After that night, maraming nagbago. Maraming magagandang nangyari. Ang pinakamaganda dun eh mukhang napagod na si Martha samin. Ni hindi nya na nga kami ginugulo nung malaman nya yung nangyari samin.
Pero kasabay din nun, yung pag-iiba iba ng mood ni Ivo of which i always try to understand. Day by day, may mga nalalaman ako sa kanya, but he always doesn't permit me to dig deeper. Palaging pinakamababaw na information lang. Kung siguro ako pa rin yung dating Aina, magagalit ako sa kanya ulit kasi ayaw nya nanamang sabihin lahat. But with the process of understanding him, thankful ako na i learned how to wait. Ika-nga nila, let's take it slow. Yung tipong kung kelan na sya ready para sabihin yung mga yun maghihintay ako. Right Timing kumbaga.
May isang bagay nga lang akong gustong gustong gawin. Ang pumunta sa bahay nila. Kaso he always finds alibi para hindi ko sya kulitin and of which i assume based on common sense, na ayaw nya munang gawin so i didn't try again.
*kring kring*
"Niks! Oh, long time no talk and no see ha?"
"Your fault. Ganyan ka 'pag inlove eh."
"Uy grabe, di naman. So what's up?"
"Same question i ask you for God knows how long... Kelan ba namin makikita 'yan?"
"Ahm, Saturday? Sure na siguro talaga 'yun kasi we'll meet that day."
"So you mean, paghihintayin mo pa ko ng another 2 days? Holiday naman ngayon ah? Bat hindi ngayon?"
"Di pwede."
"At bakit?"
"Simba and date. Wednesday ngayon."
"Oh okay. I'll let this pass. Basta Saturday ha!"
"Sure."
"Okay, enjoy Ms. Lovesick."
Ah. Oo na. Wag na ipangalandakan. Ako na lovesick.
Narinig ko na si Ivo sa baba. Kaya dali-dali ko ng inayos ang sarili ko. I decided to wear a gray and white stripes long sleeves shirt, washed pants at Nike na rubber shoes. Sabi nya kasi magsuot ako ng komportableng damit.
"Pst." Tinawag ko sya habang nakaupo sya sa sofa at ako nasa hagdan. Lumingon sya at ngumiti. He was wearing a black shirt, dark brown pants at black converse.
"Tara."
Umalis na kami pagkatapos magpaalam. Sabi ko baka gabihin ako umuwi kaya sinabi ni Mama na dapat akong ihatid pauwi ni Ivo.
Nasa simbahan kami at nagkaron ako ng time na kausapin ang pinakafavorite kong Lalaki.
"Hello God, thank You for always making me happy. Eto pala yun. Eto pala ang kapalit nung sakit kay Matt- an even greater gain for my pain. I am so thankful. Kung ganto lang naman po pala ang mga marereceive ko after every challenge, then give me more po. I am more than willing to learn by those. Maraming Salamat po ulit. I will always believe and receive You po. Amen."
Tapos na ako magdasal pero etong katabi ko, hindi pa. I wonder, oh Ivoree Lim, anong dinadasal mo?
Pagkatapos nya magdasal, lumabas na kami.
"Anung dinasal mo?" pag-usisa ko.
"Na sana ipagluto mo na ko." sagot nya.
"Ehhhh!!! Hindi naman yune."
"You are not supposed to know. Usapang lalaki yun."
"Grabe naman. Pati 'yan you decided to keep as a secret?" tanong ko at obviously it hit him. Pero hindi sya sumagot.
"Let's go." sinabi nya. Nagnod ako at pumunta na kami sa next destination.
"Ahhhh QC Circle." Sabi ko habang bumababa sa kotse nya.
"Grabe ka. Tinulugan mo lang ako the whole time na bumabyahe tayo."
"Sorry na po. Pagod lang." pagdedefend ko.
"Huh. Sabi ko na eh. Napagod ka tuloy." sabi nya. I shot him my very famous questioning look. "Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko."
"Mukaaaa mo!!!!" Sigaw ko sa kanya habang pinipisil ang pisngi nya. "Panahon pa ni kopong kopong 'yang banat mo eh."
"Sorry ah. Hayaan mo magreresearch ako."
"Woo! Research? Di na kailangan, magaling ka naman dyan, diba? Playboy!!!!" pang-aasar ko.
"Ahuh? Sinong playboy???"
"Ivoree Lim." sagot ko.
"Ah talaga ha???" at with that nagtakbuhan kami. Para kaming mga bata. Sana laging ganto. Yung wala kaming iniisip kundi maging masaya lang.
Nung napagod kami, naupo kami sa bench. Hindi kami nagsasalita parehas. Maya-maya humiga sya sa lap ko.
"Oh?!"
Hindi pa rin sya nagsasalita at pumikit. Nangiti ako. We stayed like that for 30 minutes.
"Oh, Ivo... napakamisteryoso mo talaga..." sinasabi ko ng mahina habang hinahawi yung buhok nya na nakakatakip sa mukha nya. "Ano pang mga sikreto mo ang di ko alam?"
"Marami pa." Sumagot sya. Nagulat ako kasi akala ko tulog sya. Hindi na sya nagsalita ulit at ako na rin.
Mga 6pm na ng mapagdesisyunan naming umuwi. Dahil sa traffic, magna-nine na ng makarating kami sa bahay.
"Sige, una ka na. Park ko lang 'to." sabi nya.
"Okay." sagot ko.
Nasa pintuan pa lang ako, naririnig ko ng 'di mag-isa si Mama. Mukhang ang dami nga nila sa loob eh. Anong meron?
Pagbukas ko ng pinto...
"Little sister!!!!!"
PAK.
"Kuya?" tanong ko. Nakita ko rin si Seth at Niki sa sala.
"Good Evening po Tit-" narinig ko sa likod ko si Ivo at bago ko pa man maipakilala sya sa tatlo..
"Ivoree????" tawag ni Seth sa kanya.
Ha? Magkakilala ba sila? O.o
---
