meal, gumising ka na diyan. Ano ka ba, hindi kaba papasok?" sigaw ko habang nakatayo sa gilid ng kama niya.
Ako nga pala si Arabell Grace Labandos, 20 years old, at kaibigan ni Ismael June Phillipbas, 21 years old. Matagal na kaming magkaibigan—mula pa noong sanggol pa lang kami—dahil ang pamilya namin ay matagal nang magkaibigan simula pa raw noong high school sila.
Naging magkaibigan lang kami ni Ismael dahil sa kanila, at dahil doon, sobrang close na namin. Sabi ng mama ko, ang hirap daw naming paghiwalayin noon, at umiiyak kami kapag hindi kami magkasama maglaro.
Ang saya talaga noong bata pa kami. Lahat-lahat, nakukuha namin—laruan man o pagkain—talagang ibinibigay sa amin ng mga pamilya namin, sila Mama at Papa, pati sa kanya rin. Parang magkapatid na nga kami eh, kasi bawat laruan namin ini-swap namin: yung akin nasa kanya, at yung kanya nasa akin.
Kahit nga noon, naliligo pa kami nang sabay—wala pang hiya kasi mga bata pa kami noon, diba? Pero kapag ini-imagine ko ngayon, namumula talaga ako.
Sa paglaki namin, nagbago na ang lahat. Malaki na kaming dalawa at may privacy na, pero time to time sinisira pa rin namin iyon. Bigla na lang kaming pumapasok sa mga kuwarto ng isa't isa—tulad ngayon, andito ako sa kuwarto ni Ismael para gisingin siya.
Ismael:
"Oo na, oo na... tatayo na yung tao..."
Tumayo si Ismael at humikab, tinakpan ang bibig gamit ang kamay, habang ang isa naman ay inangat pataas para mag-stretch.
Arabell:
"Mabuti naman at tumayo ka na."
Nakahawak ako sa bewang ko habang ngumingisi sa kanya.
Nakatitig ako kay Ismael dahil wala siyang suot sa pang-itaas. Sobrang gwapo niya—slightly macho—at kitang-kita ang abs niya, pati ang dibdib niyang parang sa mga Korean actor, tulad ni Ji Chang Wook. Girl... muntik na akong maglaway.
Ismael:
"Hoy..."
Sabay pitik niya sa noo ko.
Pinitik ni Ismael ang noo ko dahil nakatulala lang ako sa kanya. Sobra kasi siyang gwapo. Hindi ninyo ako masisisi kung natulala ako.
Arabell:
"Aray ko, Meal! Ang sakit nun ha. Bakit mo ako pinitikan?"
Tanong ko habang hawak ang noo ko.
Ismael:
"Ay, sorry... hindi ko sinasadyang mapalakas."
Hinawakan at hinimas niya ang noo ko, nakatingin sa akin na halatang nag-aalala. Ako naman, kinikilig sa hawak niya—sa sobrang kilig, parang namumula na ako.
Ismael:
"Oh... namumula ka yata, Ara. Kinikilig ka ba?"
Ngumiti siya na parang nanunukso.
Tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko at inirapan siya.
Arabell:
"Hmp! Hindi yan kilig, Meal—gigil yan. Maligo ka na nga. Ano ka ba."
Sinipa ko na lang ang binti niya para maligo na siya at makapasok na kami sa paaralan.
Ismael:
"Aray... oo na, maliligo na. Kailangan ba talagang sipain mo ako?"
Hinimas niya ang binti niya habang naglalakad papunta sa banyo.
YOU ARE READING
Find me Ismael
RomanceThe two childhood friends that are friends for many years and each of them have feelings of each other. let's adventure there story
