treinta y dos:

72.7K 1K 16
                                    

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang pamilya na nasa kabilang mesa. Ang saya-saya kasi nilang tignan para bang mahal na mahal ng lalaki ang asawa nya at anak nya ganun din ang babae. Naisip ko tuloy, posible kayang maging ganyan din kami ni Jed? I know I gave him the chance already pero hindi naman kasi agad mawawala yung doubts diba? Pero alam ko din na unti-unti din yung mawawala at lilipas sa takdang panahon, at pag nangyari yun alam ko magiging masaya din kami.

Napatingin naman ako sa ngiting-ngiting si Ashley habang kinakausap ang mga bisita. Kitang-kita mo na ang saya-saya nya, kitang-kita yung fulfillment. Ako kaya. kelan?

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?"

Napalingon ako sa nagsalita at laking gulat ko ng makita ko sya.

"J-Jed..."

"What? Parang gulat na gulat ka naman na nandito ako, bakit may tinatago ka ba? Siguro may boyfriend ka dito no?" Sabi nya but there's humor on his words.

"Crazy! I was just shocked to see you here. Never expected that you will come."

"Bakit naman?"

"Duh? Ashley's here remember?"

"Yeah right! Nakalimutan ko na baka habulin  ako ng itak ng bestfriend mo."

Natawa ako sa sinabi nya.

"Pero from the looks of it mukhang hindi naman nya gagawin dahil mukhang ang saya-saya nya. Hindi naman siguro nya hahayaan na masira ang araw nya dahil lang nandito ako diba?"

Napangiti ako at napatingin kay Ashley. 

I admit naiinggit ako. Naiinggit ako sa kanya kasi ang saya-saya nya. Naiinggit ako kasi masaya na sya samantalang dati sabay lang kaming nangangarap na may prince charming kaming dadating. Pero ngayon nahanap na nya ang kanya at kasama nya na sa piling nya.

"Envious?"

"Huh?"

"You don't have to be, you know? I can marry you anytime you want. I may not be the prince charming you've dreamt of but I can be the Jared Villaflor that only you can have. Mind you I'm one of a kind."

Natigilan ako sa sinabi nya at makalipas ang ilang segundo ngumiti.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon