Part 1

1.1K 15 5
                                    

 *NOTE: Click external link for better reading! :) *

She was waiting for her fiancée at a coffee shop ten blocks away from her house. It was very unusual for her to wait for him for he was never late in their dates before. He was always there, not on time but five minutes advance. How did she know? She found this out when she came early in their second date years ago. When she asked him why was he always early, he would say “Bakit? Pag kinasal ba tayo, sino yung unang naghihintay sa altar? Diba ako? ”The thought of that made her smile stupidly. Five years huh? Matagal-tagal na rin pala kami. She thought. She remembered the day they met.

Flashback

She was running late for her practice dance at the gymnasium. And in order for her not get any more scolded by her classmates, she haze through the corridors of the school. Bahala na kung makabunggo man ako dito, ang importante eh wag ako mapahiya ni Jeff. Grabe pa naman yung baklang yun! Hay, nakakaloka! Bakit ba kasi ang traffic kanina? Nako naman oo! She thought. At dahil nga tumatakbo siya habang nag-iisip, nagdilang anghel siya sa sinabi niya kanina.

“Aray!” Sigaw niya habang nakapikit. Dahil sa impact ng pagkakabunggo nya, alam nya na matutumba siya kaya pumikit na lamang siya at inantay ang kalbaryo-este ang sahig.

Huh? ‘Bat ganon? Walang masakit? At ‘bat ang bango naman ng sahig? Anong ginagamit ng janitor para dito? Makabili nga.

“Miss? Okay ka lang? Hoy!” Napamulat siya bigla sa narinig nya.

OMG! HANGWAPO!

“Miss, alam ko gwapo ako, pero pwede bang umayos ka na ng tayo? Wag ka mag-alala, hahayaan kitang tunawin ako mamaya basta tumayo ka lang ng maayos dahil ako ay nangangalay na.”

At dahil sa sinabi nung gwapo-este nung lalaki, ngayon lang niya lang narealize na kaya pala wala siyang naramdamang impact dahil hindi naman pala siya natumba kasi nasalo siya ng isang gwapong nilalang.

Hmp! Gwapo na sana kaso mahangin! Tsk! Isip-isip nya habang umaayos ng tayo.

“Umm, sorry.” Sabi nya at yumuko.

“Okay lang. Sanay naman akong tinutunaw ng mga babae eh.” Sabi nung lalaki habang nakangiting tumitingin sa kanya. Napaangat naman siya agad ng tingin ditto.

“Wow, ang hangin ata ah? Hindi kaya kita tinitigan, nabigla lang ako na merong kapreng nagsalita sa harap ko, kaya hindi ako agad nakapagsalita. Tss.”

Natawa naman ang lalaki sa sinabi nya. Psh, meron bang nakakatawa sa sinabi ko? Tss.

“Ang cute mo naman Miss. By the way, I’m Daniel, Daniel Padilla.” Sabi nya habang inoffer yung kamay nya para makipaghandshake pero tinitigan nya lang ang kamay nito tapos tinignan siya ulit sa mukha at inirapan.

“So? Pakialam ko kung si Daniel Padilla ka?” Sabay krus ng kamay nya.Tumawa naman si Daniel sa kanya. Shett, ang kyut nung tawa nya. Wait, what? Did I just say that? Or rather, did I just think that? Geez! WTH?

“Ang cute mo naman umirap, Haha, dapat may pakialam ka ‘no! kasi minsan lang magpakilala ang isang gwapong tulad ko.”

“Ay sheett, Ang kapal mo rin eh no? Self-support dre? Nakakatawa ka.”

“Oy wag ka nga! Totoo namang gwapo ako ah?”

“Sinong nagsabi? Nanay mo?”

Forever and Always [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon