"Labas na kayo doon. Ako ang haharapin ni Yzal..hindi kayo. Ako naman ang gumawa ng plano."

"Pero damay parin kami."

"Dahil inutusan ko kayo. Ako ang may kagustohan..hindi kayo."

Napabuntong hininga ang dalawa.

-------------------------------

Kinabukasan, kagagaling ni Layla sa hospital naisipan n'yang dumaan sa paaralan ni Kiel. Tulad ng dati sigurado s'yang nasa plaza ang bata. Kaya tuloy s'yang pumunta.

Sa plaza naman nagpapalipad ng kanyang Helicopter toy ang bata.
Lumapit si Layla at sinamahan si Kiel sa paglalaro.

Sa ganitong paraan mapapalapit ng muli ang damdamin ni Yzal sa kanya.
Alam n'yang susunduin ni Yzal ang anak. Gusto ni Layla na maabutan sila ng bata na naglalaro. At maisipan ni Yzal; na bagay s'yang maging ina ng bata.

At hindi nga nagkamali si Layla dumating si Yzal at nakita sina Layla at Kiel na naglalaro at nagtatawanan.

Napangiti si Yzal sa kanyang nakikita.

"Ikaw na nga ba talaga Layla ang dapat na tumayong ina ni Kiel?" Napapatanong si Yzal. Lumapit s'ya dalawa at makikisali.

"Daddy!" Tawag ni Kiel.

"Hi. Nag-enjoy yata kayo. Can I join?"

" Sure." Sagot ng bata.

Habang naglalaro sina Kiel , Yzal at Layla. May isang kotseng nakaparada sa unahan.

"Ito ang gusto mong mangyari Yzal para kay Kiel..ang magkaroon ng ina ang bata. Kung si Layla ang totoong mahal mo..handa na akong aminin ang lahat. Basta't akin si Micky. Tuparin na ninyo ni Layla ang naudlot ninyong relasyon. "

Umalis si Meryei. Habang nagmamaneho s'ya naalala n'ya ang nakaraan. Pumapatak ang luha nya na di n'ya namamalayan.

----------------------------

Isang hapon...

"Sheila, ako na lang ang susundo kay Micky. " Paalam ni Meryei sa kaibigan.

" Mabuti pa nga. Nasa pier pa kasi si Bimbo at hinihintay 'yong mga produkto naming prutas na idedeliver sa mga buyers namin. "

"O sige."

" Madalas sila ni Toyang tumambay sa plaza. Kaya doon mo unang hanapin."

"Okay."

Habang sa plaza naman...

"Kiel, maglaro tayo ng water gun." Sabi ni Micky.

"Sige. Meron ako sa bag. Kukunin ko."

Agad kinuha ni Kiel ang water gun sa bag nito. Sa may plaza meron fountain. Doon kumuha ng tubig ang dalawa at nagsimulang maglaro.

"Pyowwww!!" Kapwa sigaw ng kambal.

Nang dumating si Meryei. Napangiti sya ng husto dahil nakita nyang naglalaro ang kanyang mga anak. Lumapit si Meryei.

"Hi. Pwedeng sumali?"

Napalingon si Kiel.

"TINAY!!"

Agad lumapit si Kiel sabay yakap kay Meryei.

" Kelan po kayo dumating?"

"Ilang araw na ang dumaan."

"I miss you."

"I miss you too." Sagot ni Meryei. Kasunod ang mahigpit na yakapan. Napatingin naman si Micky. Kaya tinawag ni Meryei at napasali rin sa init ng yakap ng kanilang ina.

"Mahal na mahal ko kayo, mga anak."
Bulong Meryei at hinalikan isa isa ang kambal.

Samantala, napapatulala ang yaya ni Kiel. Hindi akalain nito na si Meryei ang kasama ng dalawang bata. Habang si Toyang naman ay napapaiyak.

"Kawawang Meryei, ngayon lang napagsama ang kanyang mga anak."

Dumating si Yzal...kasama si Layla.

Malayo palang nakita nilang may kalaro si Kiel na babae. Napakunot ang noo ng dalawa. Tumataas ang kilay ni Layla.

"Punyeta!at may surot na umieksena sa papel ko sa mag-ama. Sino kaya itong bruha na 'to?"

Bumaba sa sasakyan ang dalawa. May kalayuan ang kinauupuan nina Toyang at ng Yaya ni Kiel.
Nang makita ni Toyang na papalapit sina Yzal at Layla. Tatawagin na sana ni Toyang si Meryei; ngunit tinakpan ng Yaya ang bibig ni Toyang.

"Hayaan mo sila..PARA EXCITING!" Nanlaki ang mga mata ni Toyang.

"Kiel.." tawag nina Yzal sa bata.

Napaharap si Kiel at Micky.

"Hi boys." Bati ni Yzal. Hindi nakatuon ang atensyon ni Layla sa mga bata kundi sa babaeng kasama.

Nakatalikod ang babae at dahan dahang humarap.

"Meryei..." Sabay nasabi ng dalawa.

Pilit na ngumiti si Meryei sa dalawa.

-----------------------------

TEASER:

"This is a fake document."
















TINAYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin