Grim Reaper
Siguro noong nagpaulan ng kabobohan sa mundo, nasa kalsada 'tong si Cedric Valderama at nagswimming pa talaga sa baha with matching butterfly stroke. Kasi kung hindi, bakit ganito?
Ilang beses ko nang sinabi na Renz Cortes nga ang pangalan ko pero ayaw maniwala na para bang nandoon siya sa binyag ko at nakikain ng shanghai. Gago siya, ano ba ang gusto niyang marinig na sabihin ko? Na ang pangalan ko ay Cardo Dalisay? O kaya'y Tanggol?
Siraulo.
"Pakawalan niyo ako dito!" Sigaw ko habang nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakatali. Ang hayop na 'to, hindi na talaga nakuntento na tinutukan niya ako ng baril kanina. Nagtawag pa talaga ng mga alagad niya para lang maigapos ako sa isang upuan. "Ano bang kailangan niyo sa akin?!" Atungal ko sa kanilang lahat doon.
Pero tama lang din na tinali niya ako, e. Kasi kung hindi ako nakatali ay siguradong natadyakan ko na talaga siya sa sobrang inis!
"Cedric, hijo, ano bang nangyayari?" Nagpapanic na tanong ni Manang Gracia nang makita ang sinapit ko. "Diyos ko! Bakit nakatali si Renz? Anong meron?"
Mabuti naman at nagtanong ka Manang! Kasi ako rin, gusto kong malaman!
Kahit sina Sally at Ana ay laglag ang mga panga nang masilip ako mula sa labas ng kwarto. I wanted to ask for help but I'm also sure they can't do anything about it. Lalo na't ang boss mismo nila ang walanghiyang may gawa nito sa akin.
"Nag-uusap lang po kami, Manang..." Sagot ni Cedric na ngayon ay kalmado na pero may bahid pa rin ng pagdududa sa mga mata. I glared at him. Good thing he's fully dressed now. Dahil ayoko nang makita pa 'yang tite niyang may dala yatang kamalasan sa buhay ko!
Pagak akong natawa sa sagot niya kay Manang. What a ridiculous excuse!
"Nag-uusap lang?! Bakit kailangang nakatali ako? At tangina mo! Tinutukan mo ako ng baril kanina, ah? Paano kung nakalabit mo ang gatilyo no'n? Edi sorry Renz, rest in peace nalang, gano'n?!" I lamented angrily with so much frustration. Halos pumiyok ang boses ko sa tindi ng nararamdaman ko.
Nagsinghapan sina Manang dahil sa isinawalat ko. I shook my head in dismay. Wala yatang kamalay-malay ang mga tao rito kung gaano kasahol ang ugali nitong amo nila kaya gulat sila ngayon.
"Ano? Ano?" I barked aggressively at him.
Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako na para bang sa aming dalawa, ako itong nasisiraan na ng bait at hindi siya.
"Waldo," tawag niya roon sa isang bodyguard niya. Umismid ako nang makitang ito rin ang isa sa mga bodyguards niya kanina na nagvolunteer na itali ako. Matangkad ito pero payat. Pokerface ang mukha at mukhang nakakalbo na ang buhok dahil siguro sa stress sa buhay.
May sinenyas siya rito at hindi nagtagal ay pinalabas na nito sina Manang. Ang naiwan lang sa loob ay kaming dalawa ni Cedric, si Waldo mismo, at ilang bodyguards na as usual ay parang mga poste lang sa gilid.
Muli akong nagpumiglas sa pagkakatali. Bumuntong-hininga si Cedric at prenteng naupo sa dulo ng kama niya, nakaharap sa akin habang tahimik na pinagmamasdan ang pagpupumilit kong makataas. Hindi ko alam pero basi sa tingin niya, mukhang nag-eexpect rin siya na matatanggal ko nga 'yong tali.
"Let's talk..." Panimula niya. Akala mo'y nasa isang business deal kami at ako ang ka-transaction niyang ipapaligpit niya kaagad sa mga tauhan niya kapag hindi kami nagkasundo.
"Kalagan mo muna ako!" Iritado kong sambit dahil kanina pa ako nangangati rito at hindi ko man lang magawang kamutin ang dapat kamutin!
He sighed before he lazily scratched the tip of his eyebrow using his forefinger.
