Chapter Two: School(Palaban na babae)

21 1 0
                                    

PS: YOUR IMAGINATION IS A MUST.

KIO'S POV:

At school

Tapos na kong magreport sa principal tungkol sa activities dito sa school. Ako rin kase yung president dito. Kahit naman kase ayoko wala akong magawa -_____- They choose me so I have to accept it. Nung una sabi ko si Kath nalang, yung sumunod sa ranking sakin kaso sabi ni Principal kinausap na daw nila pero tinanggihan daw nya. Naglalakad ako sa may park ng campus. 4th yr student  nga pala ako.

Si Kath tahimik at mahinhin.

Speaking of Kath, nakita kong papalapit sya sakin.

"Ahmm Kio.." Nakayuko syang lumapit sakin.

 Nilagay ko yung kamay ko sa pocket ko. "Ano yun? May sasabihin ka?"

"Ahmm. Ano kase.. Sorry.." Nakayuko pa rin sya. Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Eh? Sorry? Para saan? Wala naman syang kasalanan sakin e.

Tinignan ko lang sya ng kunot noo. ?__?

"Sorry kase tinanggihan ko yung pagiging president. Kase nahihiya ako. Mas mataas ka sakin tapos ako yung magiging president. Iniisip ko na bka matapakan ko yung pride mo. Sorry natambakan ka ng trabaho dito sa campus." She said it while nakapout sya. How cute. "Hayaan mo, tutulungan naman kita. Vice president naman ako e ^^." 

I looked away. Anak ng- ang bading ko naman!

"Ok lang." Yun lang yung sinabi ko tapos ngumiti ako at nag bow senyas na aalis na ko then umalis na ko. Kaso narinig kong may nagsisigawan. Paglingon ko dun sa pinanggalingan nakita ko may dalawang babae tapos isang lalaki. Yung isang babae hindi nagsasalita while yung isa naman nagbubunganga. Nagulat ako nung biglang sinampal nung maingay yung babaeng walang imik tapos sinabunutan. Pero mas Ikinagulat ko nung binitawan na nung babae yung buhok nung isang babae tapos biglang sinapak nung tahimik na babae yung maingay. Nagets nyo ba? Basta ganun yung nangyari. Nagulat din yung mga nanunuod. Lumapit na ko nung nakita kong medyo nagkakarambulan na.

YUMI'S POV:

Fuuuuhh nakakainis na huh. Kanina pa sunod ng sunod tong kumag na to sakin. Nakita na nga nyang di ko sya pinapansin di pa makahalata! Tanga ba to o bobo? Bwisit!!!!!!!!!

"Sige na Yumi. Pagbigyan mo na ko. Isang araw lang kita magiging girl friend. Titignan lang naten kung compatible tayo."

Direderetso lang ako sa paglalakad ko.

"Bagay naman tayo e. Pogi ako, maganda ka. Perfect match!"

Parang tanga lang sya diba? Di ba sya nahihiya? Humarap na ko sa kanya. Hinawakan ko yung muka nya Tapos bigla naman syang ngumiti. Open wide, yung talagang ngiting ngiti. Ang sarap punitin ng bibig. Yung ngiti pa nya ang lagkit na ewan. Parang criminal. Alam mo yung ngiti ng mga taong may masamng gagawin. Ganun >__<!!

"Alam kong maganda ako. Pero di ko alam na pogi ka pala. -___- at isa pa, di ka ba nahihiya sa mga pinag sasabi mo? Naiirta na ko sayo." Kalma lang Yumi.

"Pakipot ka naman masyado."

Lumakad na ulit ako ng may babaeng humarang sa dinadaanan ko.

"Hey you Flirt girl!"

Ano? flirt girl daw? Di ko sya pinansin baka di ako yun diba. Isa pa alam ko naman sa sarili ko na hindi ako flirt e. tas dumiretso na ko sa paglalakad ko. Kaso hinarangan nya yung dinadaanan ko. May kasama pa syang isa pang girl "Hindi ka lang pala flirt, bastos ka rin pala??" She said habang naka cross arms sya. Again, hindi ko sya pinansin at nagdirediretso lang ako sa paglalakad ko. Pero humarang na naman sila. Tsss siino ba tong tilapia na to?? Hindi ako natutuwa. Buti nakakapag pigil ako. Hindi naman kase ako yung tipong warfreak. Pero kapag ginawa na sakin, dun ako lumalaban. Alangan namang hayaan ko lang na mabugbog ako diba?

