I Met Him Online

2.5K 38 25
  • Dedicated kay YOU♥
                                    

Rough Draft

April 23, 2013, Tuesday, 11:03 pm

Naranasan mo na bang ma-inlove?

Eh yung ma-inlove sa isang tao over the internet, nasubukan mo na?

Sa tingin mo possible? Parang ang labo lang diba? Sino naman ang nasa matinong pag-iisip yung ma-iinlove sa isang tao na sa internet mo lang nakilala. Impossible diba? Lalo na kung kahit minsan hindi mo pa nakita yung itsura niya, ni marinig yung boses niya, at ni minsan eh hindi mo man lang siya nakasama.

A total stranger it is.

Kaya nga kung tutuusin hindi pwedeng mangyari lahat ng yun.

Yun ang akala ko. AKALA ko IMPOSSIBLE. Impossible na mahulog ang loob ko sa isang taong ngayon ko lang nakilala at ang masakit sa INTERNET pa. Pero alam mo POSSIBLE palang mangyari lahat ng yun. Wala pala talagang impossible sa mundo, kahit nga sa internet world lahat pwede. Lahat possible.

Kasi kahit ako...

Naranasan ko yun. I fell in love with a guy that I just met online.

And how was it? Tinanong mo kung anong feeling? Ano ang pakiramdam na mainlove sa kanya?

Maniwala ka man o sa hindi, it was the same feeling, tulad ng mga nakikita ko sa TV, sa mga couple na nakikita ko sa malls, schools, university at kung saan man, parehas din sa mga  nababasa ko sa mga libro, maging dito sa wattpad. 

It was the same magical feeling. Masarap, masaya, nakakakilig, nakakapagpabilis ng puso. Yung tipong mapapangiti ka na lang ng hindi mo namamalayan. Yun pala dahil yun sa iniisip mo siya. Na makita mo lang yung name niya na lumabas sa screen ng laptop mo sumasabog na sa saya yung puso mo. Na kahit ang tagal-tagal mong naghintay para lang makausap siya yung ilang minuto palang ng pag-uusap niyo feeling mo bawing-bawi na. Tapos yung mga walang katapusan na wall post niyo sa isa't-isa, yung mga cheesy lines niyo na pinopost sa wall niya kahit magkausap naman kayo sa chat eh kilig na kilig kana. 

Kung tutuusin nga hindi mo namamalayan na this is just over the internet na after nun wala na ulit, nakapag shinutdown mo yung laptop mo o yung desktop mo wala na. Tapos na lahat. Pero hindi eh, hindi yun yung maiisip mo. Kasi ang naiisip mo yung feeling na he's just there, na nasa tabi mo lang siya. That someday you'll not be bounded by the internet. Someday you and him will be together.

 

That was the only thing that keeps me going. That is keeping me to hold on with whatever that we have. We had. I was hoping, wishing and praying that one day I'll be able to see him, to hug him with my arms and tell him straight to his face how much I love him. I loved him. I hold on to his promises I cherished every words he said, hoping that he'll stay true to his words. I don't care about the distance, it was so difficult, timezone sucks! But it was all worth it, I said.

We're having the best. I guess. Sa sobrang saya nga minsan nakakatakot na. Bakit? What if I woke up one day then wala na kaming internet connection? Pano ko na siya makakausap? But that was a joke. Sa totoo lang natatakot ako hindi dahil baka mawalan kami ng internet connection ang pinaka kinakatakot ko dun eh kung paano kami matatapos...saan kami dadalhin ng kung anong meron kami? Anong mangyayari samin after.

And your biggest question was?

Do we get our happy ending? May happy ending ba?

Hindi ko alam, sabay nating alamin. I'll tell you everything mula sa first meeting namin hanggang sa tinatanong mong ending. Then you tell me kung may happy ending ba itong istorya namin.

I'm Peach Cassandra Santos and this is my "very unusual love story".

_________________________________________________________________________

A/N: Yay! Hello everyone this is my first short story. Sana magustuhan niyo. Kung meron mang mga scenes, lines, setting, or kung ano man dito sa story ko na nangyayari sa tunay na buhay ako na po nagsasabi sa inyo ito ay base lamang sa imagination ko kaya enjoy na lang! Hihi. Thanks ulit. :)

I Met Him OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon