Foolish Heart [19]

Start from the beginning
                                    


"Baliw ka na bestie.Tumigil ka na sa kakakilig mo dyan, tara na at samahan mo ako puntahan natin si William.Masyado na ako naging madaldal sayo." Tiningnan niya ako ng masama.


"Tss, bakit ba kasi naging boyfriend mo yung malanding lalaki na yun?" 


"Hindi ko din alam bakit ko sinagot yun."


"Alam niyo yung relasyon niyo pang Display lang, kainis kayo. Halata naman na hindi niyo mahal ang isa't-isa tsaka alam mo naman na ginagamit ka lang niya dahil kilala ka dito sa McAhon University. Maganda , matalino , magaling pa kumanta , nagmomodel pa tapos nagtratraining ka bilang artista. Saan ka pa? Tapos mabait pa." Tumawa ako sa sinabi niya.


"Hinay-hinay lang Bestie baka lumaki ang ulo ko sa sinabi mo."


"Tanga mo talaga bestie e, kung ako sayo makipaghiwalay ka na sakanya walang kwenta naman relasyon niyo."


"Grabe ka naman."


"Anong grabe ka dyan? Nagsasabi lang ako ng totoo! Bakit ba kasi ayaw mo makipaghiwalay sakanya?"


"Ay nako Bestie ilang beses ko na binalak makipag-break sakanya pero akala niya lagi lang ako nagbibiro pagnakikipagbreak."


"Aba,magulpi ko nga yung William na yun." Tumawa na lang ako sa inasal.


"Nako Bestie, tara na. " Naglakad na kami papunta sa classroom nila William Tuazon, ang first boyfriend ko na walang kwenta. Kaya ko lang naman siya sinagot  dahil na-curious ako kung paano ba magkaboyfriend. Kaya nga ang tawag ni Keith sa relasyon namin ni William ay for display purposes only, gamitan nga lang daw kasi kami.


"William." 


"Oh hi babe!" Sabay  lapit niya sa akin at akmang hahalikan ako pero lumayo ako dahil yung mga klaklase niya nakatingin sa akin tsaka ayaw ko nga makipaghalik sakanya. Yuck, sa 5 months naming mgbf-gf never pa ako naging sweet sakanya kasi hindi ko naman siya mahal.Tsaka ang swerte niya sa akin, sa dami ng nanligaw sa akin na lagi kong binubusted siya lang yung sinagot ko.


"Yuck." Narinig kong sabi ni Keith kaya tiningnan siya ni William.


"Lalo kang gumaganda babe pagkasama mo si Keith, laki talaga ng tulong ng mga pangit." 


"Wow ha?! Kinagwapo mo na yan!" Matapang na sagot ni Keith.


"Oo, bakit ikaw kinapanget mo na ba yang pagsagot mo sa akin? Kaso kung oo, panalong-panalo ka na." Tumingin ako kay Keith na natahimik at napayuko, naalala ko tuloy yung binully ako nung highschool ako sa una lang ako matapang pero sa huli natatahimik din ako at napapayuko tapos biglang dadating si Jerome para ipagtanggol ako kaso ngayon malabo ng mangyari yun.


"Alam mo William para kang bakla." Inis kong sabi sakanya.


FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now