"Ako ba kinakausap mo?"

"Are you deaf? Naduduwag ka bas akin? Pa kunwari ka pa. E nilalandi mo yung boyfriend ko!"

Ha? Nilalandi ko yung boyfriend nya? Kahit naman mahilig akong mag bar hindi naman ako ganung tipo ng babae na makikipag landian kung kanikanino. Kahit may mga lumalapit sakin hindi ko pinapansin tapos sasabihan nya kong nilalandi ko daw yung bf nya? How dare her??

"Excuse me? Baka nagkakamali ka lang miss. Padaan na ko, may gagawin pa ko." Kaso hindi sya umalis sa dinadaan ko. She keeps on talking and talking and talking that makes me annoy. So ginawa ko dumaan ako sa gilid nya. Kaso hinawakan nya yung balikat ko then she turn me around to face her.

Nag cross arm ulet sya. Then nagsimula na naman syang magsalita. "You saw that guy?" Tapos tinuro nya yung lalaki na nanunuod samin. Napansin ko rin na marami ng nakikichismiss samin. Ahhh so si bisugo yung tinutukoy nyang boyfriend daw nya? Yung lalaking nanggugulo sakin kanina lang. "He's my boyfriend. I saw you with her kanina lang!"

Oa lang nya? Masyadong tamang hinala? "Youre mistaken. Now will you excuse me?"

"Malandi kang babae ka!!"

Di na talaga ko makapag pigil. Bobo ba sya para hindi nya maintindihan yung sinasabi ko? "Bat di mo tanungin yang bf mo? The heck. Youre wasting my time." I said with a calm voice. Di naman kasi ako palingkera.

"I saw you! I saw you touching my boyfriends face! You bitch!" Talgang sumisigaw na sya.

"Di ako ang malandi. Baka yang bf mo. Malas mo lang nagkabf ka na tulad nya na manloloko. At mas  malas mo lang dahil malandi sya at hindi sya stick to one. At sobrang malas ka dahil ang boyfriend mo may gusto sakin. But don't you worry. Di ako pumapatol sa Bisugong tulad nya. Iyong iyo sya. Never akong makikipag agawan sayo *smile* You don't know what just happen kaya wag kang mag eskandalo jan. You nagger, nakakahiya ka." Aalis sana ako kaso bigla nyang hinawakan yung buhok ko. At ano pa nga bang ginawa nya sa buhok ko? Syempre dahil witch sya e pinakulam nya ko. Pero jk lang, sinabunutan nya ko> 3<

"Ouch! Bitawan mo buhok ko!"Pero di pa rin nya binibitawan! Kupal naman yung schoolmates naming! Hindi pa awatin tong tilapia na to! Ano to? Sine? Audience sla? Takte! Ang sakit na ng anit ko! "Bitawan mo sabi buhok ko!"

"Bagay lang sayo yan dahil malandi ka! Malandi!" Alam kong nanggigigil sya habang hawak hawak nya yung buhok ko tapos sinesway sway pa nya. Tapos naramdaman ko na napunit na yung leeg ko dahil sa lakas ng pag sway nya. May sumirit na ring dugo at unti unti ng naputol ng tuluyan ang leeg ko T^T. Pero sempre jk lang ulet -____-

Fuck. Oras na bitawan nya buhok ko makakatikim talaga to sakin! My hair! My beautiful hair T^T >___<.

At ayun nga. Binitiwan na nya ko. This time ako naman ang gumanti.

BOG! (Suntok po yan hahahaha.)

Oo tama sinuntok ko po sya. At ngayon nakahiga na sya sa semento. Narinig kong nagsigawan na yung mga students.

Inayos ko yung buhok ko tapos tinignan ko sya. Nakita kong hinimas himas nya yung face nya. "I told you twice to get off me pero di mo ginawa." Aalis na sana ulit ako ng may sumigaw.

"Whats going on here?!!" Tumatakbo sya palapit samin.

Uh-kay... Si Mr. President with Ms. VP. 

Regrets(on going)Where stories live. Discover now